21

981 36 8
                                    

"May concert sya."
sabi ni Wendy sa akin. "Pupunta ka?"

Bumuntong hininga ako, at napayuko.
"Hindi ko alam kung kaya ko na."

"Maayos naman ang paghihiwalay nyo, a?" she said. "Umalis sya. Pinakawalan mo. Hindi na kayo nagusap. Ang ayos, diba?" sarcastic na sabi nya sa akin.

"Psh." sabi ko naman at napakamot sa ulo ko. "Alam ko naman na hindi maayos ang paghihiwalay namin. Pero atleast mas naging maayos ang career nya." yumuko ako ng kaunti. "Isa pa, tumagal ng 10 months ang pananatili nya sa pilipinas. Kaya naman sure ako na madami na syang nakilalang mas better sa isang katulad ko. Baka may boyfriend na sya." sabi ko naman sa kanya at bumuntong hininga.

"But what if wala?"

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti pa ako ng malungkot. "Imposible ng magkabalikan kami."

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now