Jongdae 2

2.2K 85 5
                                    

"Nakita kasi kita kaninang nakatitig kay Jong-in eh..."

DUB DUB DUB DUB.

"Na-disappoint ako kasi ang pangit mo pala?! HAHAHAHA!" 

Hutamnida! Pigilan nyo ko, pigilan nyo ko! Sasapakin ko 'to!

"Bwiset ka, bahala ka na dyan. -________- Tandaan mo tong araw na 'to Jongdae." sabay walk out pa ko. Shet, ang ganda ko talaga. Pwahaha. Bahala sya dun. Magliliwaliw muna ako dito tutal wala naman si sir. Badtrip na Jongdae yan.

"Nikki, pikon! Joke lang eh. Huy!" Narinig kong nangungulit sya at nakasunod na sya sa likod ko habang papalabas ako ng classroom. "Nikki!"

"What?" 

"Wat-wat ka dyan. Sorry na. Hihihi." damuhong 'to So-sorry nalang may halong kaanuhan pa. Leche 'to.

"Oo na, choopi!" tapos umalis na sya agad. Di man lang ako hinabol. Tss. Pero okay lang, at least I'm now all alooooone~ Magkakamit na ko ng katahimikan kahit papano sa buhay ko. Omo.

Naghanap ako ng matatambayan kasama ang pinakamamahal kong libro. Pero excuse me lang ah. Hindi po ako nh3rdhy b4b3s! I mean, hindi ako nerd sa storyang 'to. Actually nga wala man lang akong lugar sa dean dahil mukhang may galit ata si ginoong dean sa'kin. Pero medyo may ibubuga naman ako kahit papano lalo na kapag nakikita ko si Kai my loves~ <3 Hihihi. Mahilig lang talaga ako sa books.

"Nag-iisa ka dyan?"

"Ay dwende!" 

"Ouch, grabe ka naman Nikki." Umakto pa syang nasasaktan. Hahaha. Ang cute talaga nitong si Suho. ^o^ Pero bwisit sya ah. Papatayin ata ako nito sa heart attack eh. Bigla na lang nasulpot sa kung saan saan. -_____-

"Ay sorry! Ikaw naman kasi nanggugulat ka eh. Saan ka galing?"

"Eh, vacant eh, natambay lang dito sa canteen. Ikaw, ba't ka nandito? Diba may klase ka?" Nga pala, sa canteen ako natambay. 

"Wala kaming teacher eh." sorry sya, maganda ako kaya matipid akong sumagot. WAHAHA.

"Nga pala Nikki. Sasama ka ba sa isang araw? Birthday ni Kai, napag-utusan lang kaming mag-invite tapos bukas, bibili kami ng regalo sa kanya after class. Sama ka please?" Suho sabay puppy eyes pa. Halujusko. Sino ba namang makakatanggi sa gwapong 'to? T_T

"Eh, Suho. Depende kasi kay Jongdae. Gagawa kami ng thesis eh. Hindi ko alam kung kelan nya balak magsimula. Pero uhm... promise, try ko talaga!" 

"WHAHAHA. Nagkakamabutihan na kayo ni Jongdae ugok ah! Bakit kayo ang magkapartner sa thesis?! Ha?" Aba, hutang 'to. Intrigero ka Suho ah.

Inirapan ko na lang sya. Hindi nagtagal, nagpaalam na rin syang pumunta sa next class nya. Huuuu. Problema nga itu. Anong ireregalo ko kay fafa Jongin?!

--

"Jongdae, puhleeeeease na!" Heto ako ngayon, nag-iisa~ Naglalakbay sa gitna ng dilim! Hindi, joke lang. Nakikipagpilitan ako kay Jongdae na sa isang araw na kami gumawa ng thesis tutal di rin naman sya makiki-cooperate at tutal dahil next month pa naman ang deadline nito.

"Please ka pa dyan eh papayag naman ako agad. Ikaw pa, eh malakas ka sa'kin!" Omo. Ang sweet, Jongdae, enebe (pero yuck lang)! Natuwa naman ako kaya ngiting tagumpaaaay~

"Pero, kasama ako. Hihihihi." Ay shemay, panira eh.

"Yea, fine. Whatever." Okay na yun, basta mabati o madalaw ko si fafa Jongin sa birthday nya kahit kasama si Jongdae. 'Di ko naman sya papansinin kapag andun na kami kasi dun sya makikipag-harutan sa barkada nya.

--

Kasama ko ngayon sina Suho, Kris, Tao, Lay at ang HunHan sa mall habang namimili ng gift kay Kai. Sina Kyungsoo, ang BaekYeol, Xiumin at si Jongdae naman, nandun kila Kai. Nauna na sila mamili ng gifts, ang awkward nga, wala si Baekla kaya ako lang at si Lulu ang gurlaloo dito. Joke. HAHA.

"Hyung, daan muna tayo sa Bubble Town." aya ni Sehun kay Luhan kaya naman nahiwalay silang dalawa sa'min. Minsan talaga pinagdududahan ko 'tong dalawang 'to eh. Hahahaha!

"Guys, we'll enter Artwork. Shirt nalang ibibili namin kay Jong-in." paalam ni Kris. Well I guess, kasama nya si Tao. 

"Oo nga, alam nyo naman.. Ang dalas nyang punitin ang shirt nya dahil sa sobrang 'hawtness' daw nya. Hahaha. Joke lang, una na kami guys. Text text nalang. See you around. Tara na hyung!" tapos umalis na din sila kaya kami nalang nila Lay at Suho ang natira. Kalewka rin 'tong dalawang 'to. Masyado na kong naiintrigues sa barkadang 'to eh. Kung maglakad magka-cling pa yung mga biceps. Ohhlala~

"Saan tayo guyth?" tanong ko sa dalawang gwapitong kasama kong gumalore ngayon dahil nga naiwan kami ng mga kopels. 

"Ano ba sa tingin n'yo magugustuhan ni Jongin?" si Suho.

"Idunno pre." Okay Lay. Kelan ka ba nagkamuwang sa earth? Para kasi silang nagkapalit ng kaluluwa ni Kyungsoo. Nasa kanya yung utak ng kawalan ng malay sa mundo at na kay Kyungsoo naman yung mukha ng kawalan ng malay sa mundo.

"Hm... mahilig yun sa chicken at chocolates. Wag nyo na regaluhan ng mga bagay bagay yun. Ikakalat lang nya yun sa dormitoryo natin. Hehehe." singit ng epal na si Jongdae--- wait. What? SHETENG BAKLA (DOSE TALAGA) NAMAN OH! Anong ginagawa nito dito? Huhuhuh. Bye bye Jongdae-less hours. Sana pala sinulit ko na yung mga oras na di ako kinukulit ng dinosaur na 'to.  "-_____-

"Uy hyung. Bakit ka andito? Kala ko na kila Jongin ka?" Lay.

"Kaya ako andito... kasi wala na ko dun. Hihihih." Jongdae sabay pamulsa sa red nyang hoodie.

"Kainis talaga 'tong si Jongin, ang hirap hanapan ng regalo. Tara, pagkain na nga lang. Apir tayo Jongdae." Suho. Hehe. Ayos kayo ah. Gatong pa men!

Nakakainis na eh. Akala ko talaga maligalig ako ngayon dahil sila Suho lang kasama ko eh. Kung sila lang pwede na eh. Kaso dumagdag pa 'tong @z@r na Jongdae na 'to. Tsk lang ah. Hello fortune! When will you visit me ba? T____T

--

"Oh hello guys, pasok kayo." bati ni Luhan pagkapasok na pagkapasok namin ng gate nila crush Kai. Ehehe. Lande~ Eto namang si Luhan. Mukhang naka-feel at home na ata kung maka-welcome at kung makapagpapasok sa'min. Eh kung estranghero kaya kami? Iwewelcome nya pa rin kami from the heart? Hahaha. Joke lang.

Kasama ko ngayon pagpunta sina Suho at Jongdae. As expected at sabi nga netong mga guyth, madaming chics ditey. Well, si Kai pa ba? Mag-isa lang akong gurlaloo sa'min ng mga kasama ko pero san ka? Bawing bawi pagpasok ko ng bahay nina Kai!

Kumain muna kami. You know? Food first. Eat and run nga lang sana ko dito pero naisip ko ding pumarteh parteh na rin muna tutal ang saya saya ng atmosphere. Yung iba, nag-iinuman, yung iba, lumalamon lang, yung iba naman nasa may videoke, nagsasayaw ng growl, joke, syempre nagkakantahan!

"Niks! Kanta ka na!" sigaw ni Baekhyun na nandun sa may videoke at hawak hawak yung microphone. 

"Lul, talent ko ba 'yun Baek? Kaw talaga oh."

"Wag mo kong nilu-lul dyan, kung ayaw mong ibunyag ko ang sikreto mo." Nga pala, si Baekla eh medyo close friend ko dahil dati ko syang seatmate sa dalawang subject at kaklase ko na sya nung high school kaya alam nyang may crush ako kay Jongin. Takte lang! Try nya lang i-broadcast 'yun! Babaliin ko lahat ng eyeliner n'ya!

"Dali na, kanta ka na." pang-e-encourage pa n'ya kaya dahil maganda ko ay lumapit na ko at iniabot ang mic. Nagpipipindot naman s'ya dun sa videoke tapos ang nilagay n'yang kanta eh yung "Breath" nina Taeyon at Jonghyun. Bopols din ni Baekhyun eh. Isa lang po ako, hello! Pang-duet kaya yun. Pwede namang ibang kanta nalang. -___-

Nagstart na yung kanta. Hindi naman ako nabigla na may ganung kanta sa isang videoke. Hello, modern world! Ang ikinagulat ko... hindi lang pala ako ang bida dito dahil pang-duet yung kanta kaya may epal na biglang kumanta nung part ni Jonghyun. Dalawa kasi yung mic eh. So unfair. :3

--

Trolled Heart (Chen FF)Where stories live. Discover now