Chapter 5

75 5 3
                                    


Matagal kong pinag-iisipan kung ano kaya ang mangyayari sa akin sa pasukan. But you know it doesn't really started well. Kung sa mga istorya na nababasa ko sa wattpad, first day of school may nakakabanggaan na bad boy o kaya bad girl, not me.

I catched again the attention of everyone, which is ayokong mangyari.

Isipin ko pa lang ang nangyari last May 31, naiinis na ako, dahil sa kagagawan ko mismo. Lalo pa kaya na instant tampulan ako ng tukso on the first day of school. Dahil kay Uno.

One week na ang nakaraan simula ng mangyari iyon. They actually thought na boyfriend ko ang kumag na iyon! Aba, hindi ko alam na peymus pala ang kaibigan ko na ito at take note hearthrob ang kumag. Kaya pala ang sabi niya mababait naman ang mga estudyante dito.

Baka isipin niyo na may naiinggit o nagagalit or na may enemy agad ako. Huwag kayo! Binalaan na niya ang kuno "chicks" niya na kapag inaway nila ako baka daganan ko daw sila. Heto pa, pati mga bakla nahuhumaling din sa kumag na ito.

Can you imagine it?

I can't believed it. Akala ko mukhang goons ang mga nag-aaral na lalaki dito sa public school, hindi naman pala, mali ako ng akala. Meron naman mga pogi hindi lang marunong mag-ayos ng sarili.

Pero hindi talaga maiiwasan na may pabida sa klase na akala mo sila ang mas nakatataas sa lahat. Tawag ko sa kanila ay "powerpuff girls". Magaling sila umarte kumbaga mga best actress kapag nandiyan si Teacher. Syempre feeling close sila kay teacher. But kapag wala na si teacher, ayun! Sige ang pintas kesyo mukhang paa si Sir at kung anu-ano pa.

Wala eh! Hindi makapalag ang iba kasi kaya nilang baligtarin ang istorya sa mga teacher.

"Hoy taba!" tawag sa akin ni Buttercup. Siya naman ang lingon ko sa kaniya sa likod.

"Pahingi ako 1/2. Ihati mo na lang ako dyan sa 1 whole mo tapos pahiram na rin ako ballpen yung G-tech ah" gusto ko sanang sabihin na ang kapal ng eyeshadow mong kulay green at G-tech ko pa talaga ang gusto mong hiramin.

Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya makita ang inis sa mukha ko. Parang kahapon lang hiniram din niya yung G-tech ko at pagbalik sa akin naging HBW na. Pumilas ako ng 1 whole at tinupi ito sa gitna. Dinilaan ko yung tupi upang mas madali ko itong mahati. Voila! Instant 1/2 crosswise.

Iniabot ko kay Buttercup yung 1/2 habang nakangiti ng malapad at labag loob na ipinahiram ang nag-iisa kong G-tech na kakabili ko lang.

"May gagamitin ka pa bang ballpen?" tanong ni buttercup.

"Meron pa naman. Yung HBW" sagot ko.

"Baka gusto mong gamitin itong Dong-A ko" mayabang niyang alok. May ballpen pala naman siya hindi pa niya ginamit gusto pa talaga yung akin.

Pumayag na lang ako na hiramin dahil maguumpisa na yung first quiz namin sa Science. Ni hindi pa nga nagtuturo si Ma'am kundi puro kwento lang siya tungkol sa buhay niya. Ano ito MMK?!

Pagkatapos ng Science ay break time na namin. Bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko ay nang hihingi naman ng pulbos si Bubbles. Halos maubos na yung pulbos ko sa dami ng inilagay sa palad niya.

"Ipapahid mo yan lahat sa mukha mo?"

"Hindi ah! Ilalagay ko sa lalagyan ng pulbos ko yung matitira. Ubos na kasi, kaya ito pangre-fill" what the neck!

Naglagay din ako ng pulbos bago pumunta ng canteen. Palabas na sana ako ng room ng tawagin ako ni buttercup. Isinauli niya yung G-tech ko, thank goodness. Isinilid ko na lang sa bulsa ko yung ballpen.

"Sandali lang, taba!" tawag ulit sa akin ni buttercup. "May pulbos kapa dito" turo niya sa pisngi ko kaya ipinahid ko ulit ang palad ko.

Umalis na ako ng tuluyan sa room. Pero may kakaiba, nakatingin sila sa akin. Ano na naman ang problema?


Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon