26

1K 32 2
                                    

"Seulgi, 1 year na, hindi ka pa din nakakamove on. Tangina mo."
yan ang sinabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Nandito ako sa CR ngayon. Dito ako nagpapakalma. Nagwala kasi ang sistema ko sa sinabi ni Irene. Dalawang words lang pero ang lakas ng epekto sa akin. Tangina lang.

Hinugasan ko ang kamay ko at binasa ang mukha ko. Naghilamos ako at bumuntong hininga. Namumula pa din ang buong mukha ko.

Atsaka isa pa, gago talaga si Wendy. Ang paalam nya kanina, pupunta sya sa CR. Pero nung pumunta ako dito kanina, wala naman sya. Kaya naman pala ang tagal bumalik ng bruha.

"Magmove on ka na. Hindi ka na nga mahal nung tao, umaasa ka pa din."

Bumuntong hininga ako. Grabe, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ewan ko kung bakit.

"Seulgi—"

"Bakit mo kinakausap ang sarili mo?"

Nagulat ako ng biglang may magsalita at nakita kong si Irene pala yun. Eto na naman ang abnormal kong puso, nagwawala na naman.

"W-wala."

Bigla akong nahiya dahil naabutan nya ako na kinakausap ang sarili ko. Parang sira lang.

Mas lalo akong namula at nahiya nung tumawa sya. "Ang cute mo. Kinakausap mo pa ang sarili mo sa salamin."

Napaiwas ako ng tingin, "s-sila Wendy?"

"Nandoon na. Hinahanap ka." ngumiti sya sa akin, "tara na. Bumalik na tayo doon."

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko. Namula ang mukha ko—tangina Irene, ang lakas ng epekto mo.

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now