Chapter 6

70 4 0
                                    

Nakita ko mula sa gate ang magkasalubong na kilay ni Uno. Malay ko ba na big deal pala ang pagcucutting classes dito sa school nila. Matapos ba naman ang nangyari sa akin kaninang break time, sinong mawawalan ng gana na pumasok sa susunod na klase?

Tsaka sabi ko na nga ba, ako pa ang may mali sa kahihiyan na nangyari sa akin. Kasalanan ito ng tropang Powerpuff Girls, sila lang yung kahina-hinala ang kilos bago ako lumabas ng room kanina.

Kasalanan rin ito ng teacher namin sa Science. Magpaquiz ba naman kahit walang tinuro at ako pa ang ginamit ng tropa ni buttercup para laitin si Maam Salvador. May nilagay silang papel sa likod ko na may nakasulat na mura, na hindi ko magagawang magmura, at nakasulat rin ang pangalan ni Maam Salvador. At para may ebidensya sila na ako ang gumawa talaga niyan naglagay sila ng tinta sa G-tech ko, nung time na paalis na sana ako ng room at isinauli sa akin ni Buttercup.

Syempre hinawakan ko pa iyon at nagpulbos pa ako. Edi naipunas ko yung tinta sa mukha ko. Kaya ganun na lang makatingin sa akin yung iba at nagtaka na ako ng husto ng may nagtatawanan na habang nakatingin sa akin.

May concern na student na lumapit sa akin para sabihin na may tinta daw ako sa mukha at may nakadikit na papel sa likod ko. Nagpasalamat ako kay kuya at tumakbo ng nakayuko. Sobra ang hiya ko ng oras na iyon ni hindi ko magawang umalis sa Cr kahit ang bantot pa sa loob. Kahit gusto ko magdrama dahil sa nangyari sa akin hindi ko magawa kasi ang bantot talaga sa loob.

Lumabas lang ako 20 minutes after ng bell. Syempre, planado talaga ng Powerpuff girls ang lahat. Kahit na dinepensahan ko na ang sarili wala pa rin. Malakas sila sa prefect of discipline eh. Pwede nga sila magtrabaho ng budol-budol, sa galing nila na manghikayat ng Teachers.

"Bilisan mo kaya maglakad! Pinaghintay mo na nga ako dito, babagalan mo pang maglakad" reklamo ni Uno.

Sumimangot lang ako habang naglalakad papalapit sa kaniya. Wala ba siyang alam sa nangyari sa akin?

"Ano bang problema mo?! Ikaw na nga itong hinintay, ikaw pa ang sumimangot" galit na sambit ni Uno ng makalapit na ako sa kaniya. Naglakad na lang ako papuntang sakayan ng tricycle.

Ayos lang naman sa akin na ganito. Kahit na ang sama na ng nangyari sa akin at wala pang alam ang bestfriend ko, ako na lang ang iintindi. Kahit alam ko na wala naman akong maling ginawa, ako pa rin ang hihingi ng tawad.

Sa mundong ito ako nakatira, kung saan kasalanan ang pagiging mataba.

"Hala Maureen! Joke lang yun uy!" hinabol ako ni Uno. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Uno's POV

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Alam ko na may nangyari sa kaniya kanina pero ayokong pag-usapan ito. Mas nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit.

Nakalimutan yata ni Maureen na tao ako. I pat her back para malaman niyang masyadong mahigpit ang pagkayakap niya sa akin. Unti-onti naman niyang niluwagan ang yakap niya sa akin.

"Tara na nga umuwi na tayo" inakbayan ko siya kahit ang lapad pa ng katawan niya.

Ayoko lang maulit ang ginawa niya noon. Halos mabaliw kami sa nangyari sa kaniya. Alam ko na dahil sa pagiging mataba niya ay naging tampulan siya ng tukso. Kaya sa tuwing mababanggit niya ang pagdidiet natutuwa ako.

"Gusto ko umuwi mag-isa" mahinang sambit ni Maureen. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Bakit? Naku Maureen! Kung anuman ang balak mong gawin.."

"Wala akong gagawin na masama" paninigurado niya.

Pumayag na lang ako sa gusto niya at umuwi na lang rin ako mag-isa. Pero bago 'yun may kailangan pa akong resbakan.

Babygollum's note:
1. Pasensya na hindi ko nagawang magupdate last week. Dahil may nagkasakit ako.

2. Babawi po ako.

3. Salamat po sa lahat ng nagbabasa. At salamat sa votes.

4. Pers tym ni Uno magkaPOV!

Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Where stories live. Discover now