Chapter 4

88 5 0
                                    

"Ang laki mo na!"

"Napabayaan ka ba sa kusina?"

"Ang lusog mo na ah!"

Ito ang ilan sa mga ayokong marinig tuwing magkakaroon ng family reunion. Well, sanay naman na ako marinig ng paulit-ulit ang mga salitang iyan. Pero hindi talaga maiiwasan na magsawa kang marinig ito ng madalas. Kaya minsan ayoko magkaroon ng bisita sa bahay lalo na kapag kamag-anak namin ito.

Bakit ba kasi kailangan na dito pa sa bahay palagi ganapin ang family reunion? Bakit ba kasi sobrang bait ng magulang ko? Sa sobrang galante ni papa, every May 31 may family reunion dito sa bahay.

Hindi ko masasabing mababait sila sadyang mapanghusga lang.

Pakiramdam ko pinapanood nila ang bawat galaw ko sa aking kinauupuan. Lalo na 'yung mga Tita ko at mga pinsang kong dalaga at binata.

Ang hirap huminga. Para akong nasasakal sa mga tingin nila. Para bang nakagawa ako ng isang malaking krimen sa paningin nila.

Kasalanan ko ba na masarap magluto si Papa? Hindi naman eh!

Para bang hindi nila ako tanggap dahil lang sa mataba ako. Bakit ako iiyak? Maureen matapang ka diba? Pero kahit anong gawin ko nagbabadya ng tumulo ang mga luhang ilang taon ko ng pinipigil tuwing mayroon family reunion.

We are a big family. Ako lang pala ang big. Halos mapunò ng tao yung bakuran namin. It can occupy naman ang sampung pamilya kaso mukhang madami lang ngayon ang pumunta naming kamag-anak. Ni hindi nga ako nakakasigurado kung kamag-anak ba namin ang iba o baka nakikikain lang.

Biglang may nagsalita sa microphone na sinasabi pagkatapos kumain magkakaroon ng palaro para sa lahat. Nagdasal ako na sana hindi ako ulit isali ni Mama. Alam ko na nagmamayabangan na naman sila ng mga Tita ko.

"Alam mo may honor si ano.."

"Ang ganda na ng buhay ni ano.."

"Nakapangasawa ng kano si ano.."

Hindi ko alam kung ano ang ipagmamalaki ni Mama sa akin sa mga Tita ko. Maya-maya pa ng matapos na halos ang lahat kumain sinimulan na nila ang palaro. Dahil hindi pa ako kumakain pasimple akong kumuha ng pagkain at umalis doon sa bakuran namin. Lagi ko itong ginagawa. Dumeretso ako sa likod ng bahay kung saan tahimik at higit sa lahat ako lang mag-isa.

Umupo ako sa ginawang swing ni Papa para sa akin lang mismo. Gawa ito sa malaking gulong at matibay na lubid. Pininta ko pa nga ang pangalan ko dito para walang umangkin. Nakatingin lang ako sa kawalan hanggang sa napagtanto ko na may dala pala akong pagkain.  Dalawang hita na friedchicken ang dala ko. Salamat pwede na akong kumain ng walang istorbo at mapanghusga na mga tingin.

"Kaya ka tumataba eh" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

Si Uno.

Nakalayo nga ako sa kamag-anak ko hindi sa kumag na ito. Aba! Nandito talaga siya ah ang kapal talaga ng mukha.

"Ano naman ang ginagawa mo dito? Makikikain?" umiling ito at lumapit sa akin. Binalik ko na lang ang tingin ko sa friedchicken na hawak ko. Pero bigla akong napahawak sa magkabilang lubid ng itulak ito ng malakas ni Uno.

"Ang bigat mo!" reklamo nito habang tinutulak niya yung duyan.

"Baliw ka ba! Itutulak mo yung duyan eh alam mo naman na hindi mo kaya. Boba ka talaga. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" tinigil na niya ang pagtulak sa swing at hingal sa ginawa niyang kalokohan.

"Ang sakit naman, baliw tsaka boba. Ganiyan ka na ba sa akin bes?" sambit niya habang nakahawak sa dibdib na kunware naiiyak. "Nandito ako kasi ako yung nagluto ng hawak mo na iyang friedchicken"paliwanag niya.

"Ahhh" tanging sagot ko.

"Hindi mo ba ako bibigyan bes? Gutom na ako. Tingnan mo pu.ma.pa.yat na ako" talagang idiniin niya yung word na "pumapayat".

"Edi oink!" sabay belat ko sa kanya.

"Sige ka sabihin ko kay Tita yung ginawa mo sa buhok mo" pananakot niya.

Agad naman ako napatayo sa swing at nilapitan siya para ibigay yung isang hita ng manok. Nakarinig kami ng ingay ng mga bata na mukhang papunta dito sa kinatatayuan namin ni Uno.

"ATEEEE MAUUUUWEEENNN!!!" bulol na tawag sa akin ng isang pinsan ko, I think 3 years old ito. Sa likod niya yung iba ko pang batang pinsan at pamangkin.

Tumatakbo sila papalapit sa akin na para bang may gusto silang kunin sa akin. Yung friedchicken? At hinawakan nila ako sa kamay at hinila.

"Hoy Uno! Tuuulooonggg"wala ng nagawa si Uno maski ako kahit na mas malaki ako sa mga batang ito kasi ang dami nilang humihila sa akin.

Ramdam ko ang pawis nila sa kamay ko. Eww ang lagkit ko na. Ayoko pa naman sa bata. Pinilit kong kumawala pero ang dami talaga nila. Dinala ako sa bakuran kung saan galing ako kanina.

"Ayan na! Nakahanap nga sila ng baboy!" nagtawanan ang lahat ng sabihin ito ng Tita ko na naghohost ng palaro.

Ang sakit. Nakakahiya. Lahat sila nakatingin sa akin pinagtatawanan ako. Nakayuko lang ako at tuluyan na nagpahila. Naiiyak ako. Hindi pwede ito kaya sinubok ko ulit na kumawala at hinatak ko ang kanan kamay ko. Nagtagumpay naman ako.

Umiyak yung mga bata na nasa kanan ko. Napalakas yata ang paghila ko kaya napaupo sila sa sahig. Nawala ang nakakabingi na tawanan at napalitan ng iyak ng mga bata. Nagsilapitan yung mga magulang nila at itinayo. Nakita kong nakatingin ng masama sa akin si Tita Alice habang pinapatahan si Desa.

"Kita mong mas malaki ka sa kanila!" pinagalitan din ako ng iba kong Tita.

Sinubukan kong humingi ng pasensya sa mga Tita ko at sa mga bata. Galit pa rin sila sa ginawa ko kaya minabuti ko na lang manahimik. Nakita ko yung mga pinsan kong dalaga at binata na tumatawa habang nakatingin sa akin.

Umalis ulit ako doon at dumeretso sa banyo para maghilamos dahil alam ko malapit ng tumulo yung mga luha na naipon ko kanina pa.

Babygollum notes:

1. Sorry hindi ako nakapag update kahapon dahil wala akong internet.

2. Masyado rin akong naging busy sa part time job ko kaya nawala sa isip ko na thursday na pala kahapon.

3. Maganda ako! Vote. Comment. Share!

Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Where stories live. Discover now