Chapter 2

4.4K 73 3
                                    

Feel na feel ko ang pag-iinat sa kama ko habang nakangiti. Sabado sis, walang pasok haha.

Masigla akong bumaba at dumiretso sa kusina. Naabutan ko pang naghahain si Mommy kaya naman masigla ko itong binati.

Sumandok ako ng kanin at kumuha nang ulam. Magana akong kumakain nang bigalang tumabi sakin si Mommy

"Musta new school?" Tanong niya at automatic naman lumukot ang mukha ko sa tanong na iyon, buti nalang di nya napanain ang pagkasira ng mood ko

"Ok lang naman po" pero hindi talaga okay yung first week ko. Pano ba naman kase walang ginawa yung kutong lupa kundi sirain ang araw ko

"Mabuti naman" sabi sakin ni Mommy. Nginitian ko nalang sya dahil baka madulas pako at masabi kong kabaligtaran naman ang nangyari sakin

dingdong dingdong

Walanjong doorbell yan. Makaluma amp! Pwede naman yung medyo bago gaya ng kill this love ng blackpink diba? Para sasayaw muna ako bago buksan yung pinto. Char haha.

Natatawa kong binuksan ang pinto dahil sa kalokohang naisip pero nawala agad nang makita ko kung sino ang nasa labas.

"Lisa?"

"Vincent?"

Naks duet pa.

"Bakit ka nandito?" Wow! Ang tanga magtanong

"Malamang bahay ko to eh!" sagot ko sa kanya, halata namang nagulat sya base sa kanyang reaksyon.
.
"Oy Vincent nandyan kana pala" sabi ni kuya kay Vincent kaya napatingin ako sa kanya. Kaya pala.

Close sila?

"Anong gagawin nyo kuya?" Tanong ko kay kuya

"PS3 lang"tsk yun lang naman pala eh, pinapunta pa nya dito yung Vincent nayun

"Bakit ka interesado? Siguro miss moko no?" Err ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Mang- aasar nanaman sya.

"Miss your face" sabi ko sa kanya, napatingin naman ako kay kuya na parang nag tataka

"Anyare sayo kuya?"

"Magkakilala kayo?" Takang tanong niya

"Oo mag kaklase kami nyan ni Lisa" Yung kutong lupa ang sumagot kahit ako naman ang tinatanong ni kuya

"Mabuti naman kung ganon" sabi ni kuya na gusto kong kontrahin dahil anong mabuti don eh sya kaya ang simisira ng araw ko

"Tsk, kung alam mo lang kuya kung anong kabadtripan ang napala ko dyan sa Manong na yan" Pagkasabi ko nun tumakbo na agad ako papuntang kwarto ko baka kung ano pang magawa ko sa damuhong yun

Pag pasok ko sa kwarto naligo muna ako pagka tapos ay humiga muna ko sa kama ko at nakipag face to face sa kisame tapos bigla kong naalala yung mga ginawa nyang katangahan sakin

Nung Monday pinasamsam nya yung Phone ko

Nung Tuesday dinikitan nya ng bubble gum yung upuan ko

Nung Wednesday naman bigla nalang nawala yung bag ko, yun pala tinago nya

Nung Thursday naman kinuha nya yung mga notebook ko di tuloy ako nakapag lecture, napagalitan pako ng teacher namn. Bwisit!

Tapos kahapon. kahapon talaga yung pinaka kinainisan ko. Nasa corridor kase ako nun nag lalakad ako papuntang room tapos bigla syang sumigaw ng "Lisa may tagos ka" tapos pagkasabi nya noon ay pinagtinginan ako tapos pinagtawanan. Nilagyan nya pala ng pinturang red yung upuan ko.

Tapos wala naman akong nagawa kundi tumakbo ng CR, buti nalang talaga may jacket akong dala nun kaya yun nalang yung ginawa kong pangharang.

Oh diba ang ganda ng first week ko, palibahasa di ako makalaban sa kanya eh, baka di ako makauwi ng buhay kase pag nilabanan ko yun paniguradong bubugbugin ako ng mga babae sa school.

Tuwing naiisip ko yung mga ginawa nya nanginginit talaga ang dugo ko kung alam nya lang ilang beses kona syang sina salvage sa utak ko hays.

ANG SARAP NYANG BALATAN NG BUHAY TAPOS BUBUDBURAN NG ASIN--ayy sobra naman ata sorry po Lord hehe, bakit ko ba kase sya iniisip? Erase erase, bababa nalang ako nakakagutom eh.

Dahan dahan akong bumaba tinignan ko kung nandun pa yung damuhong Vincent nayun

Ayoko syang makita, nababadtrip ako.

Pagbaba ko ay wala akong naabutang tao kaya naman masaya akong dumiretso sa ref at kumuha ng leche flan.

"MANAAANG!"

"Ay leche flan" kaya pala walang tao kasi insekto ang nandito

"Ha? Hindi ako leche flan, ganun na ba ako kasarap?" Umikot ang mata ko dahil sa kayabangan nyang iyon

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo. Pervert!" Nakaka walang gana tong lalaking to, pasalamat sya at hindi ko naibuga sa kanya yung nasa bibig ko .

"Pervert ka jan, kinikilig ka nga e" pang-aasar nito na inirapan ko nalang. Nasan na ba kasi sina kuya?

"Umalis yung kuya mo may kikitain daw" napatingin ulit ako sa kanya nang sagutin nya ang tanong na nasa isip ko. Nakakabasa ba to ng isip?

"Eh bakit ayaw mo pa umuwi?" Takang tanong ko

"Pinababantayan ka sakin ng kuya mo, umalis din kase yung mama mo" Halos mapatampal ako sa noon dahil sa sagot niya. Anak nang kagang at sa kutong lupa pa talaga na to ako binilin ha?

"Okay" yun nalang yung sinagot ko sa kanya

Tataas na ulit sana ako ng kwarto kaso hinawakan nya yung kamay ko "Dito ka muna, wala akong kasama!"

Gulat akong napatingin sa kanya tapos ay lumipat ang tingin ko sa kamay ko na hawak nya. Mukhang napansin nya iyon kaya naman bumitaw sya kaagad.

"I mean Boring. Tama. Ang boring kaya" sabi nya at nag-iwas ng tingin

Hindi nalang ako sumagot at dumiretso nalang sa sala.

Kinuha ko ang earphone ko sa may study table tsaka ito ikinabit ang nag scroll ng kanta, nang makapili ay pumikit na lang ako sa sumandal sa sofa.

Naalimpungatan ako nang may gumalaw sa may bandang hita ko kaya naman kahit labag sa loob ay dumilat ako para lang makakitang ng kutong lupa na nakaunan sa hita ko.

Gigisingin ko na sana ito nang maagaw ng pilik mata nya ang atensyon ko

Ang daya naman. Bat ang habang nung kanya? Mas mahaba pa sa pilik mata ko.

"Baka matunaw ako" bigla itong nagsalita kaya naman naitulak ko ito bigla dahilan para mahulog sya sa sofa.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sya itsura nya. Nakangiwi ito habang hawak hawak ang pwetan nya.

"Bakit moko tinulak?" Inis na tanong nito

"E nanggugulat ka e" nakangusong sagot ko

"Hindi kita ginulat!" Sinhal nito.

"E bakit moko sinisigawan?" Naiinis na tanong ko na sinagot nya lang ng irap

"Makauwi na nga" ungot nito tsaka tumayo at dumiretso palabas ng bahay.

Kasalanan ko ba yon? E sya nga itong basta nalang nahiga sa hita ng may hita e. Tss

Accidentally meets a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon