Kabanata f(x - 37)

556K 14.6K 32.5K
                                    

[Kabanata 37]

~Desperado, oh, you ain't gettin' no younger
Your pain and your hunger, its drivin' you home
Oooh freedom, oh freedom, that's just some people talkin'
Your prison is walking through this world all alone~

-Jil Johnson (Desperado)




"Death is not the end... perhaps, it is the beginning of a new journey waiting ahead"

Hindi na matigil si mama sa pag-iyak habang yakap-yakap ni Tita Meg. Nasa likod naman niya sina Tita Aireen at Tita Rita. Mahihinang paghikbi ang naumumukod tangi sa buong kapiligiran at tanging ang boses lamang ng pari ang nangingibabaw habang dahan-dahang ibinababa sa malalim na hukay ang kabaong ni papa.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan sa huling sandali ang katawan ni papa. Hindi ko matanggap na sa isang iglap biglang naging ganito ang inakala kong normal na buhay na meron kami. Manhid na manhid na ang buong katawan ko at hindi na rin maawat ang pagbagsak ng mga luha ko.

Napatingala ako sa itaas, makulimlim ang kalangitan habang patuloy na bumabagsak ng dahan-dahan ang tubig ulan. Mas lalo akong nasasaktan sa katotohanang...

Wala na si papa.

Wala na talaga siya.

"His loving memory will forever be cherished" patuloy pa ng pari at isinara na niya ang bibliya na hawak niya.

Madami rin ang nakiramay at sumama sa huling hantungan ni papa dito sa sementeryo. Karamihan sa mga nakiramay ay ang mga matagal na niyang kaibigan at kasama sa pagpapasada ng jeep. Naalala ko bigla noong huli ko silang nakita, birthday ni Alex at naghanda kami sa bahay masayang-masaya silang lahat habang nagbibiruan at nag-aagawan ng microphone ng videoke. Pero ngayon ang lahat ng saya at tawanan noong gabing iyon ay napalitan na ng lungkot at pagdadalamhati.

Ilang sandali pa, naramdaman kong biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Sir Nathan, "Lo siento" (I'm sorry) tugon niya habang nakatingin ng diretso sa kabaong ni papa na nasa ilalim na ng hukay. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung bakit mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Nababasa ko rin sa mga mata niya ang labis na kalungkutan.

Naka-puting polo siya ngayon kapareho ng suot ni Alex. Tinapik-tapik naman niya sa balikat si Alex na hindi na rin maawat sa pag-iyak. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Alex at mas lalo akong nasasaktan na makita siyang ganoon.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak pa rin ni Sir Nathan, bakit parang pamilyar ang hawak niya? pamilyar ang lambot at init ng kamay niya. ilang sandali pa, napatigil ako nang bigla niyang itinapat sa akin ang isang puting panyo na hawak niya. "Katulad ng pagtigil ng buhos ng ulan... matatapos din ang paghihirap at kalungkutan na iyong nararamdaman... magwawakas din ang lahat, Aleng" patuloy niya pa, napatitig na lang ako sa panyo na hawak niya. At kasabay ng pagbitiw niya sa mga huling salitang iyon ay siyang pagtigil ng buhos ng ulan.






Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang mailibing si papa, tuluyan nang napabayaan ni mama ang tindahan sa palengke kaya pinaalis na kami doon at iba na ang umupa. Tumawag naman si Tito Ace at nagpadala ng pera para makatulong sa mga gastusin sa bahay dahil wala na si papa, at wala ring trabaho si mama.

Si tita Aireen muna ang nagbibigay ng baon sa amin ni Alex, halos isang linggo rin akong hindi nakakapasok sa OJT kaya ngayon naghahabol na ako. Mabuti na lang dahil binigyan din ako ng mga special quizzes at seatworks ng mga professor ko.

"Ngets, eto oh egg sandwich kain ka muna" narinig kong tugon ni Jen sabay abot sa'kin ng isang sanwhich na dala niya at isang juice. "Hindi ka pa kumakain ng dinner, hanggang 10 pm pa man din tayo dito" patuloy niya pa. Nakaupo kami ngayon sa reception area dito sa hospital kung saan kami nag-duduty.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon