Kabanata f(x - 42)

772K 17.5K 60.4K
                                    

[Kabanata 42]

(Note: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng makasaysayang pagkatuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Hinango ang kabanatang ito sa kasaysayan ng ating bansa ngunit tulad nga ng genre ng kwentong ito ay naglalaman din ito ng Fiction. Ang pag-iibigan ni Sinagtala at Franco Velez ay pawang kathang-isip lamang. Hindi ito nasusulat sa Kasaysayan.)

(Ang lenggwaheng kanilang ginagamit sa pag-uusap ay pinaniniwalaan na Old Malay Language ngunit hindi ako ganoon kasigurado kung kaya't hayaan niyong gamitin ko na lang ang Malaysian language. Hindi ako marunong magsalita ng Malay kung kaya't si pareng google translate ang kasangga ko ngayon haha. This is it!)

*******************

Filipinas 1521

Ang pagdaong ng barkong Trinidad lulan ang manlalakbay na si Ferdinand Magellan sa lupain ng Homonhon, Samar. Kasama ang dalawa pang barkong Concepcion at Victoria lulan ang mga paring misyonaryong Kastila na kasama rin sa ekspedisyon.

Halos 150 mga tauhan ang lulan ng apat na barkong iyon kasama rin ang historian na si Antonio Pigafetta, ang Kastilang pari na si padre Pedro De Valderrama at ang katuwang nitong pari na si Franco Velez.

Sa kanilang paglalakbay na nagsimula pa noong Septyembre 20, 1519 sa ilalim ng kapangyarihan ni Haring Charles V ng Espanya ay hinarap nila ang napakaraming pagsubok sa gitna ng dagat. Si Ferdinand Magellan ay isang Portugese na nagsisilbi sa kaharian ng Espanya.

Sa gitna ng kanilang paglalakbay ay nagkaroon ng pag-aalsa ang ilang pinuno ng mga barko. Limang barko ang orihinal na naglayag paalis ng Espanya ngunit apat na lang ang nakarating sa Pilipinas sapagkat ang barkong San Antonio at Santigao ay bumalik sa Espanya at hindi na nagpatuloy pa.

Ang kanilang misyon ay ang marating ang lupain ng Moluccas (spice island) noong mga panahong iyon nagkaroon ng pasiklaban ang mga bansa sa Europa sa pagtuklas ng mga bansa sa Silangan. Ganoon na rin ang kanilang pag-aasam na makakuha ng mga 'spices' para sa kanilang mga pagkain na maaari ring gamitin sa pagreserba ng mga karne lalo na sa panahon ng tag-lamig.

Bukod doon ay nais din nilang ipakalat ang relihiyong Katolisismo kung kaya't ang bawat ekspedisyon ay naglululan ng mga pari at historian upang maitala ang kanilang naging paglalakbay.

Marso 16, 1521

Natanaw nila ang isang isla na tinawag ni Antonio Pigafetta na 'Humunu' na ngayon ay kilala bilang Homonhon, Samar. Sa pagkakataong iyon sinalubong sila ng mga makapangyarihang datu na sina Datu Inaroyan, Limbas, Bucad, Layong, Calipay, Badiao, Cabuling at Datu Garas-garas.

Ang wikang kanilang ginagamit ay ang 'Malay Language' kasama ang isang tagasalin ng wika na nagngangalang Enrique, ipinaliwanang nina Ferdinand Magellan sa mga katutubong datu na sila ay representante ng kaharian ng Espanya at ang kanilang misyon ay ang maipalaganap ang relihiyong Katoliko.

Malugod na tinanggap ng mga katutubo ang mga dayuhang Kastila. Binigyan nila ng makakain ang mga bisita lalo na ang mga tauhan ng barko na nanghihina na sa gutom at pagkauhaw. Agad nagtayo ng mga tolda ang mga kastila sa dalampasigan habang patuloy silang binibigyan ng mga mamamayan ng mga prutas, gulay at mga pagkain.

Ang barangay na pinamumunuan ni Datu Gars-garas ay mayroong mga bangka na ginagamit sa pangingisda. Nagkaroon sila ng salo-salo at ang lahat ng mga nahuling isda ay inihain ng mga katutubo sa mga kaibigang dayuhan.

Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng isang makapangyarihang datu. Magiliw silang sinalubong ng mga mamamayan na nakatira sa maliliit na barong-barong na nakapalibot sa buong barangay na kinabibilingan nila.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon