Chapter 21

1.8K 43 0
                                    

Wala pala kaming klase ngayong friday tapos hindi man lang sinabi, tunganga lang tuloy kame.

"May pagkain ka?" Takaw talaga netong si Drew

"Wala" Sagot ko sa kanya, ngumuso lang ito bago umalis.

Dahil wala naman akong kasama, naglibot nalang ako sa dito sa school, ngayon ko lang kasi to gagawin.

"Diba sya yun?"

"Sya nga yun!"

"Lisa ang pangalan!"

Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap at nakita kong sa akin sila nakatingin. Nilapitan ko ito bago mahinahong nagtanong

"Ako po ba ang pinag-uusapan nyo?" Tanong ko nang makalapit.

"Oo ikaw! Diba ikaw yung girl na assuming?" Napaarko ang kilay ko dahil sa isinagot ng isang babae

"At bakit naman ako naging assuming?" Mataray kong tanong sa kanya

"Assuming ka kase akala mo gusto ka talaga ni Vincent!" Sandali akong natigilan sa sinabi nito

"Hindi ko nga kayo kilala tapos ang lakas ng loob nyong sabihan ako ng assuming?" Singhal ko bago umalis

Inaamin ko, nasaktan ako sa sinabi nya, kase alam ko sa sarili ko na nag assume talaga ako, kaya nga ako nasaktan eh, kase masyado akong umasa.

"Dapat pinakinggan mo ang side nya. Masyado kang nagpadala sa damdamin mo. Feelings mo lang ang iniisip mo, hindi mo iniisip yung sa kanya"

Napatampal ako sa noo nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Drew. Kailangan kong makausap si Vince

Tinuloy ko ang paglalakad ko, nagbabakasali na makakasalubong ko sya. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko nang may marinig akong kumakanta sa may music room

Let me be the one to break it up

So you won't have to make excuses

We don't need to find a set up where

Someone wins and someone loses

Nakapikit ako habang pinapakinggan ang boses na nagmumula sa loob, malamig ngunit malungkot ang boses na iyon, masarap pakinggan ngunit masakit sa puso. Nang tumuloy ito sa pagkanta ay tsaka ko lang tuluyang nakilala ang may-ari ng boses. Kay Vince iyon, sigurado ako.

We just have to say our love was true

But has now become a lie

So I'm tellin' you I love you one last time

And goodbye

Automatic na nagbukas ang mata ko nang narinig ko yung salitang goodbye. Para bang may pinapahiwatig iyon kaya mabilis akong pumasok sa loob ng music room

Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko nang hindi ko sya naabutan. Alam kong kanta lang iyon pero pakiramdam ko ay iiwan na nya talaga ako.

"Lisa" gulat akong humarap sa tumawag sa akin. Nabuhayan ako ng loob

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nito pero wala akong maisagot

"Okay ka lang ba?" Tanong ulit nya sakin pero hindi ko parin kaya magsalita

"Ayaw mo ata akong kausap" malungkot na sabi nito bago nagsimulang maglakad palayo. Doon lamang ako nakapag salita.

"Akala ko iiwan mo na ako!" Mahinang sabi ko, pinipigil ang hikbi.

"Wag mo akong iwan please. Mahal kita Vince. Totoo ang nararamdaman ko para sayo. Ayos lang kahit hindi mo suklian, gusto ko lang talaga sabihin sayo ang nararamdaman--" nanlaki ang mata ko nang mabilis itong lumapit sa akin at sa isang iglap ay magkalapt na ang labi namin.

"Ang ingay mo" natatawang sabi nya nang maghiwalay kami

"Akala ko ba hindi mo ako gusto?" Ngumiti lang ito sa akin bago ulit pinatakan ng halik ang labi ko

"Hindi naman talaga kita gusto" Sabi nya na nagpahagulhol sakin

"Bakit mo ginawa yon? Napaka paasa mo talagang depungol ka" humihikbing sabi ko na tinawanan nya. Lalo akong nairita

"Kung hindi mo ako gusto, please lang wag ka gumawa ng bagay na magtutulak sakin para umasa ulit" pabulong kong sabi

"Tahan na" malambing nyang sabi na lalong nagpalambot sa puso ko "Nasasaktan din ako pag nakikita kong umiiyak ka" sabi nito tsaka ako niyakap

"Bakit mo 'to ginagawa?" Mahinang tanong ko

"Kase mahal kita" gulat akong humiwalay sa kanya

"Hindi sapat ang salitang gusto Lisa dahil yung nararamdaman ko sayo, sobrang lalim"

"Mahal kita Lisa, ayoko na nakikita kang nasasaktan dahil doble ang dating noon para sakin" malambing nitong sabi habang pinupunasan ang luha ko. Ang mga mata nya ay punong puno ng pag-iingat.

Sana pala ay hinayaan kitang magpaliwanag noon. Sana ay hindi na tayo nahirapan. Sana ay hindi na tayo nasaktan.

"Mahal din kita Vincent. Mahal na mahal" madiing sabi ko na ikinaliwanag ng mukha nya. Niyakap ako nito ng mahigpit

"Akin kana ngayon Lisa"

Accidentally meets a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon