23

970 34 1
                                    

"I-irene."
mahinang sabi ko ng makita ko sya sa di kalayuan.

"Seulgi unnie!" sabi naman ni Yerim sa akin, kita kong hawak hawak na nya si Irene sa braso. Kita ko na medyo naiilang din si Irene. Napaiwas nalang ako ng tingin. Oo, miss na miss ko na sya pero ano bang magagawa ko?

Alangan namang lapitan ko sya at yakapin. Nakakahiya naman yun noh.

"Yerim! Tara nga dito!" sabi naman ni Joy at hinatak papalayo si Yerim. Baka nahalata na nyang naiilang kami. Ilapit ba naman kasi sa akin si Irene. Ang awkward.

"H-hi, Seul."
mahinang sabi nya sa akin.

Ngumiti ako ng kaunti. Ang laki na ng pinagbago nya. Mas lalo syang gumanda.

Para bang ang taas taas na ng tingin ko sa kanya dahil sikat na sikat na sya.

nagiba na sya.

"Hello."
nakangiting sabi ko sa kanya. Natatakot ako na hawakan sya. Hindi ko alam kung bakit.

ang swerte siguro ng boyfriend nya ngayon.

Ang sweet kasi na girlfriend ni Irene. Maalaga at mapagpasensya.

kaya lang pinakawalan ko sya.

Para sa kanya din naman yun, e. Mas pinili nya ang pagaartista nya kaya naman pinakawalan ko na sya. Atleast ngayon sikat na sikat na sya. Natupad na nya ang pangarap nya. At kahit naman wala na kami—ako pa din ang number one fangirl nya.

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now