Chapter 7

83 8 0
                                    

Maureen's POV

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko niyakap si Uno. Basta naiinis ako sa kanya kasi wala siyang alam sa nangyari sa akin. Kung bakit ako nalate ng uwi at kung bakit ako nakasimangot. Mabuti na lang talaga pumayag siya na pauwiin ako mag-isa. Balak ko kasing dumeretso sa grocery store para bumili ng pangtsibog ko mamaya.


Madalas ito ang ginagawa ko kapag may nangyayari hindi maganda sa akin. More like stress eating. Tuwang-tuwa ako ng makarating ako sa isang stall ng puro sweets. I saw snickers, toblerone, twixx, nips and many more. Kumuha ako ng isa sa bawat klase ng chocolates.


Baka nagtataka kayo kung saan ko kukuhanin ang mga pambayad rito. Si papa 500 ang bigay na baon sa akin kanina and si mama naman 600. Takot sila na baka himatayin ako sa gutom.


Habang naghahanap pa ng pwedeng bilhin may kumalabit sa balikat ko. Napatingin ako sa taong iyon, laking gulat ko na isang mahabaging makisig na lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Nagtaka ako na nakasuot rin siya ng uniporme ng tulad sa school ko.


Ngumiti ito ng malapad sa akin. "Hi?" patanong niyang bati sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Baka mamaya rapist pa ito kahit mukhang anghel. Kita ko na kumunot ang noo niya.


"Maureen ang pangalan mo, diba?" tanong nito.


Nagulat ako ng sinabi niya ang pangalan ko. Hindi kaya stalker ko ito?


"Kung tatanungin mo ako kung bakit ko alam ang pangalan mo. Obviously na kaschoolmate kita. At pagkatapos kasi ng nangyari sayo kanina instant sikat ka" paliwanag niya.


Kaya naman pala. Ibinaba ko muna yung basket na bitbit ko. "So nakita mo ako kanina?" mataray kong tanong sa kaniya.


Napakamot siya ulo at batok niya. "Oo, sa katunayan ako yung nagsabi sayo kanina na may tinta ka sa mukha at papel sa likod" nahihiya niyang sagot sa mataray kong tanong. Medyo napahiya ako ng konti sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin, umurong bigla yung dila ko.


"Salamat. At sorry kung tinarayan kita" hingi ko ng despensa.


"No problem" grabe nakakasilaw yung ngiti niya, pwede siyang model ng colgate. "Papunta kana ba ng counter? Gusto mo sabay na tayo" yaya niya sa akin.


"Sige. Kuha lang ako nitong mga potato chips" sabay na kaming pumunta sa counter.


"Ang haba ng pila" bulong ko. Ramdam ko ang bigat ng mga hita ko sa tagal naming nakapila. Pilit kong itago sa ekspresyon ng mukha ko ang ngalay at inip. Nilingon ko si kuya sa likod ko, kita ko na tahimik lang siyang naghihintay.


Hindi ba siya naiinip o kaya naman nangangalay?


Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Where stories live. Discover now