Chapter 3

120 5 0
                                    


May mga bagay sa mundo na hindi dapat pinagpipilitan dahil sa huli ikaw rin ang masasaktan. Tama?

"ANO KAYA PA?!"pasigaw na tanong ni Uno mula sa labas ng kwarto ko.

Last year ang kasya sa akin na blouse ay large. Ngayon halos mamutok na sa akin ang large, this just mean one thing, tumaba ako ng husto.

"Sigurado akong hirap ka ng suotin yung palda at blouse mo" tumawa ng nakakaloko si Uno habang ako, heto pigil hininga habang sinusuot ang uniform.

Teka? Bakit ko nga ba sinusuot pa itong uniform ng dati kong school?

Hinubad ko agad yung uniform ng dati kong school at inihagis sa kama. Pagbukas ng pinto bumungad ang isang Uno na nakangiti ng mapangasar. He gave me the look sabi-ko-sayo-hindi-na-kasya-eh. And I give him the look tanga-sinusukat-ko-yung-uniform-ng-dati-kong-school.

"Ano na?"

"Oo alam ko na ang tanga ako" tanging sagot ko sa kanya at umupo sa sala.

"Huh? Wala akong sinasabi" binigyan niya ako ng look ano-na-naman-ba-ginawa-ko.

Huminga ako ng malalim bago sabihin sa kaniya ang katangahan na ginawa ko. Ito ang mahirap kapag mataba ka. It is either na kapag nadagdagan ang timbang mo hindi na kasya sayo yung dati mong damit o hindi naman kaya hirap ka maghanap ng size ng damit para sayo.

I remember na mayroon akong gustong bilhin na tshirt na may nakalagay na picture ni Spongebob. Pero sabi ng tindera wala na daw na size na kasya para sa akin. Umuwi ako ng malungkot noon kahit na trineat ko ang sarili ko ng isang 250 ml ng ice cream.

Oh wait there's more! Kapag mataba ka kahit anong effort mo na bumili ng magara na dress para sa Prom, hindi ka pa rin mapapansin ng crush mo kasi mataba ka!

Wala ng magbabago sa pigura mong mataba kahit anong suotin mo o buhusan man ng foundation ang mukha mo.

Hindi ako pumunta ng Prom dahil tanggap ko na ang katotohanan na ganyan ang crush ko. At alam ko na walang sasayaw sa tulad ko. Dahil bago pa man ang araw ng prom nangyari ang lahat na pinakainiiwasan ko sa lahat.

Ang maloko. Niloko ako ng dati kong mga kaibigan na gusto ako makasayaw ni crush. Ngayon ako naman si uto-uto nilapitan siya at sinabi at nagtaka at umiyak.

Mababaw ba?

Siguro para sayo.

Hindi pa tapos ang kwento.

Babygollum notes:

1. Excited akong ipublish. Hindi ko na hinintay ang thursday

2. Balak ko kasi every thursday ang pag update.

3.Maganda ako! Vote. Comment. Share




Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Where stories live. Discover now