Jongdae 5

1.7K 80 16
                                    

"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh."

Lumingon ako at nakita ko si Baekhyun.

"Problema mo?" pagtataray ko. Maganda kasi ako kaya may karapatan akong magtaray, sorry s'ya.

"Kinakamusta ka lang, masama ba?"

"Oo. Nakasaad sa republic act 12---"

"OA mo. Ano nga, okay ka na?" tanong nya pa. Kulit naman, talaga lang.

"Medyo. Naiinis lang." 

"Ehehe. May gustong kumausap sa'yo." 

"Sino naman?"

Tumuro s'ya sa harapan ko at bumulaga sa'kin ang hawt na si Jongin.

Ay joke lang! Hindi na s'ya hawt. 'Di ko na s'ya crush! 

"N-nikki, sorry for last night." sabi n'ya sabay abot ng bouquet of white roses na hindi ko naman tinaggap syempre. Maganda kasi ako. Favorite ko 'to ah. Pano n'ya alam? Ah, siguro sinabi ni Baekhyun. 

"Sorry sorry ka d'yan. Bakit, super junior ka ba para magsorry sorry?" 

"Hey, take it seriously. I'm sincere. I'm really sorry."

"Sorry? Sa tingin mo ganun na lang yun? Pagkatapos mo 'ko bastusin?" 

"That's why I'm asking for forgiveness. Look, I was drunk tha---"

"It's not an excuse! Bastos ka pa rin!" tapos sinampal ko s'ya. Isang super lutong na slap pero hindi ko na lalagyan ng sound effect na slap kasi nga nasabi ko na ngang sinampal ko s'ya diba?

Pero pagkasampal ko, naalala ko lahat ng nangyari pati takot. May humila sa'kin papalayo ng eksenang 'yun pagkatapos kong manampal kaya naman lalo akong napaiyak. 

"Umiiyak ka na naman. Tsk. Inentertain mo pa kasi eh." si Jongdae ulit. S'ya ulit. S'ya na lang lagi yung nandyan para iligtas ako. Pangalawa na 'to ah. 

He cupped my face and wiped my tears. 

"Takte naman eh. Ang ingay mo na, ang pangit mo pa." Nanlait pa 'to. Langya lang. "Tumahan ka na. Nandito na ko. May klase pa tayo Nikki." binitbit n'ya na yung gamit ko tapos nagpunta na kami sa classroom kahit maaga pa, makalayo lang kami dun kay Jongin. 

--

"So uumpisahan na natin ngayon 'tong hell na 'to. Saan mo gusto?" tanong ko kay Jongdae para hindi naman kami ma-hassle sa paggawa ng thesis.

"Sa bahay n'yo naman." sagot n'ya. Pag talaga usapang aral, sumeseryoso 'to eh.

"Uhm, sige." 

Nasa classroom kami ngayon at hinihintay na ('wag na sanang) dumating yung prof namin. Masipag ako kaya naman gumagawa na ko ng time table para organized yung paggawa namin ng thesis. 'Di naman amin ineexpect na makasama 'to sa defense, basta makatapos at makapagpasa lang, keri na this.

 "Nikki, kapag ba nanligaw sa'yo yung taong kinaiinisan mo, sasagutin mo?" tanong n'ya out of the blue. O...kay. Ang weird n'ya.

"D-depende. Pwera na lang kay Jongin syempre. Basta seryoso..." tapos tinignan ko s'ya. "Yung mahal ako tapos yung masaya ako kapag kasama ko s'ya. Basta ganun. Gusto ko happy happy lang. Walang awayan, ganun. Hahaha. Pero parang imposible namang may ganun noh? Bakit mo nga pala natanong?" 

Trolled Heart (Chen FF)Onde histórias criam vida. Descubra agora