Jongdae 4

1.7K 71 11
                                    

"She's Nikki. My classmate. Nikki, she's Megan. My..." sabi netong Jongdae tapos tumingin dun sa gull. "Girlfriend..." OH MY SUPER GOSH. GIRLFRIEND?! NI JONGDAE?!

Prenteng prente syang nakaupo sa sofa pero tumayo s'ya at nakipagtitigan muna kay Jongdae (ng masama) bago nakipagbeso-beso sa'kin. Grabe lang ah. -_- So ganun sila ka-sweet? Okay, bye~

"Hi Nikki. You're so pretty." I know, I know!

"Thanks." 

"Let's go. Kain na tayo. Una ka na dun Niks. Tawag ka na ni mom." Jongdae tapos sumunod naman ako dahil nagugutom na ulit ako. Naiwan sila ni Megan dun sa sala, nag-uusap ata. Sinesermunan siguro ni Megan.

"Hello po Jongdae's mom."

"Ay nakalimutan ko pa lang mag-introduce noh? I am Margarette Kim. Pero call me tita Magui nalang." she said. She look so charming talaga. At ang cute ng pangalan n'ya ah, pambagets. Parang magic sarap lang.

"Sure, tita Magui." 

"So you've met Megan? She's..." natigil s'ya sa pagsasalita nung lumingon s'ya sa living room at tinignan ata sina Jongdae at Megan. Nakatalikod kasi ako sa kanila, kaharap ko si tita Magui. "J-jongdae's girlfriend." pagpapatuloy n'ya pa.

"She studies fashion designing and cosmetology sa Spain and just came here to spend her vacation with us." paliwanag pa n'ya. Okay fine, mukha nga namang porenjer si Megan. Di kataka-taka. 

After ilang minuto, pumasok na rin sila Jongdae sa living room at sabay-sabay na kaming nagdinner. Ang sabi ni Jongdae kay Tita Magui, nandito ako umiibig sa'yo kahit na nagdurugo ang puso. Joke. Nandito ako kasi uumpisahan na namin 'yung thesis pero joke lang talaga 'yun.

Nagtext na rin ako kay mama at yun din ang sabi ko. Buti na lang at pumayag.

"Uy, saan ako mags-sleep?" I asked him.

"Living room, sofa." sabi n'ya while giggling. ABA. Nagpresenta s'yang dito na muna ako matulog tapos sa sofa n'ya ako patutulugin?!

"Ayaw mo? 'De dun ka sa kwarto ko..." linapit n'ya yung mukha nya sa tenga ko. "tabi tayo..." he whispered.

"Gago ka rin noh? Ayoko ngang tumabi sa'yo. Baka mamaya ikaw naman mangmanyak sa'kin." sabi ko sabay batok sa kanya kaya naman napalayo na yung pagmumukha nya sa'kin. "Saka... nandito girlfriend mo noh."

"'De kung wala, tatabi ka nga sa'kin?" He said as he smirked.

"Axiumin ka ah!" hinampas ko nga sa braso. Harot eh. Tignan n'yo nga, may gullfriend pala, nanglalandi pa rin--- I mean, nangto-troll lang pala.

"Uy, pano ako? Wala akong pamalit." reklamo ko ulit. Sorry s'ya, bisita ako, asikasuhin n'ya ako. HAHAHA. Ang bad ko. 

"Then sleep naked."

"JONGDAE!" ABA, bwiset 'to. Nababaliw na ata. Tskk.

"Joke lang naman. Kukuha kita. d'yan ka lang." tapos pumanik na s'ya at ikinuha ako ng damit na ewan ko ba kung kanino. Ba't may ganitong damit si Jongdae? O_O Ay oo nga pala, sabi n'ya, hihiram na lang ako sa pinsan n'ya. Teka, sino bang pinsan 'yun? Asan? I want to meet her. ^O^ Baka sakaling magka-age lang kami tapos maka-close ko. :)

--

Seryoso. T_T Dito nga ako sa sofa pinatulog ni Jongdae. Kasi naman kay Megan na 'yung guest room, nakakahiya naman kung makiki-share ako tapos si Jongdade dun sa kwarto nya. Ayoko ngang katabi 'yun. Si tita naman, pagkakain, nagsleep na. Ayoko rin namang maki-share dun noh. Nakakahiya.

