Kabanata f(x - 22)

452K 14.3K 10.7K
                                    

[Kabanata 22]

"Today I heard them play the song again
An old familiar strain from way back when
Every note and every line
It's always been a favorite song of mine"

-Lea Salonga (I Remember the boy)



"IF I COULD... THEN I WOULD!... I'LL GO WHEREVER YOU WILL GO... WAY UP HIGH OR DOWN LOW I'LL GO WHEREVER YOU WILL GO------ Uh Sorry, Masyado lang akong nadala sa kanta hehe" tawa pa ni Bryan at hininaan niya yung volume ng radio niya dito sa kotse niya na naka-tune in sa fm. Kanina pa siya kumakanta at nag-hehead bang pa habang ako naman ay nakaupo dito sa passenger seat sa tabi niya at nakatanaw lang sa bintana habang pinagmamasdan ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa labas.

Napatitig na lang ako sa bawat patak ng ulan na tumatama sa salamin ng bintana, hindi ko alam kung bakit nakokonsiyensya ako na hindi ko tinanggap ang alok ni Sir Nathan na sumabay na ako sa kanila ni Cassandra kanina...

"Tayo na!" tawa pa ni Bryan habang nasa gitna kami ng parking lot ng school, akmang hihilahin na niya ako papasok sa kotse niya pero napatigil kami nang biglang may bumusina mula sa likuran, si Sir Nathan.

"Aleeza sumabay ka na sa'min" tawag ni Sir Nathan at bigla siyang bumaba sa kotse sabay bukas ng payong at mabilis siyang naglakad papalapit sa amin ni Bryan. "Tayo na" tugon pa ni Sir sabay hawak sa wrist ko, pero napatigil ako nang makitang dumungaw sa passenger seat ng kotse ni Sir Nathan si Cassandra "Come on Aleeza, sabay ka na sa'min" tawag pa ni Cassandra habang nakangiti.

Napalingon naman ako kay Bryan, nakangisi pa rin siya sabay bukas ulit ng pintuan ng kotse niya sa passenger seat. Napatingin naman ako kay Sir Nathan na hawak pa rin ang wrist ko at pinapayungan ako ngayon. Napalingon din ako sa direksyon ni Cassandra.

"Uhm excuse me, Aleeza? What? Nababasa na ko ng ulan... look" sabat pa ni Bryan habang nakangiti pa din ng nakakaloko at naglakad siya papalapit sa'min ni Sir Nathan para makisilong sa payong. Tatlo na tuloy kaming nakasilong doon sa iisang payong. "On the way naman kami pa-Cavi----" hindi na natapos ni Sir Nathan yung sasabihin niya kasi biglang may bumusinang kotse sa likod, nakaharang kasi yung kotse ni Sir sa gitna.

"Wait a minute, itatabi ko lang----" paalam pa ni Sir Nathan pero napailing ako. hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. "W-wag na po sir, sasabay na lang ako kay Bryan" sagot ko dahilan para mapatigil siya at mapatingin sa akin at kay Bryan na nakangisi pa rin.

"Out of the way si Bryan, papunta rin naman kami---"

"Sa bahay ni Lola ako matutulog ngayon kuya" sabat ulit ni Bryan, sa Cavite pala nakatira ang lola niya sabi niya kanina. Hindi naman nakapagsalita agad si Sir, tuluyan nang bumuhos ng malakas ang ulan at kasabay pa niyon ang walang awat na pagbusina nung kotse na nakasunod sa kotse ni Sir.

"Hey! what's going on? I'm in a hurry!" sigaw pa nung lalaking balbas sarado at mukhang maton na kanina pa bumubusina. Humingi naman si Sir ng pasensiya doon sa beastmode na lalaki.

"Kuya peram kami ng payong" sabi pa ni Bryan sabay hawak doon sa payong at hinila niya kami papunta sa kotse niya, wala naman na akong nagawa nung binuksan na ni Bryan yung pinto ng kotse niya at sumakay na rin siya. si Sir Nathan na ang nagsara ng pintuan na nasa gilid ko habang nakatayo siya doon sa gilid at hawak-hawak ang payong.

Tumango naman ako kay Sir at nagpaalam na, hindi naman na niya ako maririnig kasi nasa loob na ako ng kotse, "Here we go" ngisi pa ni Bryan at pinaandar na niya ang kotse niya, sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung bakit parang mali ang ginawa... maling iniwan ko siya doon na nakatayo mag-isa habang bumubuhos ang ulan.





Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon