10

1K 37 4
                                    

"Ah, ang sarap talaga ng pringles!"
sabi ko habang nakaupo kami sa couch. Magkatabi kami ni Irene habang nanonood ng kung ano ano sa TV.

Tinignan naman nya ako, "mukhang hindi naman. Masama sa katawan ang masyadong junkfoods, baby. Maaari kang magkasakit sa bato, uti---"

"Baby, minsan lang naman." nakangiting sabi ko, "at promise, masarap to. Mukha ba akong sinungaling?"

"Oo." sabi nya kaya naman sinimangutan ko sya.

Napatawa naman sya at pinisil ang pisngi ko, "joke lang. Oo naman. Masarap naman talaga yan, kasi hindi ka maaadik kung hindi masarap."

"Kaya nga ako naadik sayo. Kasi masarap ka." biro ko naman kaya pinaghahampas nya ako.

"Yikes! Bastos ka!"

"Huh? Ang ibig kong sabihin dun, masarap magmahal." natatawang sabi ko, "kung ano ano na ang iniisip mo. Nako nako." asar ko sa kanya.

Inirapan naman nya ako, "ewan ko sa iyo, ang bastos mo lang kasi!"

"Wala akong ginagawa."

"Basta. Mukha kang bastos!"

"Maiinsulto na ba ako?"

"Pwede na." natatawang sabi ko.

Napafacepalm nalang ako.

"Ano ba yang pinapanood mo?" tanong ko nalang. Wala na kasing kwenta ang pinaguusapan namin kanina.

"Mga artista."

"Malamang. Alangan namang janitor ang umaarte?"

"Hahahahaha."

Tignan mo to, pinagtawanan pa ako. Minsan talaga, wala ding sense kausap to.

"Ang panget mo, baby." nafacepalm ako sa sinabi nya. Nangasar pa talaga sya ha.

"Edi ikaw na maganda."

"Alam ko." natatawang sabi nya.

"Tse."

Nagulat ako ng halikan nya ako sabay takbo sa kwarto.

"Magnanakaw!"

Nangingiting sabi ko at sinundan sya sa kwarto.

**

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now