6

1K 38 5
                                    

Habang nasa kotse ako, napakunot ang noo ko dahil nakita ko si Bogum na kasama si Irene na nagiintay sa labas. Halatang kinukulit nya si Irene habang hindi naman interesado si Irene sa kanya.

Agad akong bumaba ng kotse at nilapitan sila, nakita naman ako agad ni Irene kaya naman lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hi, baby. I miss you." she sweetly said then smiled.

Ngumiti naman ako at hinawi ang iilang hibla ng buhok na humahawi sa mukha nya, "mas namiss naman kita."

Nagkatitigan lang kami at hindi pa sana mapuputol iyon kung wala lang umubo. Napatingin kami kay Bogum at nakita kong nakatingin sya sa amin.

"Uhm, Irene. As what I said earlier, pwede ba kitang maimbita this night? Dinner lang. My treat." Bogum said then smiled at Irene. Eh kung inuupakan ko kaya ito?

Bwisit lang.

"Ilang beses ko bang sinabi na ayoko?" matabang na sabi ni Irene sa kanya, "besides, may date kami ng girlfriend ko." sabi ni Irene at kumapit sa braso ko.

Napatingin sa akin si Bogum at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagsama ng tingin nya sa akin. Psh, bwisit na to. Halatang halata na patay na patay pa din sa girlfriend ko.

"Tara na, baby." sabi ni Irene at hinatak na ako papuntang kotse. Sinulyapan ko muna si Bogum na masama ang tingin sa akin kaya nginisian ko lang sya.

Im sorry boy, pero mahal nya ako.

***

fangirl // seulreneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin