(Christmas Ball Day)
Pupunta ba ako? Wag nalang kaya? Baka naman hindi sya pumunta eh, sayang lang effort ko
"Anak ito na yung gown mo" sabi sakin ni mama sabay pakita ng gown, sa totoo lang ay mas excited pa sya kesa sa akin "Ang ganda diba? Ako pumili nyan" dagdag pa nya
"Ang ganda ma" puri ko "Pero natatamad po akong pumunta"
"Ano natatamad? Hindi pwede sayang gown mo!" Singhal mya sa akin
"Pero---"
"Walang pero pero, pupunta ka don okay?" Napatango nalang ako
"Manang!" Napatingin ako kay kuya nang sumilip ito sa pinto ng kwarto ko
"Mauuna ako sayo mamaya ha, susunduin ko pa si Allia" paalam nya na tinanguan ko nalang
Kinuha ko na yung towel ko at naligo na, pagkatapos ko gawin ang dapat gawin bumaba na ako. Si mama ang mag-aayos sakin, wala kasi akong alam pag dating sa pagmemake-up
Habang inaayusan ako ay hindi mawala sa isip ko si Vince
Pupunta kaya sya? Pano kung hindi? Kailangan ko syang makausap
"Wag mo isipin yun, mahal ka nun!" Biglang sabi ni mama kaya napatingin ako sa kanya
"Mama talaga" Sabi ko..
"Masyado ka kasing seryoso jan. Oh ayan na tapos na, mag bihis ka na" Sabi nya sabay abot ng gown
"Enjoy!" Sabi ni Mama bago nya isinara ang pinto ng kotse
Sana lang talaga ay mag enjoy ako at sana ay pjmunta sya
Nang makarating ako ay nakita agad ako nina Pat
"Ang ganda mo Lisa!" Sabi ni Rica
"Oo nga" pagsang-ayon ni Allia. Tipid akong ngumiti
"Mas maganda kayo; Sabi ko tsaka umupo sa tabi ni Drew
"15 minutes before we start!" Sabi nung host
Tahimik lang ako habang naeenjoy silang lahat. Nililibot ko ang tingin ko pero maya't maya ay natingin ako sa entrance para tignan kung sino ang napasok.
Ilang beses kong tinignan ang relo ko. Isa't kalahating oras na ang lumipas pero kahit anino ni Vince ay hindi ko nakita
Unti unting binalot ng sakit ang sistema ko..
"Konting oras pa" bulong ko sa sarili.
Lumpas ulit ang trenta minuto pero hindi talaga sya dumating. Doon ako biglang tumayo
"Wag nyokong susundan, gusto kong mapag-isa" sabi ko sa kanila nang akma silang susunod sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako papunta hanggang sa huminto ako sa isang pamilyar na lugar
Sa lugar kung saan ako dinala noon ni Vince..
"Nasaan ka ngayon Vince? Hindi ba't sinabi mo na pag gusto kong pumunta dito ay sasamahan mo ako? Pero bakit wala ka dito?"
Tuluyan na akong napaupo sa damuhan.
Pagod na pagod na ako kaiiyak pero yung puso ko ay patuloy parin na naghihintay sa Vince
BINABASA MO ANG
Accidentally meets a Badboy
RomancePaano kung may makilala kang lalaki na masama ang ugali? Lalaking walang ibang gustong gawin maliban sa pagtripan ka. Kamumuhian mo ba siya kung alam mo naman ang dahilan kung bakit nagkaganoon siya? Kilalanin si Lisa DeVilla, isang NBSB na makikipa...