CHAPTER SIX

3.6K 203 6
                                    

MARJORIE'S POV

Nagising ako ng tumunog ang alarm clock na nakalagay sa side table ng kama ko.

"Aray" daing ko pagkabangon ko, sumakit kasi yung braso ko.

"Aisst! Hindi nga pala ako nagpaalam sa parents ko kahapon na hindi ako makakauwi" sabi ko sa sarili ko ng mapagtanto ko na nandito pa nga pala ako sa Hide Out namin.

Hindi kasi kami umuwi kahapon nila Bhesie eh.

Dali dali kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan si Mommy.

"Hello Mo--"

"Princess! Bakit hindi ka umuwi? Pinag-alala mo kami baby, Nasaan ka? Are you okay?" pinutol ni Mommy ng sunod sunod na tanong yung sasabihin ko.

"Mommy I'm fine, nandito po ako sa bahay nila Bhesie Jane" pagsisinungaling ko, hindi kasi pwedeng malaman ni Mommy kung anong nangyari samin.

"Anong namang ginagawa mo dyan ha? Bakit hindi ka manlang nag text o tumawag sa amin kahapon?" sunod sunod na tanong nya.

"May ginawa po kasi kaming project at na lowbat po yung cp ko kahapon kaya hindi po ako nakatawag o nakatext" pagsisinungaling ko uli.

Ayako naman talagang magsinungaling kaso kailangan talaga.

"Hon we have to go" rinig kong sabi ni Daddy kay Mommy.

"Princess, mamaya na lang uli tayo mag-usap, kailangan na naming umalis ng Daddy mo"

"Okay po Mommy, sige bye na po" sabi ko at in'end na yung call sabay tiningnan ko sa cp ko kung anong oras na, 6:30 am na kaya pumunta na ako sa cr para gawin ang morning rituals ko.

Pagkatapos ko sa cr, nagbihis na ako ng uniform ko, may pasok kami. And yes may uniform kami dito sa Hide Out namin.

Then sinuklay ko na buhok ko at naglagay na ng contact lens.

Pagkatapos, kinuha ko na bag ko at lumabas na ng kwarto at sakto namang pagkalabas ko nakita ko si Bhesie Jane na kalalabas lang din sa kwarto nya, naka uniform na din sya at dala na rin nya yung bag nya.

Ganito nga pala yung hanay ng mga kwarto namin:
               |Jane|Me|Leah|

Wala pang kwarto si Bhesie Line kasi kakasali pa lang naman nya kahapon at hindi pa yon ganap kasi may kailangan pa syang gawin, nakitulog nalang muna sya sa kwarto ni Bhesie Leah.

"Good morning Bhesie Jane" nakangiting bati ko sa kanya.

"Good morning din Bhesie Marj" nakangiti ding bati nya saakin.

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now