Chapter 8

66 3 0
                                    

Nilalamok na ako dito pero wala pa rin Ni anino ni Uno. I'm about to leave ng makarinig ako ng boses. Pinakinggan ko itong mabuti nagbabakasali kung si Uno na iyon. Boses ng babae. Hindi lang siya nag-iisa. Dalawa? Tatlo?

Balak ko sanang magtago pero wala namang pagkakasyahan itong malaki at malapad kong katawan. Isang disadvantage ng mataba. Pero ang advantage naman ng katawan ko ay walang magbabalak na mangkidnap sa akin. Just imagine na kung patulugin ako sa sapak ng kidnapper hindi naman niya ako mabubuhat.

"Aray! Ano ba dahan-dahan naman?!"

"Bakit pa kasi nakablind fold pa?!"

"Feeling ko mukha na akong haggard"

"Shhh! Tahimik!" sigurado akong boses iyon ni Uno. At ano naman ang balak gawin ng kumag na ito at nagsama pa ng mga babae? Masasapak ko ang lalaking ito. Aware ako na malapit lang sila pero hindi ko alam kung saan sila dahil sa madilim ang paligid.

I gasped ng makita ko si Uno kasama yung powerpuff girls.

Eh?

"Surprised!" pumalakpak pa ang kumag. Nagtaka yung tatlo ng sumigaw ng surprised si Uno. Gustuhin man nilang alisin ang piring sa pagkakatali hindi nila magagawa dahil nakatali rin ang mga kamay sa likod nila.

He smiled at me pero I just give him a death glare with magpaliwanag-ka-sa-akin look. Instead of explaining to me, he just turn his back and sign at me to wait. Before I could say anything else, pinaluhod niya yung tatlo.

"Aray ko yung tuhod ko" bakas sa boses ni Blossom ang hirap at sakit sa pinapagawa sa kanila ni Uno. Pagkatapos, inalis ni Uno ang kanilang mga piring. Bumungad ang mga nakabusangot na mukha ng tatlo. Gusto kong matawa, yung halakhak na para bang wala hg bukas. Mas pangit pala sila kapag walang make-up.

Nagulat ako ng nakatingin na sila sa akin na parang mga aso. Yung mga aso sa kanto na galisin. Biro lang.

"Sorry Maureen sa ginawa namin sa iyo. Promise hindi na namin gagawin ulit iyon basta lang na pumayag ka na maging kaibigan namin" walang buhay na sambit ni Blossom. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang "kaibigan". Parang nabingi ako sa sinabi niya.

"Please" pagmamakaawa nilang tatlo sa akin.

"Huy! Ano na?" tanong sa akin ni Uno.

Hindi ko alam ang isasagot. Mukha kasing napipilitan lang sila. Tsaka wait lang...

"Alam mo yung nangyari sa akin?" i look at his eye pero umiiwas siya ng tingin. Napangiti ako dahil akala ko hindi niya alam. So he pretend na hindi niya alam para gawin ito.

"Hindi mo naman na kailangan gawin ito at tsaka kawawa naman sila oh" turo ko sa tatlo. Bakas sa mukha nila ang pagod. "Mukha na silang aso sa kalye" bulong ko kay Uno.

"Hoy narinig namin yun!" Nagpeace sign ako sa kanilang tatlo. At tumawa naman si Uno ng pagkalakas.

"Ano forever na lang kaming nakagapos dito habang pinapapak ng lamok?" reklamo ni Bubbles. Pinakawalan na rin namin ang tatlo at pinauwi ng payapa. Naglakad na rin kami pauwi ni Uno dahil ang kumag kulang pala ang dalang pamasahe. Syempre susulitin ko ang oras habang naglalakad kami para tadtarin siya ng sermon sa ginawa sa tatlo.

Pumayag naman na din ako na maging kaibigan ko yung powerpuff girls kahit na fresh pa rin sa akin yung ginawa nila na pagpapahiya. Hindi ko lang matanggap ay ang ginawa ni Uno sa tatlo. Kung hindi lang siya payatot at buto-buto malamang dinaganan ko na ito ng tuluyan. Syempre hindi ko magagawa sa kaniya yun.

Nang makarating na kami sa gate ng bahay namin, pinahinto niya muna ako. Matagal bago siya magsalita, parang nagaalangan siya. "Kung may mangbully man sa iyo ulit. Tandaan mo nandito ako para ipagtanggol ka. Huwag kang magsusuicide" nagcrack bigla yung boses niya ng sabihin niya yung suicide.

"Promise hindi ko na uulitin iyon. Hindi mo naman kailangan na lagi akong ipagtanggol. Kaya ko naman ang sarili ko" I doubt it. Parang hindi totoo yung sinabi ko. Or the wounds of the past are not healed enough. Or is there no space for another one?

But I smiled at him.

"Sinungaling" sambit niya na para bang kinasusuklaman niya ako. Ramdam kong nagbago ang aura niya. Para siyang galit. Pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging payapa ang mukha niya.Pagkatapos naglakad na siya pauwi.

Nakakatuwang malaman na may kaibigan na nag-aalala para sa akin.

The End

Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon