Jongdae 7

1.7K 84 18
                                    

"OMG, NIKKI!

BOYFRIEND MO?" Pta! Mukha ba talaga kaming magjuwa?!

Lumapit si Jongdae sa mama ko at nagmano. Pinangunahan na nya ako at sinabi sa mama ko na thesis partners lang kami. Wow lang, in fairness kasi kahit anong harot at kulit nya, may side din s'yang matino. 

"Hon, nandito na si Nikki. Babae na sya, omo!" excite na excite na sabi ng mama ko nung pagpasok namin at yan ang sinalubong nya kay papa.

"Uy 'nak! Boyfriend mo?" tanong ni papa. Whut thuuuu? Sige, isa pang tanong nyo nyan, bigti-na-friendzoned na ko. 

"Magandang hapon ma'am! Boyfriend mo po?" sabat ni ate Neo na may dalang apat orange juice na I guess para sa'min nina umma, appa at Jongdae. Alangan namang para sa kanya diba? Pero hindi kasi yun ang nakaka-bitch kundi ang tanong nya. I'm sure na nagagago na rin si Jongdae sa isip nya pero nakangisi pa rin sya. Budoy kasi 'to eh. Siguro natutuwa kasi naiinis ako. >//< 

"Hindi ko po girlfriend si Nikki. Hahaha. Thesis partners lang po kami." sabi ni Jongdae ng tumatawa pero cool. Omo. He's a cutie. ^o^

"Ay, sayang naman, bagay pa naman kayo." sabi pa ni Papa.

"Ahihih. Oo nga eh, tadhana na ang bahala." kamag-anak ba ng mga magulang ko si Jongdae? Ang kukulit eh. -_- May tadha-tadhana pang nalalaman 'tong si mama. 

Nagsnack na lang kami at nagkwentuhan muna bago kami nag-umpisang gumawa. Nakakainis lang to the highest level kasi kinuwento nitong walang hiyang si Jongdae yung nangyari kaninang pa-echos ni Kai at naghysterical na naman syempre ang parents ko. Kesyo daw nakakakilig pero boto daw sila kay Jongdae dahil Jongdae daw is so funny funneh like them. Buti nga hindi na kinuwento yung kasalanan ni Kai kundi, hindi ko lang babatukan ko talaga 'tong lalaking 'to. Baka sa sobrang OA ng mama at papa ko eh, ipapatay nila si Jongin. Joke!

Nandito kami ngayon sa kwarto ko para gumawa. I already assured my parents na purong thesis lang ang gagawin namin at wala ng iba. Alam nyo naman! Baka kung anong isipin ng mga yun.

Eto namang si Jongdae, ibinigay lang sa'kin yung draft nya para daw i-analyze ko sa sarili ko lang yung mga gagawin namin to make this kalokohan successful. Sya tuloy ngayon ang walang ginagawa. 

Kung nakikita n'yo lang talaga s'ya, para s'yang naka-drogang ewan. Ikot sya ng ikot sa kwarto ko, lahat ng makikita nya kakalikutin nya pati yung closet ko. Yung itsura nya parang naiinggit o nandidiri sa lingeries ko. -__- Tapos para syang tanga. Kasi hihiga bigla sa kama ko tapos tatayo tapos lakad lakad ulit tas hihiga ulit. Manung samahan ako dito sa study table at umpisahan na yung dapat nyang gawin?!

"Hoy Jongdae. Manung maupo ka kaya dito? Itong survey papers oh, i-check mo yung ga ginawa ko tapos i-type mo na. Likot ah. Babasagan kita ng bungo eh." sabi ko sa kanya. Sabi naman nya nagpa-practice daw sya sa role play kaya sya ganun. Baliw talaga. If I know, naghahanap lang sya ng mapangti-trip sa'kin.

Trolled Heart (Chen FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon