CHAPTER TEN

2.9K 180 3
                                    

MARJORIE'S POV

*bogggsshh* napatigil ako sa pagtawa at napatingin kaming lahat sa may pinto dahil may padabog na nag bukas nun at natawa na naman ako nang makita ko kung sino yun at nang makita ko yung itsura nya haha mukha syang kamatis sa sobrang pula nung pisngi nya haha.

"Hahaha pfft" pinipigilan ko na yung pagtawa ko kasi mga nakatingin na rin sila sakin at si Mr. Bwiset ang sama ng tingin sakin at nakita ko naman na dumating na rin yung mga kaibigan nya na pinipilit din na hindi tumawa.

"Mr. Lopez! Go to the detention room now!!" galit na sabi ni Mrs. Cruz kay kamatis at sinamaan muna ako ng tingin ni kamatis bago padabog na umalis haha.

"Mr. Monteverde & Mr. Santiago's you may take your sits now" sabi ni Ma'am sa tatlo at pumasok na yung tatlo.

"Idol" sabi sakin ni Clark habang tumatawa pagkadaan nya.

Sa may likudan kasi namin sila nakapwesto at sila yung 'APAT'

"Nice one" sabi naman ni Jhake habang tumatawa pagkadaan din nya.

"Nice two" sabi naman ni Jhade habang tumatawa din pagkadaan nya.

Mga baliw talaga 'tong mga 'to haha.

Nakinig na ako kay Ma'am nang mag start na uli syang mag turo.
.
.
.

"Class we will continue this tomorrow, Class dismissed" sabi ni Ma'am kaya inayos ko na yung gamit ko.

"Let's go" - Bhesie Leah.

Nagpunta na kami sa second subject namin at wala pa rin si Mr. Bwiset.

Haha siguro inis na inis yun sakin haha buti nga sa kanya.

Natapos na rin ang third subject namin at eto kami ngayon papunta sa locker ko.

Si Bhesie Jane lang ang kasama ko, hindi namin kasama yung dalawa pumunta kasi silang library eh, hindi na namin sila sinamahan may kailangan kasi akong kunin na libro sa locker ko eh pati si Bhesie Jane.

Habang naglalakad kami tinanong ako ni Bhesie Jane kung bakit daw ako tawa ng tawa at kung bakit daw ang sama ng tingin sakin ni Mr. Bwesit kaya ayun k'nwento ko sa kanya haha.

"Haha kaya pala sobrang pula ng pisngi nun kanina, haha" sabi nya habang tumatawa.

Tamu sabi ko sa inyo eh pagnalaman nyo matatawa din kayo, tss dadalhin sa Mental! Kayo ang dalhin ko dun eh!

"Nakakatawa nga yung itsura nya kanina eh mukha nga syang----"

"Kamatis" putol nya sa sasabihin ko at nagtawanan kami, pinagtitinginan na nga kami dahil sa lakas ng tawa namin eh, eh sa natatawa talaga kami eh pake namin sa kanila haha charrr.

Patuloy pa rin kami sa pagtawa habang naglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng locker namin kaya tumigil na kami at binuksan ko na yung locker ko ganun din si Bhesie Jane binuksan nya na din yung locker nya, may kukunin din daw kasi sya eh.

Pagkabukas ko sa locker ko may bumungad na naman sakin na bouquet of flowers and one box of chocolate.

Lumapit naman sakin si Bhesie Jane ng makita nya din yun.

"Yieee haba talaga ng hair ah, may kaaabot lang sayo na Chocolates kanina meron na naman, kanino naman kaya galing yan" sabi nya sakin ng may nakakalokong ngiti habang sinusundot sundot na naman tagiliran ko.

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now