CHAPTER THIRTY

2K 80 9
                                    

POGI'S POV

Oh walang aangal!

"Aray!" daing ko nang pagkamulat ko ay kumirot ang kaliwang mata ko.

Hinang hina akong bumangon at nararamdaman ko pa na ang init ng katawan ko, lalabas na sana ako ng pagkadaan ko sa may salamin ay nagulat ako.

"What the!" gulat na sabi ko at lumapit pa mismo sa salamin.

"Bakit may pasa kaliwang mata ko!?" takang tanong ko sa sarili ko.

Ang natatandaan ko eh hindi ako dito sinuntok ni Michael ng dalawang beses.

At hindi lang iyun!

Nakasuot din ako ng pangbabaeng damit!

T-shirt na color pink na may tatak na 'I'm sexy and I know it' "WTH" at short na pangbabae pero medyo mahaba naman ito.

Biglang napansin ko ang paligid.

"Nasan ako!?" gulat na tanong ko.

Biglang naalala ko yung buong pangyayari kagabi.

"PRINCESS" aniya ko at dali daling binuksan ang pinto at pagkalabas ko nakita ko si Ate Cita, isa sa mga maid nila.

"Oh gising ka na pala" sabi nya sakin sabay gulat na napatingin sa mukha ko at sa suot ko sabay bumulaslas ng tawa.

"Wahahaha I'm sexy and I know it WAHAHAHA" tawa nya habang nakahawak pa sa tyan nya yung kanang kamay nya at naturo naman sakin yun kaliwa.

"Ate Cita naman! Nasan po si Princess?" nakasimangot na tanong ko, yeah close kami.

"Wahaha mukha kang bakla haha baklang sinapak WAHAHAHA" natawang sabi nya pa rin kaya lalong sinimangutan ko sya.

"Ate Cita!" pigil ko sa pagtawa nya.

"Haha hindi na hindi na haha. Umalis na si Princess kanina pa at pati kuya nya" sabi nya na ikinagulat ko.

Galit pa rin talaga sya sakin.

Tuwing masama ang pakiramdam ko o ano lagi syang nandadyan sakin, hindi nya ako iniiwan kahit na may mga importante syang gagawin.

Hindi ko naman sya masisisi.

Alam ko kung gaano kasakit yun pero hindi ko talaga ginusto yun! Hindi ko sinasadyang iwan sya. Kung pwede ko lang talaga sabihin sa kanya ang totoong nangyari, pero hindi! Hindi pwede!

Pero yung galit nya na yun mas nalalamangan ng pag-aalala.

Kitang kita ko sa mata nya kagabi kung gaano sya nag aalala saakin.

"Tara tara sa kusina ika'y kumain na muna" sabi ni Ate Cita habang hinihikit ako papuntang kusina.

"Ah hindi na po, yung damit ko na lang po. Nasan po kaya?"

"Hindi! Ika'y kumain muna, bigay ko damit mo pagkatapos mong kumain" sabi nya habang patuloy pa rin sa pag hikit sakin.

"Ate Ci---"

"Wag ka ng umangal! Kailangan mong uminom ng gamot at ang init init mo pa nga! May lagnat ka pa" putol nya sa sasabihin ko at wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang.


Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now