Chapter 34

1.5K 35 3
                                    

Naglalakad ako ngayon papasok sa klase ko, maaga pa naman kaya mabagal lang ang paglalakad ko. Hindi mawawala ang bulungan sa paligid pero hindi ko nalang yon pinansin

"How dare you!" Biglang sigaw sakin ni Trixie nang makasalubong ko ito

"Problema mo?" Bored kong tanong sa kanya

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!' Sigaw nya ulit. Nalaman nya siguro na nag usap kami ni Vince

"Nakakarindi ang panget mong boses" sita ko dito na lalo nyang ikinagalit

"Layuan mo Vince!" Gigil na gigil na utos nito sa akin na ikinatawa ko

"Sa kanya mo sabihin iyan dahil ako ang lumalapit sa kanya. Sya ang lumalapit sa akin" natatawang sabi ko sa kanya

"Malandi ka" sigaw nito at sasampalin sana ako ng tampalin ko palayo ang kamay nya.

"Tigilan mo ang pagsasabi sa akin ng malandi dahil alam naman nating dalawa na ikaw ang malandi. Tantanan mo ako Trixie dahil konting pasensya nalang ang meron ako, baka hindi na kita matantya" seryosong sabi ko sa kanya tsaka sya nilampasan.

Kung ayaw nyang malayo sa kanya si Vince ay bumili sya ng dali at itali nya sa bewan nyang walang kurba!

"San ka ba nagpunta?" Tanong sakin ni Allia nang makarating ako sa room

"Jan lang" sagot ko

"Anong na namang ginawa mo?" Taas kilay na tanong nya

"Nakipag-away" nakangiting sagot ko dito

"Kaya pala ngiting tagumpay ka.m" Sagot naman nya at umangkla sa braso ko "By the way, pinapatawag lahat ng mga students sa court, may announcement daw" dugtong nya

"So walang klase?" Paninigurado ko

"Ganon na nga" Sagot naman nya at dumeretso na kami sa court. Pagdating namin doon ay marami nang estudyante, buti nalang nakahanap pa kami ng mauupuan.

"Students!" Tawag pansin ng supervisor kaya tumahimik ang lahat

"Bago magbakasyon ay naisipan ng principal natin na magkaroon ng principal's cup. Maraming sports ang nakalaan para sa inyo, kayo nalang ang mamili. Pwede na kayong magtry out ngayong araw. Hoping for your consideration" sabi nito at umalis na. Lumapit sa amin si Patrick Rica at Drew.

"Anong sports ang kukunin nyo?" Tanong ni Drew sa amin.

"Table tennis!" Excited kong sagot. Naging player ako noon nong elementary at natigil lang ng mag highschool na ako

"Yun nalang ang kunin nating lahat!" Excited na sigaw ni Rica

"Makasigaw naman. Pwede namang hinaan ang boses" sita ni Patrick. Inirapan lang sya ni Rica. Lalakad na sana kami ng makita namin si kuya

"Anong kukunin mo kuya?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay katabi na ni Allia

"Diko pa nga alam, nakakasawa na kasi ang basketball" sagot nya

"Mag tabletennis ka nalang rin, yun ang kukunin naming lahat" sabi ko na sinag-ayunan naman niya

------

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil kung sino pa ang taong ayoko makita ay sila pa ang lagi kong nakakasama. Hindi ko alam kung ano amg nagyari at naging kateam ko sina Trixie at Vincent

"Placing na tayo, sa boys muna" Panimula ng coach namin

"Doubles si Drew at Dave, single B si Patrick at single A si Vincent" sabi ng coach namin

Marunong pala ng ganito si Vince. Marami pala talaga akong hindi lm about sa kanya

"Sa girls naman tayo!" Pagpapatuloy nito

"Syempre ako ang single A jan!" Bulong ni Trixie sa tabi ko. Sutil talaga ang babaeng 'to at tinabihan pa ako, kapag oinatulan naman ay napakabilis mapikon

"Ang doubles natin ay si Rica at Allia, single B si Trixie and A si Lisa---" hindi na natapos si sir ang sasabihin dahil nagreklamo na agad si Trixie.

"Mas magaling ako sa kanya" reklamo nito at itinuro pa ako

"Magbotohan nalang tayo" suhestiyon ng coach pero nagreklamo na agad si Trixie

"Syempre iboboto nila si Lisa kasi kaibigan nila yan" iritang sambit niya

"Paglabanin nyo nalang sila coach" suhestyon ni kuya na sinang-ayunan ng lahat..

"Then let's start. Best of three" sabi ni coach kaya pumwesto na kami sa lamesa

Accidentally meets a BadboyWhere stories live. Discover now