Chapter 1

243 9 8
                                    


Napasinghap ako ng makita ko kung saan nakaturo yung arrow habang nakatayo ako sa weighing scale. Nadagdagan na naman ang timbang ko. Ayoko talaga ng summer puro gala at kasama ng gala ay pagkain. Isang napakalaking kahinaan ko.

"Wow! Nakakaamaze ka naman talaga Fat Amy!"parang bata na pumalakpak ang kaibigan kong si Uno. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang lakas ng boses niya, nasa health center kami. Sinamahan kasi namin yung matandang babae na kapitbahay namin. Ito nakakita si Uno ng timbangan kaya iyan pinilit niya ako. Sobrang nakakahiya sa mga tao dito, puro mga batang lalaki ang nakapila para mapagpatule.

"Bes bigyan mo naman ako ng blessing sayo ni Lord. Sinalo mo naman kasi lahat iyan tuloy napala mo"nagtawanan yung mga bata na malapit sa amin. Bwisit talaga itong kumag na ito, gusto pa yata talagang mabalian ng buto.

"I love you bespren"sabay karipas ng takbo ang kumag. Hindi na ako nakapagsalita kasi hiyang hiya na ako. Hindi ako sanay na sa akin nakatingin ang maraming tao. Ayoko ng exposure, arte.

Humanda ka sa akin Uno gagawin kong pangtuhog iyang matutulis mong buto ng mga fishball at kwek kwek na tinda ni Aling Selya. Naabutan ko si Uno na inaaalayan yung matandang babae na kapitbahay namin. Kahit puno ng kalokohan itong kaibigan ko maginoo pa rin talaga siya. Sa akin lang talaga hindi.

Matapos namin ihatid sa bahay nila yung matanda(na hindi ko pa rin alam ang pangalan)umuwi na ako sa bahay kaso itong si Uno makikikain daw sa amin ng meryenda. Ang kapal talaga ng mukha, gusto niya ako pa magluto ng turon para sa kanya at lagyan ko pa daw ng langka.

Habang nagluluto nakapalumbaba si Uno na para bang ang lalim ng iniisip. Ilang saglit pa bigla siyang nagsalita tungkol sa nalalapit na pakusan sa school.

"Panigurado ako hindi na naman kasya sayo yung mga palda mo."pabiro sambit ni Uno. Humagalagpak sa tawa ang kumag. "Pero seryoso lilipat ka talaga ng school dahil lang sa kanya?"pag-iiba niya ng usapan. Nagalinlangan akong sagutin ang tanong niya.

"Oo na hindi na siguro"sagot ko. Lilipat ako sa public school dahil ayoko na sa dati kong school para na rin sa kaniya. Gusto ko lang maging tahimik ang buhay ko ayoko ng issue. Pero natatakot din ako sa school nitong kumag, ang balita kasi puro mga estudyante na kick out mula sa private schools ang nandun. Sabi naman niya hindi, sinisiraan lang daw ang school nila kasi puro ubod ng bait ang mga nandun. Naniwala naman ako sa kanya.

"Speaking of balik-eskwela exercise mo na iyang mga bilbil mo para hindi kana ulit bibili ng bagong palda"suhesyon niya. May point din naman si Uno pero ang tanong kakayanin ko kaya.

"Puro daldal kainin mo na yang turon bago maubos ng mga langaw"pag-iiba ko ng usapan. Ayoko talaga marinig ang salitang "diet" ang pumapasok sa isip ko na nasa isa akong tagong kwarto habang tinototure.

"Uno may tanong ako sayo"

"Ano yun?" tanong niya habang kumakain ng turon.

"May pag-asa paba talaga akong pumayat?"biglang nabilaukan si Uno sa sinabi ko or I mean sa tinanong ko. Binigyan ko agad siya ng tubig at nilagok niya agad ito. Itinaas na parang nakatungga ng beer at ngumiti ng malapad habang nakatingin ng deretso sa akin.

"OO NAMAN!"masigla niyang sagot sa tanong ko.

"Okay sunod na taon ako magdiet"biglang naglaho ang ngiti sa mukha ni Uno ng sabihin ko yun.

"ANO?! Fat Amy naman sige na diet kana. Bahala ka dyan hindi magkakaroon ng boyfriend"pananakot niya sa akin.

"Hindi mo ako matatakot"

"Makaalis na nga"umalis na nga ng tuluyan si Uno at bumelat pa.

Ayoko talaga magdiet, tanggap naman ng magulang ko kahit mataba ako. Ano pa bang kailangan ko diba?

********

Hi guys! This isn't the first na magpublish ako or gumawa ng kwento.
Hope you like it. Please do tap the Star and let me know what you think about my story.

Babygollum😀

Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang