Chapter 36

1.6K 40 0
                                    

Natapos yung principal's cup namin ng panalo kaming lahat pwera lang kay Trixie na inaway lahat mg nakalaban kaya nadisqualified.

"Anong balak nyo pagkagraduate natin?" Tanong ni Rica.

"Wala pa, kayo ba?" si kuya

"Magbakasyon tayo sa isang resort!" Sabi naman ni Allia na sinang-ayunan ng lahat. Sigurado rin akong paoayagan ako dahil kasama naman si kuya

Habang nagkukwentohan kami ay naramdaman ko ang pagkalbit sakin ni Patrick kaya tinapunan ko sya ng tingin

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nya, nagtataka man ay tumango nalang ako

"Bibili lang kami" Pagpapaalam ni Pat tsaka ako hinila. Dinala nya ako sa parking lot

"Bakit dito pa? Ganon naba kahalaga ang sasabihin mo?" Takang tanong ko sa kanya

"Oo eh" Sabi nya sabay kamot sa batok at sakay sa kotse nya kaya sumakay narin

"Oh ano na?" Tanong ko sa kanya

"Gusto ko si Rica" Sagot nya agad na ikinalaki ng mata ko

"Sabi na nga ba!" Sabi ko habang nagpipigil ng tili "Kailan mo balak umamin?" Tanong ko sa kanya

"Sa graduation" Sagot nya

"Sige. Tutulungan kita" excited na sabi ko sa kanya

"Thank you!" Sabi nya na sinagot ko lang ng ngiti

"Kamusta kana?" Tanong nya

"What do you mean? Lagi tayong magkakasama diba" takang sagot ko

"Yung pag papanggap mo" Diretsong sagot nya. Natigilan ako sa tanong nyang iyon

"Hanggang kailan ka maagiging ganya ?" Tanong ulit nya

"Hindi ko alam" Sagot ko habang pinipigilang umiyak...

"Ako ang nahihirapan sa ginagawa mo, nagpapalamon ka sa galit para makalimutan mo sya" Sabi nya..

"Ewan ko ba" Sabi ko at napaiyak na "Kahit ako ay naguguluhan na rin" dagdag ko

"Hindi ka nagbago, nagpanggap ka lang. Kumbaga nagsuot ka lang ng maskara" Sabi nya sakin

"Bakit kaba nag bago?" Tanong nya

"Para makaganti" mabilis na sagot ko

"Tapos?" Tanong ulit nya kaya naguguluhan akong tumingin sa kanya

"Sabi mo ay nagbago ka para makaganti. Tapos ano nang mangyayari pag nakaganti kana? ano nang mangyayari pag nasaktan mo na rin sila? May magbabago ba?" Sabi na na nagpatahimik sa akin

Ano na nga bang mangyayari pag nakaganti na ako? Wala rin naman. Buti sana kung mamahalin ulit ako ni Vince pero malabo na iyon

Para akong tanga na kinakalaban ko ang sarili ko...

"Bumalik ka na sa dati" Sabi ni Pat

"Susubuka ko" mahinang sagot ko

"Wag mong subukan, gawin mo" saad nya

"Pero paano ako mag uumpisa?" Nalilitong tanong ko sa kanya

"Simulan mo sa pagpapatawad, matuto kang magpatawad. Dahil sa galit mo, nakalimutan mo ang salitang yon" natahimik ako sandali bago nagsalita

"Hindi naman yun ganon kadali" dahilan ko

"Hindi mo naman kailangang madaliin" mahinahkng sabi nito "Hindi mo kailangang magbago para ipaalam sa kanila na naka move on kana tsaka yang pag ganting yan? Walang magandang maidudulot yan, lalo kalang nyang dadalhin sa kapahamakan" paliwanag nya na

"Tama ka. Siguro nga ay nagpalamon lang ako sa galit" mahinang pagsang-ayon ko

"Papatawarin mo na sila?" Nakangiting tanong nya.

"Siguro oo, pero hindi pa sa ngayon. Maghahanda muna ako" sgot ko na ikinatango nya

"Tara na bili na tayo., baka hanapan tayo ng pagkain ng mga yun" Sagot tsaka bumaba, bumaba rin naman agad sya at pumunta na kaming canteen para bumili..

Accidentally meets a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon