13

959 38 1
                                    

Nanonood ako ng TV magisa dito sa bahay namin ni Irene dahil wala sya at kasalukuyan ko syang pinapanood sa TV ngayon. May guesting sya sa isang talk show kaya naman ito ako, nagpapakafangirl at pinapanood sya.

"So, Irene. Sa ganda mong yan, Imposible wala ka pang boyfriend." sabi nung lalaking host. Nakakainis naman to, gusto pang itopic ang lovelife ni Irene.

"Ah, wala po." nakangiting sabi ni Irene.

"Wala? Sure ka ba? Eh tyak ako na maraming nanliligaw sayo."
sabi naman nung babaeng host. Naiinis na ako ng mga to ah. Kung pwede lang pumasok sa TV, ginawa ko na.

"Meron pong nanliligaw. But Im not interested."
sabi naman ni Irene.

"Pero may nagugustuhan ka ngayon?"

"W-wala po."
sagot naman ni Irene na ikinagulat ko.

Bakit pati ang pagmamahal nya para sa akin, kailangan nyang ideny?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Sanay na naman akong madeny eh. Bakit nasasaktan pa din ako?

"Ah.. ito nalang. Ikaw ba Irene, may girlfriend?" magpalarong tanong nung babaeng host.

Napatingin ako sa TV at nakita kong nagdadalawang isip si Irene kung sasabihin nya o hindi.

"W-wala po. Wala sa isip ko na magkagirlfriend." sabi ni Irene kaya naman nadouble kill ang puso ko.

"Oh yan ha, girls, back off na. Irene is not into girls." natatawang sabi nung lalaking host.

Pinatay ko na ang Tv at pumuntang kwarto ko. Shit lang. Sanay na naman ako sa ganito pero sobrang sakit pa din talaga. Kailan kaya sya magkakaroon ng lakas ng loob para ipagsigawan ako sa mga tao?

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now