Chapter 21

1.1K 33 4
                                    

Lea's POV

I'm in my office right now and I've been staring at the screen of my personal computer for an hour now. I exhaled and scrolled it down again while trying to look for something suspicious in Sophia's personal data. I don't know, I have this feeling in me, perhaps hope, that she's my daughter. Ayaw kong umasa, but she has the same birthday with my daughter. It's not the only proof that I have but also the feeling I have towards her, itong magaang pakiramdam ko sa kanya, it's there from the very first start.

"Ma'am?"Ellaine

I blinked and looked at the door.

"Come in, Ellaine!"ako

She smiled at me as she entered my office.

"Meeting with Mister Tristan, Ma'am."Ellaine

I just stared at her thinking if I should work today or do other things, and I chose the latter.

"Ellaine, cancel everything in my schedule for today."ako

She immediately creased her forehead.

"Why po?"Ellaine

I exhaled.

"I have something more important to do."ako

Sophia's POV

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Sobrang lungkot ko, ngayon na kasi kami aalis. Ewan ko, masaya naman ako na kasama ko si mommy, pero nakakalungkot pa rin na aalis kami rito. Sobrang bilis pa ng mga pangyayari, hindi ko rin maintindihan.

Flashback

"Pack your things dahil aalis na tayo bukas ng umaga."Ivy

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya na nag-aayos ng mga gamit niya sa maleta.

"Po? Bakit po? Saan po tayo pupunta?"ako

Tumingin siya sa akin at itinaas ang kilay, maya-maya ay ngumiti.

"Sa... America!"Ivy

Sa sobrang gulat ko ay hindi kaagad ako nakapag-react, nakakunot lamang ang noo ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya, nakanganga ba.

"America po?"ako

Tumango naman siya.

"We'll start our lives there, baby."Ivy

Tapos ngumiti ulit siya sa akin pero umiling ako.

"Pero nandito po sila mama at mga kaibigan ko."ako

"Ano ka ba, ako na ang mommy mo. Also, pwede ka rin namang magkaroon ng mga kaibigan 'dun! Don't worry, you'll be fine."Ivy

Ngumiti siya sa akin na para bang kinukumbinsi ako, pero wala akong nagawa kundi bumuntong hininga.

"Pero may mga gamit pa po ako sa bahay."ako

"Don't worry, we'll buy your new clothes and necessities in the US."Ivy

"Pero mahahalaga po 'yun."ako

Bumuntong hininga siya.

"Gaano ba 'yan kahalaga, ha?"Ivy

"Nandoon po 'yung damit ko nung baby pa ako. Naalala niyo po? 'Yung kulay pink na damit na may pangalan ko?"ako

Nakangiti kong tanong, baka sakaling makumbinsi ko siya.

"Ahm-oo naman! Don't worry, isusunod na lang natin 'yun. But for now, we have to go."Ivy

Na-disappoint at nasaktan naman ako sa sagot niya. Bakit parang wala lang sa kanya 'yun? Hindi niya man lang ba naalala noong ginawa niya 'yung damit na 'yun para sa akin? Ayun lang ang nag-iisang mayroon ako na nag-uugnay sa aming dalawa.

Please, Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon