CHAPTER NINETEEN

1.5K 100 0
                                    

MARJORIE'S POV

Sinundan ko si Mitch hanggang sa makarating kami sa powder room.

"Haha ang sayang pag usapan noh! Sa susunod kasi kilalanin mo din kung sinong kinakalaban mo!" mataray na sabi nya pagkapasok ko sa powder room at sabay susugudin nya sana ako ngunit bigla syang nadulas.

Tingnan mo nga naman ang bilis ng karma.

Tiningnan ko muna sya ng nakakaloko bago ko sinimulang magsalita "Alam mo kung anong tawag dyan? KARMA" sabi ko sabay tawa at tinalikuran sya at aalis na sana ako nang biglang may maisip ako.

"Ay wait parang may kulang" sabi ko sa kanya pagkaharap ko uli sa kanya sabay kinuha yung nakita kong isang timbang tubig at sabay binuhos sa kanya.

"WHAT THE!" gulat at galit na sabi nya at tatayo sana sya para sugudin ulit ako kaso hindi sya makatayo.

"Yan perfect haha! Bye B*tch" sabi ko sabay labas.

Hayst bwiset!

Ayaw ko sanang gawin yun kaso sumosobra na sya.

Ang ayoko sa lahat yung sinisiraan ako. Yung gumagawa ng kwento na hindi naman talaga totoo.

"Sya ba yon?" rinig kong sabi nung isang babae sa kasama nya habang naglalakad ako papuntang room.

"Yup! Sya yung nasa picture! Ang lande lande nya!" rinig kong sabi naman nung kasama nya.

Hindi ko na lang sila pinansin. Expected ko na naman na ganito ang mangyayari dahil sa ginawa ni Mitch.

Pinagpatuloy ko na lang paglalakad ko ngunit napatigil ako nang
.
.
.
.
.

May humarang na babae sa harapan ko.

"Pinapatawag ka po sa Dean's Office" sabi nya sabay alis.

"Hayst!" inis na sabi ko bago magsimulang maglakad papuntang Dean's Office.

"Dean hindi po ganun yung nangyari. Nandodoon po kami nung nangyari yon at eto po ang nangyari navideohan ko po" rinig kong sabi ni Clark bago ako pumasok sa loob ng office.

Pagkapasok ko nakita kong nandudun sila Bhesie at may dalawang babae na medyo parang pamilyar sakin ang mukha at si Mr. Bwiset at yung mga kaibigan nya.

"Take a sit Ms. Rivera" sabi ni Mrs. Santos yung dean namin at ibinigay nya yung hawak nyang cp kay Clark.

Nagkatinginan muna kami ni Mr. Bwiset bago ako umupo sa kalapit nila Bhesie.

"Dean si Mitch at ito pong kaibigan nyang dalawang ito ang may pakana nung picture" sabi ni Bhesie Jane habang nakaturo sa dalawang babae.

Kaya pala pamilyar sakin yung dalawang 'to.

"Anong kami! Hindi kami ang may gawa nun!" pasigaw na sabi nung isang kaibigan ni Mitch.

"Magsitigil kayo!" awat ni Mrs. Santos.

"Boys pwede na kayong lumabas maliban sayo Mr. Lopez" sabi ni Dean at inutusan si Jhake na papuntahin dito si Mitch.

Mga maya maya bigla bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mitch habang akay akay ni Jhake.

Nang maiupo na ni Jhake si Mitch sinenyasan na sya ni Dean na umalis na.

"Tell me the truth Ms. Soberano kayo ba ng mga kaibigan mo ang may kagagawan nung picture" tanong ni Dean kay Mitch.

"No! Hindi po kami! Ewan ko nga po kung bakit ako ang pinagbibintangan ni Ms. Rivera! Sinugod na lang po nya ako kanina! Eto nga po oh napilayan po ako dahil tinulak nya po ako at binuhusan pa po nya ako ng tubig!" sabi ni Mitch.

"Oh wow! Pwede ba sabihin mo na lang ang totoo at alam mo na hindi kita tinulak! Totoo po Mrs. Santos na binuhusan ko po sya ng tubig dahil naman po yun sa ginawa nya sakin eh sumosobra na po kasi sya!" sabi ko.

"Hindi po talaga kami ang may gawa nun! Nagulat na nga lang din po kami ng sumugod saming dalawa ni Alexie itong tatlo!" sabi naman nung babaeng nakapony tail na kaibigan ni Mitch habang nakaturo kila Bhesie.

"Wow ha! Kayo kaya ang sumugod samin! Wag nyo ngang baliktarin! Atsaka hindi namin kayo kilala noh! Kanina lang namin kayo nakilala ng sugudin nyo kami" inis na sabi ni Bhesie Line.

"Marjorie! Wag ka ngang magsinungaling dyan! Tinulak mo naman talaga ako eh!" - Mitch.

"Ikaw ang wag magsinungaling! Alam mo ang totoong nangyari! Nadulas ka! At pwede ba aminin nyo na! Na kayo ang may kagagawan nung sa picture!" sabi ko.

"Aminin nyo na kasi! Wag na kayong magsinungaling pa!" inis na sabi ni Bhesie Leah.

"Stop! You are all suspended! 2 weeks suspention at ipatatawag ko ang inyong mga magulang! Pwede na kayong umalis!" pagalit na sabi ni  Dean.

Hayst bwiset kung pwede lang talaga akong mang kick out eh wala na sanang mga bwiset sa paligid!

Pero hindi rin naman ako ganun kasama na ikikick out sila.

Pinauwi na kami at yung tungkol dun sa picture ay inaayos na.

*****

Don't forget to vote 💕

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now