Jongdae 10

1.7K 78 22
                                    

Gagong feeling lang oh! Bakit ganun? Auto-lakad palayo at auto-tusok puso mode na lang ako. Putahamnida. Ang bobo mo kasi Jongdae eh! Ang dami-daming babae d'yan, bakit kay Nikki ka pa nahulog?

Aanhin ko pa ang mga chix na naghahabol sa'kin kung si Nikki, sa iba mapupunta? Aanhin ko pa? Tch. Naging matalino pa ako sa acaemics kung sa pag-ibig naman, tatanga tanga ako?! Tangna. Matatag kasi akong tao pero bakit ganito?!

At shet bakit may pumatak na luha sa mga mata ko? 

Gusto kong lumayo sa sakit na nararamdaman ko ngayon kaya naman pumunta ako ng canteen. Nagugutom ako eh. Saka nyo na itanong kung anong konek, kitang brokenhearted ako eh.

Pinunasan ko ang luha ko kasi nakakahiya sa mga chix na nadadaanan ko at dahil narinig ko ang pagtawag ni Lolo Suho sa'kin na nasa isang table sa canteen kasama si Kris.

"Hoy, anong problema?" salubong agad ni Suho nung paglapit ko sa table nila.

"Wala."

"Sa kanya mo pa talaga nakuhang magtago? 'Wag mo kaming inu-ulol Jongdae. Chika na teh." Fvck. Hindi talaga bagay kay Kris maging Kristina. Sarap isuka sa brakada!

Tss. Pero wala naman akong magawa nung tinignan na kami ng masama ni Suho. Siya ang pinaka-mature sa tropa. Walang lihiman dito. Kapit bisig kami. Joke, arte lang. Ayun na nga, sinabi ko na lahat kay Nikki. Nagmamahal ako sa taong alam kong hindi na pwede. Eh tangna. Ayun na nga at umamin na s'ya kay Jongin diba?! May pa-"Gusto kong malaman mo at gusto ko na rin mag-confess sa'yo. Na matagal na kitang gusto at nagiging espesyal ka na rin naman sa'kin." pang nalalaman. 

"Ang bobo mo naman 'teh? Jondi mo ba nano-notice? We can feel her stares at you." sabi pa ng maarteng si Kristina pagkatapos kong ikwento yung mga nararamdaman ko kaya naman binatukan s'ya ni Suho at sumeryoso na din.

"Jongdae, bro. Alam naming seryoso si Jongin kay Nikki. Pero hindi ka namin pwedeng pabayaan." hyung na hyung talaga ang dating ni Suho sa'mi kahit mas matanda ang ugok na si Kris. 

"Saka, tama rin naman si Kris. Napapansin namin kung pa'no ka tignan ni Nikki. Imposibleng wala s'yang nararamdaman sa'yo kahit papano." medyo nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Suho pero ang hirap naman kasing umasa diba?

"Oy Suho, may klase na tayo." sabat ng epal na si Kris sa emote naming dalawa ni Suho kaya naman tumayo na sila mula dun sa kinauupuan nila at nagpaalam.

"Oy, pakatatag ka. Ikaw na bahala ah. 'Wag kang susuko hangga't di mo nalilinaw ang lahat." sabi ni Suho tapos hinatak na s'ya ni Kris. Hay ewan. Ang hirap talaga magka-lovelife.

Naiwan na lang ako mag-isa dito. Tch. Pero maya-maya narinig ko ang pinakamasayahing babae sa mundo bukod sa nanay ko. 

"Jongdae!~" sabi nya. Tss. Mukhang masayang masaya 'to ah. Bipolar yata 'to eh. Minsan maganda, minsan masungit, minsan pangit, minsan masaya. 

"Oh?" 

"Wala, ang tahimik mo dyan?" pero hindi ko s'ya inimik. Lalo kong naalala at nasaktan kasi naalala ko yung nakita at narinig ko kanina. Selos cells, please, get away!

"Kala ko ba Jongdae, pupuntahan mo ako dun sa gym? Ang tagal tagal kaya kitang hinihintay. Grabe ka, tapos nakapagpasa ka na pala. Kinalimutan mo na ba ako? Wala tuloy akong kasama. Buti na lang dumating si Jongin. Sinabayan n'ya ako maglunch pati sa buong vaca---" Ano bang paki ko kung magkasama kayo ni Kai? Leche lang.

"Are you insensitive?!" halos masigawan ko s'ya dahil sa pagputol sa pagsasalita ng madaldal nyang bibig. Bwisit lang kasi eh. Sa ganito talagang bagay, nawawalan ako ng temper. Shet.

Trolled Heart (Chen FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon