Jongdae 9

1.7K 78 10
                                    

Hinaras nya yung braso kong hila hila nya at isinama ako sa kung saan. Isinakay nya ako sa kotse nya. Halaaaa~ Kidnap! Bata pa po ako. Huhuhu. T^T

"Hoy, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kasi naman wala man lang syang sinasabing kahit ano. Aba! May klase pa kami noh!

"Basta, wag kang maingay dyan." hindi sya sa passenger seat umupo kundi sa back seat kaya naman magkatabi kami dito. Medyo inaantok nga lang ako kasi hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya naisip ko sanang matulog muna dahil sabi nya, medyo malayo-layo rin kami sa pupuntahan namin.

--

"WAAAAH. SUNOG!" narinig ko yan mula sa tabi ko kaya naman napabangon ako mula sa pagkakasandal sa... balikat... ni Jongdae? sabay lingon lingon sa paligid tapos naghanap kung nasan yung sunog pero na-realize kong wala naman pala kaya naman binatukan ko ng bongga si Jongdae.

"Aray naman! What is that for?!" iritadong sabi nya. Aba, sya pa may ganang magsungit eh ginising nga nya ako. At hindi lang yun, hindi na kami naka-attend ng dalawang klase. Jongina nya. Pag ako bumagsak sa subjects ko, ipagugulpi ko 'yung pagmumukha nya sa frat, leche sya.

"Eh nasigaw ka bigla eh, kitang natutulog yung tao!"

"Wow, tao ka? Saka nakakahiya naman kasi sa pagkakasandal mo sa balikat ko noh!" Bakit ganun? Feeling ko namumula yung pisngi ko? Eh?

"Gusto mo naman!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Bakit ko gugustuhin?"

"Bakit di mo inalis?" inirapan lang ako ng baklitang 'to tapos hinatak na nya ako palabas ng kotse. Nandito na pala kami. At may pairap-irap na syang nalalaman ah. Dapat dito, hindi sumasama kay Sehun eh. -_- Sinabi nang ang irap, para lang sa mahirap! 

Pagkakita ko dun sa pinuntahan namin, whoa~ lang. Ano namang naisip n'ya't dito n'ya ako dinala sa playground? Pero ang astig din. Kasi ito na ata ang pinaka-cool na plaza na napuntahan ko.

May mga batang naglalaro (playground nga kasi diba? alangan namang mga matandang may baston na ang naglalaro dito?), may mga carts ng iba't ibang pagkain sa paligid, tapos parang may bazaar pa kasi maraming mga tinda tinda. Basta, mukhang exciting dito. Lively, enjoying ang atmosphere. Tingin mo palang, mukhang gan'tong luga na ang hilig puntahan ng isang Kim Jong Dae.

"Dito ko nagpupunta lagi nung bata pa ako. Masaya dito eh. May mga bata akong nakakalaro dito na kadalasan puro ka-edad ko lang." salaysay nya. (Woo, balong malalim) "Tapos may isa akong kalarao, chen chen yung tawag nya sa'kin kasi bagay daw yung Chen sa'kin para mas madaling bigkasin saka pangit daw yung Jongdae eh, parang monday, tuesday, wednesday, thursday, friday, saturday, sunday, jongdae daw. Hahaha! Kaya tuloy lahat ng bata dito nun, chenchen na yung tinawag sa'kin." Kwento nya. Natutuwa ako na nagkukwento sya at nagiging ganyan ka-open. Parang tuwang tuwa sya habang inaalala yung nakaraan. Pero hindi pa rin kami bati dahil sa ginawa nya kagabi.

Pero hindi kasi yun ang ikina-aarte ko ngayon eh.

"A-aray!" napahawak ako sa ulo kong sobrang sakit at hilong hilo ako dahil para bang gusto kong pumikit. Umiiikot yung mundo. Parang... ugh!

"Uy, okay ka lang?" sabi nya tapos inalalayan nya ako nung kamuntik na akong matumba. Pero tinulungan ko ang sarili ko. Medyo bumalik na rin sa dati pero nahihilo pa ako ng konti.

"Hm, oo. Medyo. So, anong gusto mong gawin natin dito at talagang nag-cutting tayo?" sabi ko para ibalik yung mood.

"Diba sabi ko sa'yo, babawi ako?" sabi nya tapos numiti na naman ulit s'ya. Jusko Lord, bakit po ba ang yaman sa ngiti nitong taong 'to?! 

Trolled Heart (Chen FF)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin