Kabanata f(x - 27)

508K 15K 19.8K
                                    

[Kabanata 27]

Our Asymptotically Love Story

(page 191 - 208)

Ika-Labindalawang Kabanata

Filipinas 1688

"Bago pa man mag-umpisa tumugtog ang musika mas makabubuti kung lalayo ka na, huwag mo nang tapusin pang pakinggan ito dahil sa huli masasaktan ka lang" wika ni Patricio habang nakatingin ng malalim sa mga mata ni Salome. "Masasaktan ka lang Lumeng kung ipagpapatuloy mo iyan" dagdag pa niya, Hindi naman nagawang makapagsalita ni Salome, Binalot siya ng mga tanong at pagtataka sa babala na binitawan ni Patricio.

"Hindi ko mabatid ang iyong nais sabih----" Hindi na nagawa pang tapusin ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang tumigil ang musika mula sa biyolin, Nakita na sila ni Fidel.

"Lumeng, Ano ang iyong ginagawa rito?" sabat ni Fidel at dahan-dahan niyang inilapag sa upuan ang biyolin na hawak niya. Muli ay napatingin siya kay Salome at Patricio na parehong nakatayo sa daanan ng Lupain ng mga Rosas.

Agad napayuko si Salome, ngayon lamang niya nabatid na hindi dapat siya lumabas ng hacienda nang walang pahintulot mula sa kaniyang mga amo. "Isinama ko siya rito" biglang sabat ni Patricio sabay ngiti ng nakakaloko. Hindi naman agad nakapagsalita si Fidel, wala namang problema sa kaniya kung gustuhin ni Salome lumabas sa hacienda. Ang hindi niya lang ikinatuwa ay makitang magkasama si Salome at Patricio.

Idagdag pa ang kaakibat na kahulugan ng pagpunta nila sa Lupain ng Rosas. Kasabihan sa buong bayan na kapag isinama ng isang binata ang isang dalaga sa Lupain ng mga Rosas ay nangangahulugan ito sa pagtatapat ng kanilang damdamin. "N-nagkakamali ho kayo Senor, Ang totoo ho niyan----" hindi na natapos ni Salome ang kaniyang paliwanag kay Fidel dahil biglang dumating si Eleanor habang may bitbit itong isang dosenang mga rosas.

"Narito pala kayo... Tamang-tama nagbilin ako kay Manang Estelita kanina na magdala rito ng almusal" nakangiting wika ni Eleanor lalong-lalo na nang makita niyang magkasama si Salome at Patricio. "Sandali lamang... Senor Patricio, Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung bakit narito kayo ni Salome?" ngiti pa ni Eleanor, halatang tinutukso niya ang dalawa. Tinutukoy nito ang kasabihan sa Lupain ng mga Rosas.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Salome at namula rin siya sa hiya. Hindi siya sanay na tinutukso sa isang binata. Samantalang tatawa-tawa naman si Patricio animo'y kampyansa palagi sa sarili. "Ito ba ang iyong paraan Senor Patricio upang ipabatid kay Salome ang iyong damdamin?" panukso pa ni Eleanor na mas lalong ikinagulat ni Salome, na ikinahalakhak ni Patricio at ikinasama lalo ng tingin ni Fidel.

"Ako'y nagbibiro lamang" tawa pa ni Eleanor dahil sa gulat na gulat na reaksyon ni Salome. Kailanman ay hindi niya pa naranasan na tuksuhin sa isang binata kung kaya't ganoon na lamang ang reaksyon niya. Sandali rin siyang kinabahan dahil kung sakaling may matandang tradisyonal na nakakita sa kanila ay siguradong kasal na ang sunod na magaganap.

"Narinig mo Lumeng? Nagbibiro lamang si Eleanor" ulit pa ni Patricio sabay tawa dahil sa nawindang na reaksyon ni Salome kanina. Sinamaan naman ng tingin ni Salome si Patricio at magsasalita na sana siya ngunit biglang sumulpot muli si ChingChing at tinuka-tuka nito ang sapatos ni Fidel.

"Ching!" gulintang na sigaw ni Salome at dali-daling dinampot si ChingChing ngunit naunahan siya ni Fidel. "Ikaw pala ay namamasyal din" wika ni Fidel habang buhat-buhat ang manok, sumilay ang kakaibang ngiti sa kaniya habang pinagmamasdan ang manok. "Ngayon alam ko na" dagdag pa niya sabya tingin kay Salome nang nakangiti na ikipagtaka naman ng dalaga. Batid na ni Fidel na kaya narito si Salome dahil hinabol nito ang pasaway na manok na si ChingChing

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon