Jongdae 6

1.8K 81 6
                                    

"Mamaya na Niks, nagre-review ako." Seryosong sabi nya. Tsk. Bakit ang cold nito bigla?

Wala naman akong nagawa. Baka mapagtripan ako nito kapag ginulo ko kaya naman nilabas ko na rin yung libro ko at nagreview na lang sa tabi nya. Minsan ewan ko rin sa taong 'to kung anong nakakain eh. Gaya ngayon, ang tahi-tahimik. Mamaya nyan, magulo. Dahil tuloy sa katahimikan nya, napaisip ako. 

Si Jongin.

Naisip ko yung Kkamjong na 'yun. Kung sasagutin ko na ba agad dahil crush ko naman, paghihintayin ko muna o babastedin ko. Kung sasagutin ko kasi, pano ko malalaman kung seryoso nga sya? Kung paghihintayin ko naman, baka mainip. Pero sa ganun ko nga mapapatunayan diba? Kung paghihintayin ko sya.  Kung babastedin ko naman kasi sayang, why not naman kasi eh crush ko nga diba? Ultimate crush! Pero iba kasi ang crush sa love kaya nahihirapan ako.

"Jongdae, kaya mo ba tinanong kung paano kapag niligawan ako ng taong kinaiinisan ko kasi nagpatulong sa'yo si Jongin?" tanong ko out of nowhere. Curious lang naman. >:) 

"Pwedeng oo, pwede ring hindi." Eh? Ano naman daw yun? -___- 

"Nako, 'wag mo na isipin 'yun. Para kang baliw. Tara samahan mo ako." Omaygath, help me. T____T Hinila ba naman kasi yung braso ko bigla bigla. Balak ba nya kong tanggalan ng arms?! Ang brutal brutal ng Jongdae na 'to.

"H-h-hoy, ano ba! Grabe ka naman makahatak. H-hoy! Aray naman. H-huy bitawan mo nga ako." reklamo ko kaya naman binitawan n'ya rin naman ako agad. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay, gagawa ng thesis."

"Kala ko ba sa bahay namin tayo gagawa?"

"Ehh, kukuhanin ko yung summarization at materials. Tapos didiretso na tayo sa inyo. Magpapaalam na rin ako kay mama kung sakaling gabihin ako ng uwi." Woah, gravi talaga 'to. Makakalimutin s'ya minsan kaya nili-list down nya yung mga gagawin nya pero ang sipag nya talaga. Wala nga sa itsura n'ya na dean's lister s'ya dahil sa kaharutan n'ya. TSK. Kala ko nga dati walang nagkaka-crush dito nung una kong kita ko sa kanya dahil sa sobrang rude nya magjoke sa mga babae pero kala ko lang yun! Yung iba nga kahit nilalait nya, crush pa rin sya eh. Psh.

Pero hindi ako isa sa mga babaeng yun no! Like duh, not me! Minsan naiisip ko sya dahil sikat sya, yun lang yun. More than that? So not me talaga! Jongin is my only style.

Moving on, ayun na nga at sumama na ko kay Jongdae tutal wala naman kaming klase pagkatapos nung klaseng hindi na inattendan nung jonginang prof. Feeling ko nga nakahithit ako ng energy drink ngayon dahil sa nangyari kanina pero mukhang etong kasama ko ang wala sa mood.

Kaya naman naisip ko na magkwento na lang sa kanya habang nasa kotse nya papunta sa bahay nila. Baka sakaling magkulit din sya.

"Uy, sayang ka Jongdae! Wala ka dun sa room kanina. Grabe kasi! Nag-sorry si Kai. Wala naman kasi talaga akong balak na patawarin s'ya agad. Pero... alam mo yun? Grabe kasi. Talagang nagpatulong s'ya sa buong tropa!" sabi ko tapos nagpause ako kasi napaisip ako. "Ay, syempre nga naman tropa yun kaya nagtulungan. Naisip ko tuloy kung bakit wala ka. Siguro pinaalis ka nila noh? Kasi hindi mabubuo yung 'Sorry na niks' na statement kapag kasama ka! HAHAHA." Siguro iniisip nito, napakadaldal ko. Eh ang tahimik naman kasi n'ya. Hindi pa naman s'ya tulog. Nagfa-flappy bird lang ata. "Hay nako, Jongdae, grabe talaga, kung nakita mo yun! Naggitara pa si Chanyeol, tapos inabutan nila ko ng white rose isa isa."

"So uunlad ba ang bansa kung papakiligin ka ni Kai? Hindi naman diba? Ingay mo rin pala noh? Nagkapalit ata tayo ng kaluluwa ngayong araw eh." sabi nya sabay hatak sa'kin palabas ng kotse. Sa dami ng chicka ko, di ko namalayang nandito na pala kami. At teka lang ah? Nakakailang hatak na ba sa'kin 'to? Batukan ko 'to eh.

Trolled Heart (Chen FF)Where stories live. Discover now