Chapter 19

1.9K 39 1
                                    

*Patrick's POV*

"Parang tanga lang" Bulong ko sa sarili ko

"Sinong tanga?" Tanong ni Drew. Magkasama kami ngayon, hinayaan nalang muna namin si Lisa na mag-isa.

"Si Vincent tsaka si Lisa" bored kong sagot

"Isusumbong kita!" Sabi nya habang nagalaw ang hintuturo

"Totoo naman. Halata naman na gusto nila ang isa't isa pero ayaw nila umamin, nagmumuka silang tanga" Paliwanag ko..

"Bakit ayaw mo tulungan? Paaminin mo silang dalawa!" Suhestyon nya

"Hindi pwede, hindi dapat ako makealam" pagsalungat ko sa kanya

"Yun naman pala, edi hayaan mo sila. Bahala sila sa buhay nila, kailangan nila ng space" Paliwanag naman nya, sabagay tama sya. May sense rin pala to kausap, paminsan minsan nga lang pero ayos na rin

Sa totoo lang ay naaawa na ako kay Lisa, halos hindi na sya tumatahan, sabi pa ni Ci lagi daw yung tulala pag nagkaklase, wala na nga ata syang natutunan.

Nasisiraan na ata..

Pag-ibig nga naman..

Kung ako lang si Vince, umamin na ako. Naiinip ako para sa kanilang dalawa. Kaya sinadya kong pikunin sya nung nakaraan para malinawan na sya

Akala ko aamin na si Vince pero hindi parin pala. Sabi nya ay hindi nya gusto si Lisa pero kiala ko sya, hindi nya gusto si Lisa kase mahal na nya ito..

Siguro naghahanap lang yun ng tamang pagkakataon para umamin

Napansin kong nagbago si Vince simula nung nakilala nya si Lisa. Dati kasi ay lagi syang nag yoyosi, suki rin yan ng mga bar tapos lagi yang may pasa sa mukha kase laging kasama sa rambol..

Sa tingin ko dahil yun kay Lisa

Sana malampasan nila ang pagsubok na kinakaharap nila. Kaibigan ko sila parehas kaya ayoko rin na nahihirapan sila..

Buti pa ako may special someone na hehe. Akala nila sila lang ha

(Author's Note: Hulaan nyo guys kung sino yung special someone ni Patrick. Nabanggit na sya doon sa mga nakaraang chapter. Thank you for reading)

*******

*Drew's POV*

Kawawa naman si Lisa lagi nalang syang malungkot. Hindi ako sanay.

Wala na akong kakulitan, wala na akong kaasaran, wala na akong katawanan, at higit sa lahat, wala na akong mahingan ng Pagkain.

Kaya sa tingin ko, mas nakakaawa ako.

Mangangayayat ako nito tapos baka mabawasan ang ka gwapuhan ko.

Bakit kase napaka komplikado ng love na iyan. Hindi ba pwedeng pag mahal mo sya ay sya na agad?"

Hindi bagay sakin mag drama pero sana maayos na nila ang gulong nila. Nadadamay kaya ako. Haha.

Bakit kase napaka manhid nilang dalawa? Halata naman na mahal nila ang isa't isa, ayaw pa umamin. Pinapahirapan pa nila ang sarili nila

Tama nga si Patrick, nagmumuka na silang tanga.

Accidentally meets a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon