CHAPTER TWO

6.6K 309 32
                                    

MARJORIE'S POV

Nagising ako dahil sa alarm clock ko 6:30 am na pala, may pasok nga pala ako at ngayon nga pala ang first day of school ko ngayong 1st year college at 7:30 am nga pala ang start ng klase ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit 1st year college na ako eh 17 years old pa lang naman ako, wala pa kasi noong Senior High School, kakaron lang ngayong year na'to, kami yung last batch na hindi nag Senior High.

Nag punta na akong shower room para gawin na ang morning rituals ko.

Pagkatapos nag bihis na ako ng uniform ko, inayos ko na ang buhok at mukha ko at naglagay na ako ng contact lens na kulay black para matakpan yung pink kong mata.

Yes 'PINK'

Pink talaga ang kulay ng mata ko kaya tinawag akong Pink-Eyed Princess.

Itong mata ko, hindi sya sakit ha. Napatingin na namin sa madaming doctor at hindi daw talaga.

At sabi ni Lolo na isa ring doctor talaga, may mga ganun nga daw talaga ang mata. May mga taong iba kulay ng mata, may blue, brown, violet, red etc.

Iyon, ay pwede ko pang paniwalaan, pero itong kinekwento nya saakin nung bata pa ako ay HINDI, 'IMPOSSIBLE' yon noh! May mundo daw ng mga iba't ibang kulay ang mata haha at may mga kapangyarihan daw ang mga ito.

IMPOSSIBLE!

So ayon kaya din ako nagcocontact lens kasi para walang makakilala sakin, na ako si Pink-Eyed Princess. Tuwing nag gagangster lang ako saka ako hindi nag cocontact lens.

Nang matapos na akong mag-ayos lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta ng dining room.

Pag-dating ko don, nakita ko si Mommy at si Yaya Cita na lumabas galing sa cooking area dala yung mga pagkain.

Si Mommy, Gusto lagi nya na palagi syang tutulong sa pagluluto, mahilig kasi sya sa pagluluto eh. Ang kaso busy sya sa trabaho, kaya pag may free nalang sya saka sya tumutulong gaya nalang ngayon.

Ipinatong nila sa lamesa yung mga pagkain kung saan naroroon na sila Kuya Michael, Daddy at Lolo. Nakaupo at masayang nagkekwentuhannn

Sanaol charottt HAHAHAHA

"Good Morning Mommy, Daddy, Lolo at Kuya" bati ko habang papalapit sa kanila sabay hug sa kanila/kiss sa kanilang pisngi.

Sobrang sweet ko nohhh? Ganyun dapat haha.

"Good morning din Princess" sagot nilang apat!

Oh diba! Sabi ko sa inyo eh 'Princess' ang tawag nilang lahat sa akin kaya naging 'Princess Marjorie Rivera' ang name ko -,-

Ako daw kasi ang 'Prinsesa' nila dito.

Panira sa pagiging astig ko ee!

"Good morning din po sayo Yaya Cita" bati ko naman sa maid namin.

"Good morning din po" nakangiting bati nya naman sakin pabalik.

Ayst si Yaya talaga ang kulit sinabi ng wag na nya akong i 'po' eh!

Pumunta na ako sa upuan ko at umupo na.

Umupo na rin si Mommy, nailagay na kasi nila lahat ng kakainin namin sa lamesa.

Si Yaya naman lumabas muna kasi may gagawin daw sya.

Nahihiya lang yon sumabay ehhh!

Yes, sinasabay din namin sila.

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now