Out of curiousity, naitanong ko din sa mama n'ya kung nasan yung dad n'ya. Sabi n'ya, nasa Korea daw, nagta-trabaho. Tapos kung nasan yung pinsan n'ya, sabi nagbakasyon daw somewhere in Mindanao.

"Hija oh. Gamitin mo 'to. Pagpasensyahan mo na si sir Jongdae, mahilig talagang mantrip 'yun. Hihihihi." sabi nung katulong nila sabay abot ng kumot. "Sigurado ka talagang ayaw mo dun sa kwarto ko tapos ako na lang d'yan?" tanong n'ya pa.

"Hindi na po, okay na po ako dito. Thank you po." Kasi naman, oldie na s'ya. Kawawa naman kung ako na nga lang makikitulog, sa sofa ko pa s'ya patutulugin. Okay na dito, malambot naman saka malaki yung sofa nila.

Ewan ko lang kung namamahay ako pero di ako makatulog talaga. Kaya tinry kong patayin yung ilaw at sinubukan kong pumikit.

--

"Good morning." pagmulat ko, isang dinosaur na nakaupo sa tapat ko ang bumungad sa'kin.

Wait... Diba sa sofa ako nina Jongdae natulog?!

"Hoy manyak, anong ginawa mo sa'kin?! Bakit ako nandito?" paggising ko kasi, nandito na ko sa kama. Kwarto n'ya 'to, I guess.

"'Wag ka ngang OA. Nilipat lang kita dito kagabi. Ang bigat mo nga eh. Tss. Baka kasi ma-paranoid si mom kapag nakitang dun kita pinatulog sa sofa." Pagkasabi n'ya nun, he held me up at tumayo na rin s'ya palabas ng kwarto n'ya. "Utang na loob mo sa'kin ang pagtulog ko sa sofa ha! Magbihis ka na tapos kumain ka na. Iiwan kita 'pag di mo binilisan." sabi n'ya bago isara yung pinto ng kwarto. May damit na dun sa bed side table kaya naman naligo na ko at nagbihis.

Oh... So dun s'ya natulog sa sofa para sa'kin? Omo, ang cute ni Jongdae. :)

--

Sabay kaming pumasok ng school. Naiirita pa rin ako dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Jongin. Buti na lang at nakabuntot si Jongdae all out mula pagpasok namin ng school. 

"Hoy Nikki, tara sa library, may hihiramin akong libro." aya ni Jongdae. Kung hindi n'yo naitanong, matalino kasi s'ya. Dean's lister nga 'yan samantalang ako wala. Kaya lang tamad. Pero medyo swerte na rin ako dahil magka-partner kami sa thesis. Ang ikinamalas ko lang talaga eh yung trollments.

"Hindi na ko sasama."

"Eh pa'no kung lapitan ka ni J---"

"Don't worry, kaya ko na. Sige na, baka mamalisyahan pa tayo sa campus eh."

"Hindi ako nagwoworry noh. Saka hindi tayo mamamalisyahan kasi gwapo ako masyado para sa'yo." Hindi daw nagwoworry eh bakit nung muntik na ko gahasain ni Jongin, s'ya sumapak kay Jongin at pinatuloy pa ko sa bahay nila? Talaga lang ah. 

Hinayaan ko na s'ya magpuntang library. I need my alone time. Dito lang ako sa lagi naming tinatambayan na bench sa gymnasium. Sakto nga ngayon, konti lang tao.

May narinig akong footsteps mula sa likod ko and I guess papunta s'ya sa direction ko. Nagrigodon naman ang puso ko sa kaba pero di naman ako makalingon.

"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh."

Trolled Heart (Chen FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora