CHAPTER TWENTY-ONE

1.5K 88 0
                                    

MARJORIE'S POV

"Wahhh ang boring! Kainis!" sigaw ko.

Nandidito ako sa kwarto ko at wala akong ginawa kundi ang manuod, kumain, magbasa, mag bukas ng account at kung ano ano pa simula kahapon.

Ewan ko ba! Maganda at masaya naman ang ganito at wala pang nanggugulo sayo, dati gustong gusto ko ang ganito pero kasi naman buti sana kung may kasama.

Hindi 'ta naman pwede sila Bhesie eh kasi dahil nga doon sa nangyari kahapon.

Buti na lang talaga wala dito sila Mommy, Daddy at Lolo haha.

Naisipan kong pumunta sa terris ng kwarto ko para mag pahangin.

Maya maya bigla akong napatingin sa baba, sa swimming pool.

Wahhh ayun makapag swimming na lang haha bakit hindi ko naisip 'to kanina.

Dali dali akong nag suot ng swim suit at pagkatapos nagtakbo ako papunta uli sa terris sabay tumalon.

Charottt AHAHAHA.

Nagsuot muna ako ng bath robe at kinuha yung cellphone ko bago lumabas ng kwarto at pumunta sa swimming pool.

Pagkarating ko nakita ko si Yaya Cita.

"Magsi-swimming ka?" tanong ni yaya.

Mag babasketball ako Yaya! Magbabasket ball!

Si Yaya Cita talaga nakita na nga nyang naka swim suit nagtatanong pa. Hayst! Haha jk labyahhh Yaya.

"Opo yaya, dalhan mo po ako ng pagkain mamaya" sagot ko kay yaya at tumungo naman sya at aalis na sana sya ng magsalita uli ako.

"Yaya si Kuya po?" tanong ko.

"Wala pa po hindi pa po nauwi" sagot nya at tinanguhan ko lang sya at sinenyasan ng pumasok na sa loob.

Bakit kaya wala pa si Kuya? Eh anong oras na kanina pa tapos ang klase nya.

Kahit naman galit yun o ano nauwi agad yun.

Wala naman yung girlfriend ngayon o nililigawan.

Mag sosorry kasi ako sa kanya dahil sa nasagot ko sya kahapon.

Hayst!

Magkapag swimming na nga.

Pinatong ko muna sa lamesa yung cellphone ko at tinanggal yung suot kong bath robe bago tumalon sa swimming pool.

Langoy lang ako ng langoy at habang nag fofloating ako biglang tumunog yung cellphone ko.

"Hayst sino kaya yung tumatawag" - ako habang papunta sa hagdan ng swimming pool.

Nagbabago na ako ah, sinasagot ko na agad mga tumatawag haha de boring lang talaga haha.

Pagka-akyat ko agad kong sinagot ang tawag ng makita kong si Insan Loraine ang tumatawag.

"Insannnn" sigaw ni Insan kaya nailayo ko cp ko sa tenga ko.

Nakakarindi ang tinis dahil sa liit ng boses tsk!

"May pag-sigaw!" inis na pasigaw na sabi ko sa kanya at inilapit uli ang cp ko sa tenga.

"Haha sorry na misiya lang nimin aki ih kasi wahhh pauwi ni aki dyan bukas awieee" masayang sabi nya.

(Haha sorry na masaya lang naman ako eh kasi wahhh pauwi na ako dyan bukas awieee)

"So?" sabi ko.

"Aa! Kiinis ki tiligi! Basta sunduin mo aki bukas si airport ha" sabi nya, haha.

(Aa! Kainis ka talaga! Basta sunduin mo ako bukas sa airport ha)

"At bakit naman kita susunduin? Ano ka sineswerte?" nang-aasar na sabi ko.

"Insan nimin ih!"

(Insan naman eh!)

Haha ang cute talaga ng boses nya ang liit lalo na kapag patunog bata talaga haha.

"Joke lang haha hindi ka na nasanay" sabi ko habang natawa.

"Oh sigi bye ni, midimi pa aking aayusin ih"

(Oh sige bye na, madami pa akong aayusin eh)

"Sige I love you Insan"

"Yieee I love you too Insan" sagot nya.

Pagka-end ng call saktong dating ni Yaya may dala ng pagkain.

Yown haha nagugutom na ako eh.

"Eto na po" sabi ni Yaya Cita habang dala dala ang pagkain at ipinatong sa lamesa.

"Dumating na po si Sir Michael" sabi nya.

"Ah sige po Yaya, thank you po" sagot ko at tinanguhan nya muna ako bago muling pumasok sa loob.

Nagmadali akong kumain at pagkatapos pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

"Sana hindi na galit si kuya" - ako bago lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Kuya.

~ tok ~ ~tok ~

Katok ko sa kwarto ni Kuya.

"Why?" seryosong tanong nya pagkabukas ng pinto.

"Sorry Kuya, hindi ko sinasadyang sagutin ka"

"Wahhhhh"  :<<<

Napasimangot ako hindi kasi sumasagot si Kuya, nakatingin lang sya sakin.

"Matitiis ko ba naman ang Princess ko" biglang sagot nya naikinangiti ko.

"Yieee thank you Kuya" masayang sabi ko at niyakap sya.

"Just don't do it again! Iwasan mo na lang sila" sabi nya at niyakap din ako pabalik.

"Sige na may gagawin pa ako eh" sabi nya at kumalag na sa pagkakayakap.

Nginitian ko muna sya bago ako bumalik sa kwarto ko.

"Thank you po God hindi na galit si Kuya" - ako pagkaupo ko sa kama.

*****

Don't forget to vote 💕

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now