31

1.9K 50 35
                                    

"Seulgi,"

nagangat ako ng tingin at nakita ko si Irene. Nandito kasi ako sa may park, nangdodrawing ako ng kung ano ano.

pati ba naman dito, magkikita kami? hindi na talaga ako natutuwa sayo, tadhana.

"What are you doing here?"

Nakacap na naman sya pero hindi na nakamask. Lagi na syang nakaganyan dahil nga kung dati nung performer pa lang sya ay dinudumog na sya, lalo na ngayon na artista na sya. Nakakaawa sya dahil hindi sya makapamasyal ng hindi nagtatago.

"Nagdodrawing."
simpleng sabi ko sa kanya at ngumiti. Kalong kalong ko ang sketchpad ko.

"Oh." ngumiti sya ng kaunti, nagulat ako ng tumabi sya sa akin. Ang bango bango nya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
tanong ko naman para hindi maging awkward.

"Hmm." she hummed,
"Namamasyal. Nakakalungkot lang dahil wala akong kasama." bumuntong hininga pa sya.

"S-samahan kita."
nagulat ako ng kusa kong sabihin yan.

ano ka ba naman, Seulgi? magmove-on ka na! sa ginagawa mo, lalo mong nilulubog ang sarili mo sa pagmamahal mo sa kanya.

"Talaga?" kita ko na naging masaya sya ng sabihin ko yun kaya naman napalunok nalang ako.

wala ng bawian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

fangirl // seulreneWhere stories live. Discover now