20

983 38 8
                                    

after 1 year...

"Yay!!" masayang sabi ni Joy at kinuha pa ang chicken na hawak hawak ko. "Thank you sa manok!"

Sinamaan ko sya ng tingin, "hindi lang sayo yan, tanga."

Napapout naman sya. "Akala ko pa naman solo ko to lahat."

Binatukan ko naman sya, "ang takaw mo. Ang dami dami nyan. Bigyan mo nga si Yerim at Wendy."

Kumuha sya ng chicken leg at binigay na kela Wendy yung ibang manok. Nandito kami sa bahay nila Wendy. May dala dala akong mga pagkain kaya tuwang tuwa si Yeri at Joy.

"Seul," napatingin ako kay Wendy ng tawagin nya ako.

"Yes?"

"Kamusta ang puso mo?"

"Eto, tumitibok pa din." natatawang sabi ko sa kanya.

She chuckled. "Isang taon na din pala."

Malungkot na napangiti ako, "atleast, masaya na sya."

"Mas lalo syang sumisikat. Sikat na din sya sa ibang bansa." sabi pa nya. Napangiti ako ng kaunti. Proud ako dahil ang layo na ng narating nya simula ng pinakawalan ko sya.

"Yeah. Sobrang proud ako sa kanya. Atleast napatunayan nyang tama ang ginawa kong pakawalan sya."

Tinapik nya ang balikat ko, "pero hindi ka masaya."

"Sakripisyo lang naman ang kailangan." sabi ko at bumuntong hininga. Nandoon pa din ang sakit sa puso ko. Hindi na nga ata talaga mawawala yun kahit isang taon na ang nakakalipas.

Napatingin ako kela Yeri at Joy na kumakain ng manok. Napangiti ako ng kaunti, "nandito naman kayo, e."

She smiled at me. "Mahal mo pa, diba?"

Yumuko ako ng kaunti. Muli, pumatak na naman ang mga luha ko. Kailan ba ako makakamove on sayo?

"Sobra."

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now