Chapter 2

154 11 2
                                    


"FAT AMY HUWAG MONG GAWIN IYAN!"nagulat ako sa sigaw ni Uno. Ano bang mali sa ginagawa ko?

"Pag-isipan mo muna iyan. Nandito ako para damayan ka sa problema. Please, huwag mong ituloy kung anuman ang binabalak mo"mangiyak ngiyak si Uno habang ako heto walang alam sa nangyayari.

"Baka gusto mo akong tulungan Uno. Gugupitan ko lang yung buhok ko para new look ako sa pasukan."bigla naman niyang sinabi na akala niya magpapakamatay daw ako gamit yung gunting. Ang laki kasi ng gunting na hawak ko, ito kasi yung gunting pangtela, paliwanag ko sa kaniya.

"Ano ba naman 'yan. Akala ko talaga magpapakamatay ko" kinuha naman niya yung gunting." Alam mo kahit bawasan mo 'yang haba ng buhok mo. Sa paningin ko at ng iba mataba ka pa rin" dagdag pa niya.

"Kung iyan lang pala ang sasabihin mo sa akin, edi sana hindi ka na lang pumunta dito. Nakakasira ka ng mood"

"Huh? Ako panira ng mood? Hindi ah!" depensa ng kumag." Alam mo bes"

"Hindi ko alam! At wala akong balak alamin kasi naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo ngayon"iritado kong sambit.

"Gusto ko lang naman sabihin ay "Im just telling the truth nothing but the truth. So if you think Im not telling the truth then let's end this friendship""halos maluha ang kumag habang ipinapahayag ang gusto niyang sabihin.

"Ewan ko sayo" kinuha ko sa kaniya yung gunti at walang ano-ano na ginupit ng napakaikli ang buhok ko.

Narinig kong napatili ang kumag sa ginawa ko kahit ako nagulat. Sana hindi disaster ang nangyari sa buhok ko kung hindi juice ko paano na lang ang mahabang explanation kay Mama. Agad akong pumunta sa harap ng salamin upang malaman kung ano ang itsura ko.

"Woah"iyan lang ang tangi kong nasabi.

"Humanda ka sa nanay mo"pananakot sa akin ng kumag.

As expected.

"Anong ginawa ko?"pabulong kong tanong sa sarili. Ano na lang kaya ang sasabihin nila mama't papa? Naiinis ako sa sarili ko, gaya ng pagkamuhi ako sa nakadikit na mga taba sa katawan ko. If I have a power to rid them off all.

Gabi na ng nakauwi sina Mama't papa galing sa isang kainan. Nasa kwarto ako ng makarinig ng katok sa gate kaya wala akong choise kundi pagbuksa sina Mama. Bago lumabas ng kwarto nagsuot muna ako ng jacket na may hood.

Nung una nagtaka pa si Papa kung bakit ako nakasuot ng jacket eh napakainit ng panahon.

"Malamig po kasi sa kwarto nalakasan ko yung aircon"palusot ko.

"Huh? Wala ka namang aircon sa kwarto"pagtataka ni Mama. Naku po! Magpapalusot na lang ako palpak pa.

"Uuhh Wala ba?"maang-maangan pa ako kunwari. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanila tiyak ko na alam nila na hindi ako nagsasabi ng totoo.

Sinabi kong masama pakiramdam ko kaya pumasok na ako agad sa kwarto. Tinanggal ko agad yung jacket dahil sa totoo lang sa sobrang kaba pinagpawisan ako ng todo. Sa ikalawang pagkakataon tiningnan ko ulit ang itsura ng buhok sa salamin. Masasabi ko na gumaan ang pakiramdam ko. Sa kabilang banda isang disaster ang nangyari.

Hindi natigil kanina si Uno sa pagtawa hanggang sa umutot siya ng napakabaho. Sobrang baho na panigurado bulok na yung udo niya sa anus. Grabe nakakasuka talaga ang kababuyan ng lalaking ito.

Hinimas-himas ko ang dulo ng buhok ko, ang sarap sa pakiramdam. Kita ko mula sa salamin na hindi pantay ang buhok ko sa right side ang mahaba pagdating naman sa left side ang napakaikli. Napangiwi ako pero napangiti rin. Ewan ba parang kanina lang ayoko sa buhok ko, ngayon nagugustuhan ko na.

Hindi na natatakpan ng mahabang buhok ang matatambok kong pisngi. For the last time before I sleep, tiningnan ko ang reflection ko sa salamin. I can see a big fat ugly girl. I hate myself. I hate this fats. Bumalik na naman lahat ng mapapait na alaala.

"Ang taba-taba mo!"

"Ang taba na nga ang landi pa!"

"Hindi taba ang meron siya kundi kalandian"

"Bagay lang sayo iyan"

Sanay na ako noon na marinig iyan. Akala ko kahit araw-araw kong marinig iyang masasakit na salita sa school ay magiging okay pa rin ako. Akala ko kaya kong manipulahin ang emosyon ko at ang buhay ko. Hindi.

Isang araw, nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak dahil mahina ako. Never ako nagtry magsuicide. Pero yung  mga salitang iyon ang nagiwan ng malaking scar sa puso ko. Mula noon nanahimik na lang ako sa isang sulok gaya ng dati. Iniwan ko ang mga akala ko ay mga kaibigan ko.

"Hindi ako maghihiganti. Gusto ko maging matapang at malakas. Hindi na ako magpapaapi sa mga salita. Tatanggapin ko yun bilang complement at motivation. Ipapakita ko sa lahat ang bagong Maureen"sabi ko sa aking sarili.

Hindi ito tungkol sa paghihiganti ni Ms. Piggy kundi ang pagbangon niya mula sa hukay ng mapanghusga na mundo.

*****

Babygollum note:

First of all, salamat sa nagbabasa kung sino ka man sana magparamdam ka sa comment box.

Second, hindi ko inexpect na mahigit 20 reads na ang story na ito. Thank you sa iyo na nagbabasa.

Third, ang pagupdate ko ay depende sa takbo ng utak ko. Dahil naguumpisa pa lang ito maayos pa si brainy sa pagfunction.

Last, ang ganda ko! Pagbigyan niyo na! Vote. Comment. Share

Kapag Mataba Ka #WattyBestAward2017Where stories live. Discover now