CHAPTER FIVE

4K 223 16
                                    

MARJORIE'S POV

"Bhesie's tara na umalis na tayo" kinakabahang sabi ni Bhesie Line at tumungo naman kami at aalis na sana kami nang
.
.
.
.
.

May mag labasang singkwentang lalaking nakaitim.

"WHAT THE..." - Bhesie Line na may halong gulat.

Hindi nga lang sila treynta, kundi 'Eighty'

Tss.

"Hindi kayo makaka-alis ng buhay" sabi nung isang lalaki na nakalaban ko noon.

"Haha let's see kung mapapatay nyo kami" - ako at nginisian ko sila tapos tiningnan ko sila Bhesie Jane at Bhesie Leah at inabutan ko ng katana nila na kinuha ko na sa likod ko.

Si Bhesie Line naman ay mukhang kinakabahan kaya kinuhit ko sya sa braso nya at tumingin naman sya sa akin.

"Bhesie Line kaya mo 'to. Eto gamitin mo, maalam ka na naman makipaglaban eh diba" sabi ko sa kanya habang inaabot yung katana ko.

"Pero Bhesie--"

"Wala ng pero pero, basta gawin mo na lang, alam ko naman na kaya mo" putol ko sa sasabihin nya at tumungo naman sya at bumuntong hininga.

Hindi ko naman talaga gustong pilitin syang makipag-laban, pero gusto ko kasing mapanuod syang makipag-laban at alam ko namang kaya na nya.

Inalis ko na sa likod ko yung suot kong lagayan ng katana at pagkatapos pasugod kong sinipa sa mukha yung lalaking nagsalita kanina, sumugod na rin sila Bhesie sa iba.

Natumba yung lalaking sinugod ko, tumalon ako patapak sa tiyan nya sabay sumipa ng mabilis sa likod gamit ang kaliwang paa ko sa dibdib ng lalaking sumugod sa kanang pwesto ko sabay ikot paunahan at sipa ng deretso sa pisngi nitong lalaking tinatapakan ko papunta sa kaliwang puwesto, gamit pa rin ang kaliwang paa ko sabay lapat nito sa sahig at ikot ng katawan ko pakaliwa sabay tapak naman nung kanang paa ko sa sahig. 

Tiningnan ko sa kanang pwesto ko yung lalaking tinatapakan ko kanina.

"Masakit bang masampal ng paa ko?" tanong ko sa kanya sabay tawa kahit na wala na naman syang malay.

Biglang may sumugod na suntok sa harapan ko pero agad ko namang napigilan yon, sinangga ko gamit ang kaliwang kamay ko. Sabay sunggab ko ng kanang kamay ko sa leeg nya (naka snake hand) para masaktan ko sya sa leeg at maalog utak nya, umamba naman sya ng suntok gamit kaliwang kamay nya kaya yumuko ako sabay suntok ko ng sabay nung dalawang kamao ko sa tagiliran nya, napaatras sya sa sobrang lakas non. At agad akong bumwelo at sinipa sya ng malakas sa mukha pakanan na nakapagpawala na ng malay sa kanya.

Pagkaikot ko dahil sa pagsipa ko may humawak naman sa balikat ko mula sa likod, agad kong hinawakan yon gamit ang kaliwang kamay ko at mabilis na umikot pakanan papunta sa likod nya para magkapalit kami ng pwesto sabay sipa ko sa pwetan nya at pagkaabante nya paunahan mabilis ko syang sinipa sa ulo nya pababa sa kanan pwesto.

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now