Chapter 32

1.4K 36 0
                                    

Huminto kami ng mapansin ni Pat na malayo na kami. Inayos ko ang sarili nang magsalita si Pat

"I'm sorry" mahinang sabi niya, sapat na para marinig ko.

"Para san?" Nagtatakang tanong ko

"Alam kong nakauwi na sya, kahapon pa" paliwanag nya habang nakatungo

"Okay lang. Wala rin namang mababago kung alam kong umuwi na sya" mapaklang sagot ko. Nanginit ulit ang gilid ng mata ko

"Nandito lang kami" Sabi nya at isinandal ako sa balikat nya. Namayani ang katahimikan sa amin

"Dalhin mo ako sa lugar na pwede akong sumigaw" pagbasag ko sa katahimikan

Bumuntong hinga ito tsaka tumango, nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad hanggang sa makapara na sya ng taxi. Hindi ko alam kung gaajo katagala ng byahe namin dahil nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Nang makarating kami ay saglit kong inikot ang paningin ko, isang itong malawak na lumapit at sigurado ako na pag sumigaw ako ay mage-eco ito.

Doon ko inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng galit at tampo ko..

Pumulot ako ng bato at bumato lang ako ng bumato habang naiyak. Nakakapagod yung lagi ka nalang nag iisip. Yung lagi ka nalang nagtatanong sa sarili mo pero hindi mo masagot hanggang sa pag-iyak nalang ang magagawa mo..

Halo halo ang nararamdaman ko pero nangingibabaw parin ang pag-asa ko na sana ay maayos pa, pero kung hindi na talaga ay tatanggapin ko.

Nakasubsob ako sa tuhod nang biglang magring ang phone ko. Binalewala ko ito nang magsalita si Pat

"Tumatawag sayo si Vincent" sabi nya dahilan para mapatitig ako sa phone ko

"Sagutin mo na, alam kong gusto mo nang malinawan" mahinahong sabi nya at nginitian ako

"Magkita tayo ngayon sa paradiso" napapikit ako ng mariin ng hindi nya ako bigyan ng pagkakataon para makapagsalita man lang. Bumunting hininga ako tsaka hinarap si Patrick

"Saan ang paradiso?" Maikling tanong ko sa kanya

"Dun sa lugar kung saan ka nakatulog" sandali akong natigilan. Bagay na bagay ang pangalan ng lugar.

"Kailangan ko pumunta doon, magkikita kami ni Vince" maikling sabi ko bago nagsimulang maglakad

"Pwede kitang samahan" suhestiyon nya

"Kaya ko na 'to Pat. Salamat" nakangiting sabi ko sa kanya.

"You're welcome" nakangiting sabi nito tsaka ako tinanguan

Sumakay na ako ng taxi at sinabi kung saan ako pupunta. Mukhang malas ako pagdting sa pag-ibig pero sa kaibihan ay masasabi kong maswerte ako.

Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng puso ko. Palakas ng palakas habang palapit kami ng palapit.
Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari..

Kung ano man yon, sana ay makayanan ko

-------

Pagkababa ko palang ay nakita ko na syang nakasandal sa labas ng kotse nya. Likod palang niya ang ang lakas na ng epekto sa akin.

Gusto oong tumakbo palapit sa kanya. Gusto ko sya yakapin ng mahigpot ngunit lahat ng iyon ay hindi ko nagawa nang tumingin ito sa akin gamit ang malalamig nyang titig. Lumapit ako sa kanya bago nagsalita

"Nakabalik kana" mahinang sabi ko, pinipigil ang paghikbi

"Namiss kita" bulong ko bago umiwas ng tingin, natatakot ako na makita nya ang pangungulila sa mata ko.

"Ayoko na" malamig na sabi nya na nagpakalat mg pait sa sistema ko.

Kahit hindi mo sabihin ay alam ko na dahil iyon ang ipinakita mo sa akin.

Unti-unting umalpas ang hikbi ko. Lahat ng maaasayang ala-ala ko sa lugar na 'to ay napaltang ng lungkot.

"Alam ko. Pinaramdam mo na nga eh" sabi ko at mapaklamg natawa.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" napatingin ako sa nagsalita. Si Trixie ito na kabababa lang ng sasakyan, lumapit ito kay Vince at agad na hinawakan ito sa kamay. Tumitig ako sa kamay nilang magkahawak.

Kahit pigilan ko ay unti-unting nilamon ng galit ang isip ko.

"Sa kanya ka rin naman pala babagsak, dinamay mo pa ako sa kagaguhan mo" madiin kong sabi sa kanya

"Natural na sakin sya mapupunta dahil simula palang naman ay akin na talaga sya" maarteng sabi ni Trixie

"Sayo na! Bagay naman kayo. Isang malandi ang isang gago" walang emosyong sabi ko sa kanila

"How dare you!" Sigaw nito at akma akong sasampalin nang maunahan ko sya

"Stop it!" Parehas kaming napatingin kay Vince nang sumigaw ito. Hinila nya si Trixie at itinago sa likod nya.

"Umalis kana" malamig na sabi nito habang deretsong nakatingin sa maya ko

"Umalis kana!" Sigaw nito nang hindi ako gumalaw. Kumuyom ang mga daliri ko

"Aalis talaga ako! Aalisin narin kita sa buhay kong gago ka" sigaw ko at lumapat ang palad ko s apisngi nya.

"Wag kana babalik sa buhay ko" madiing sabi ko tsaka naglakad palayo

Accidentally meets a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon