CHAPTER TWENTY-NINE

1.5K 79 15
                                    

MARJORIE'S POV

"INSANNN" rinig kong sigaw ni Loraine papasok dito sa kwarto ko.

Btw wala na dito sa kwarto ko mga gamit nya dahil na ayos na ng mga maid yung kwarto nya, yeah may kwarto sya dito.

"Why!? Bakit ka sumisigaw?" inis na tanong ko sa kanya at pinatong sa side table ng kama ko yung libro na binabasa ko.

"Si...s-si...s-si----"

"Sino!?" inis na talaga na tanong ko, gandang ganda nung libro na binabasa ko eh storbo, char haha.

"Si Xan Xan n-nisi labas ng g-gate" sabi nya habang hinihingal pa rin na ikinagulat ko.

(Si Xan Xan n-nasa labas ng g-gate)

Dali dali akong pumunta sa bintana at sinilip kung nandudun nga.

"Arghh! Nandidito nga!" - ako habang nakatingin sa bintana.

"Nasan si Ku---" tatanungin ko sana si Insan kung nasan si Kuya pero naputol 'to ng makita ko si Kuya na palapit na sa gate.

MICHAEL'S POV

Bwiset na lalaking 'to! Storbo! Ka chat ko si ano eh!

"Nagawa mo pa talagang pumunta dito at magpakita ha! Pagkatapos mong lokohin kapatid ko!" galit na sabi ko pagkalabas ko ng gate at sabay sinuntok sya.

"Hindi ko sya niloko! I'm sorry sa pag-iwan ko sa kapatid mo, pero hindi ko sya niloko!" sagot nito habang nakaupo pa rin sa sahig.

"Ba't mo sya iniwan!? Wag ka ng magsinungaling ang sabihin mo nangbabae ka kaya mo sya iniwan! Niloko mo kapatid ko! Ano bumabalik ka dito kasi wala na ba!? Ha!? G*go ka!" galit na sabi ko at hinawakan sya sa kwelyo nya pataas at isinandal sa pader.

Sinuntok ko uli sya sa mukha sabay sabing "Umalis ka na baka kung ano pang magawa ko sayo! Sa oras na makita kita uli dito at lumalapit sa kapatid ko ihanda mo na sarili mo sa kabaong!" pasigaw na sabi ko sabay pinakawalan sya.

Papasok na sana ako sa loob ng magsalita sya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kami nakakapag usap!" matigas na sabi nya.

"Ah ayaw mong umalis ha!" - ako at susugudin uli sana sya nang pigilan ako ng kapatid ko.

"Pwede ba! Umalis ka na! Nagawa mo pa talagang pumunta dito noh!" pasigaw na galit na sabi nya sa g*gong lalaking yun, ayakong sabihin pangalan!

MARJORIE'S POV

"Pwede ba! Umalis ka na! Nagawa mo pa talagang pumunta dito noh!" pasigaw na galit na sabi ko.

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now