Kabanata f(x - 8)

684K 18.2K 26.8K
                                    

[Kabanata 8]

"And if there's no tomorrow
And all we have is here and now
I'm happy just to have you
You're all the love I need somehow"

-The Corrs (Breathless)


"What is a function in Algebraic equation?" tanong ni Sir Nathan, halos napayuko naman ang lahat, ito yung mga pagkakataon na hindi mo magagawang tumingin sa mata ng prof mo kasi baka tawagin ka niya.

Kanina pa nag-didiscuss si Sir Nathan habang ako eto nag-dodoodle lang sa notebook ko. Hindi ko kasi magawang tumingin sa kaniya at sobrang nakakatulala kapag nagsasalita siya. sobrang tahimik din ng klase ngayon at halos lahat ng classmates ko tulala rin sa kaniya.

Siguro dapat hindi pinapayagan maging teacher ang mga ganito kagwapong nilalang, Paano makakapag-focus ang estudyante? Paano maiintindihan ang lesson?

Paano ako makakapag-focus? Paano ko maiintindihan yung lesson? Haaays.

"Ms. Agcaoili" narinig kong tawag ni Sir dahilan para mapatigil ako sa pag-dodoodle at gulat na mapatingin sa kaniya. Nasa tapat lang ako ng table niya kaya sobrang kabado na ko ngayon. Gosh! baka nakita niya na nag-dodoodle lang ako!

Naka-black polo shirt siya ngayon na ang manggas ay hanggang elbow. May hawak siyang white board marker at nakapatong ang isang kamay niya sa desk niya habang nakatingin sa akin. "What is a function?" tugon ni Sir Nathan sabay turo doon sa board.

Napatayo naman ako at napalingon ako sa likod kasi nakita ko si Jen na pinagtatawanan na ako ngayon at kinuhaan pa ako ng video. Haays!

Humarap na ulit ako kay Sir Nathan at finocus ko na lang yung tingin ko doon sa board. Dahil sobrang nakaka-distract talaga ang presence niya. lalo na ngayon na nasa harap lang ako ng table niya.

"A function may be thought of as a rule which takes each member x of a set and assigns, or maps it to the same value y known at its image"

"Very good" sabi pa niya at sinenyasan na niya ako maupo. Nagpatuloy na ulit sa pagdidiscuss si Sir Nathan.

Umupo na ulit ako sa upuan ko at napasandal doon. Grabe! Muntik na akong atakihin sa puso kanina. Naalala ko bigla yung conversation namin ni Sir Nathan kahapon sa teacher's office.



"Salamat... Salamat, siguro dapat na akong magbawas ng libro dito, magmumukha ng library ang table ko" biro pa ni Sir Albert matapos namin siyang tulungan ni Sir Nathan sa pagpulot ng mga librong nahulog sa mesa niya.

Nagbiro naman si Sir Nathan na one step away lang daw pala ang library sa kaniya kapag nangolekta pa si Sir Albert ng mga libro. Hindi naman nakakatawa yung sinabi niya pero natawa silang dalawa kaya nakitawa na lang din ako.

"Oo nga pala! May klase pa ko... sige na mauna---" hindi natapos ni Sir Albert yung pagpapaalam niya kasi napatingin siya sa librong hawak ko, Our Asymptotic Love Story.

"Oh? Aleeza Hija, gusto mo bang hiramin 'yan?" tanong ni Sir Albert dahilan para marealize ko na hawak ko pala yung librong iyon. Napailing naman ako agad at inabot sa kaniya yung libro.

"Hindi na po sir, may kopya rin po ako sa bahay" sagot ko. Napatango-tango naman si Sir Albert at kinuha na niya yung libro sa akin. Ipinatong na niya iyon sa mesa niya saka nagpaalam na ulit umalis at dahil naiwan na naman kami ni Sir Nathan sa office nila nagpaalam na rin ako agad sa kaniya at dali-daling lumabas sa office. Gosh! ayokong ma-trap na naman.

Paglabas ko sa office natanaw ko si Sir Albert na naglalakad papunta sa elevator. Paika-ika na siya at mabagal na siya maglakad dahil sa katandaan kaya madali ko siyang naabutan.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon