*Trixie's POV*
Nandito ako ngayon sa mall at nagliliwaliw nang may makabanggaan akong lalaki, sisigawan ko na ito nang makita ko ang mukha nito. Isa ito sa tropa ni Vince pero hindi ko maalala kung sino
"Magdahan dahan ka nga" sikmat ko sa kanya
"Ikaw ang nakabangga sa akin" sabi nya na ikinairita ko, nang tumingin ito sa akin ay naliwanagan bigla ang mukha nito.
"Ang sungut mo Trixie" bahagya akong nagulat dahil nakilala nya ako "Ako 'to, si Julius. Tara libre nalang kita, gutom lang yan" sabi nya at hinila na ako. Pilit ko namang binagawi ang kamay ko sa kanya
"Bakit kaba nanghihila? Close ba kita ha?" Sigaw ko sa kanya at nagulat ako nang biglang may humila sa buhok ko
"Malandi ka" sigaw ng babae sa akin at agad naman itong inawat ni Julius at itinago ako sa harap nya
"Sya ba ang ipinalit mo sa akin ha?" Gigil na sigaw ng babae na ikinataka ko
"Ano naman sayo? Hiniwalayan na kita diba?" Nakangising sambit ni Julius sa babae dahilan para maluha luha itong padabog na umalis sa harap namin. Humarap sa akin si Julius habang nakangisi parin.
"What the hell was that?" Naguguluhang tanong ko pero tanging kindat lang ang isinagot nito sa akin at hinila na ulit ako.
Did he just used me?
Author's Note: Ano sa tingin nyo? Gawan ko kaya ng sariling story ni Trixie? Hmm?
BINABASA MO ANG
Accidentally meets a Badboy
RomancePaano kung may makilala kang lalaki na masama ang ugali? Lalaking walang ibang gustong gawin maliban sa pagtripan ka. Kamumuhian mo ba siya kung alam mo naman ang dahilan kung bakit nagkaganoon siya? Kilalanin si Lisa DeVilla, isang NBSB na makikipa...