Chapter 7

2.4K 39 0
                                    

Tumigil ang kotse ni Ate Ven sa tapat ng isang malaking gate. Ang ganda pala ng bahay nila, para ngang hindi na ito bahay sa sobrang laki kase parang mansyon na sya tapos ang dami pa nilang kotse mga 7 siguro. Ang yaman pala ng Vincent na yun.

"Here we are" buti pa sya excited ako kase hindi eh, hindi ko din alam kung bakit.

"Ang laki pala ng bahay nio Ate Ven" puri ko

"Hindi naman, tara pasok na tayo papakilala din kita kina Mama at Papa!" Natigilan ako aaglit dahil sa sinabi nya

"Wag na ate Ven, nakakahiya" nakangiwing sabi ko dapat kase di nalang ako sumama

"Hindi yan, mabait naman sila. Tara na sa loob" hindi na ako naka-angal dahil hinila na nya ako papasok.

Napanganga ako nang makapasok kami sa loob. Maganda na sa labas kanina pero mas maganda parin sa loob.

"Manang nasan po sina Mama?" Tanong ni ate Ven sa isa sa mga katulong nila

"Nandun po sila sa Garden, Miss Venice" sagot nito na tinanguan nalang ni ate Ven

"Ate Ven wag nalang kaya, nahihiya ako" bulong ko habang hinihila nya ako

"Ano ka ba? Wag ka mahiya tsaka sure ako magugustuhan ka nila, mabait ka naman eh"sana nga ganun yung mangyari.

Binati niya ito nang makarating kami sa garden nila.

"Oh nandya ka na pala" masiglang sabi ng papa nya bago sila nagbeso at ganon din ang ginawa nya sa mama nya

"Oh, may bisita ka pala anak" sabi ng papa ni ate Ven bago ako nginitian.

"Hello po. Ako po si Lisa DeVilla" inextend ko ang kamay ko sa kanila para makipag shakehands pero nagulat ako nang hinila iyon ng mama nya para makipag beso sa akin.

"Nice to meet you Lisa. Im Veronica" nakangiting sabi nya nang makipag beso sya sa akin.

"Hello Lisa. Im Venrick, ako yung handsome Father nila" sabi ng papa nya na ikinatawa namin. Totoo naman na gwapo ang papa nya, siguro sa kanila nag mana sina Ate Ven at Vincent.

"Si Papa talaga puro kalokohan"kakatuwa naman sila tignan, sobrang close nila sa isat isa.

"Nice to meet you po Sir Venrick"

"Tito Venrick nalang Iha, masyadong nakakatanda yung Sir" biro ulita sa akin.

"Oo nga naman iha, Tita nalang din ang itawag mo sa akin" nakangiting sabi ng mama nya

"By the way, we have to go na. May imi-meet nga pala kami ng Papa mo para sa business" paalam ng mama nya bago tumayo.

"Sige po, Ingat po kayo" sabi ni Ate Ven sa kanila

"Ikaw na bahala kay Lisa, pag miryendahin mo sya okay?" Bilin ni tito Venrick

"Okay po Papa" sagot ni ate Ven

"Nice to meet you again Lisa" sabi ni Tita

"Nice to meet you too din po, Tito and Tita" nakangiting sagot ko.

Nang makaalis sila ay hinila ako sa ate Ven sa may pool nila. Napanganga ako nang makarating kami doon. Ang lawak ng pool nila!

"Dito ka muna Lisa ah. Kukuha lang ako ng miryenda natin tapos papupuntahin ko narin dito si Vincent para masabi mo na iyong project nyo"sabi sakin ni Ate Ven

"Sige po, intayin ko kayo dito" nakangiting sagot ko

Umupo ako sa may pool at inilublob ko yung paa ko, syempre inalis ko muna yung sapatos ko nakapalda pa naman ako na pampasok kaya maikli sya.

Accidentally meets a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon