CHAPTER FOURTEEN

2.4K 170 5
                                    

MARJORIE'S POV

Nagising ako ng 5:30 am at naisipang kong mag jogging na lang dahil hindi na ako makatulog.

Nagbibihis na ako ng jogging outfit ko ngayon at pagkatapos nagsuot na ako ng rubber shoes ko na kulay white.

Then lumabas na ako ng kwarto ko at napansin kong nakabukas yung pinto ng kwarto ni Kuya at bukas din yung ilaw.

"Gising na siguro si Kuya" sabi ko at naglakad papunta sa pinto ng kwarto nya, sumilip ako sa loob at nakita ko syang nag pipinta.

"Ang hilig talagang magpinta ni Kuya" mahinang sabi ko at tiningnan ng maigi yung pinipinta nya at nakita kong nag pipinta sya ng mukha ng isang babae pero hindi pa tapos kaya hindi ko mamukhaan kung sino.

Binuksan ko ng malaki yung pinto at pumasok sa loob at nang makita naman nya ako ay nataranta sya at dali daling tinago sa likod nya yung pinipinta nya.

"Ikaw kuya ha, sino yang pinipinta mo?" mapang-asar na tanong ko habang nginingitian sya ng nakakaloko.

"A-anong s-sinasabi mo? W-wala naman a-akong pinipinta ah!" nauutal na sagot nya kaya natawa ako.

Indenial talaga tss haha.

Lumapit ako sa kanya.

"Anong wala, eh ano yan" sabi ko habang tinuturo yung pinipinta nya na hawak nya na nakatago sa likudan nya.

"Wala" sagot nya.

"Wala DAW" sabi ko ng nakangiti ng nakakaloko.

"Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka na nga, alis" sabi nya at pinagtulakan ako palabas.

Ipagtulakan daw ba naman ako, kung hindi ko lang yan kapatid eh.

Nang makalabas na talaga ako ng tuluyan ay sinarado nya agad ang pinto.

"Haha sino kaya yun?" sabi ko habang naglalakad na palabas ng mansion.

Nangmakalabas na ako nag simula na akong mag jogging.

Jogging lang ako ng jogging sa loob ng subdivision namin hanggang sa makarating ako sa park.

Ang itsura ng park ay may mga magaganda talagang bulaklak at may mga upuan na nasa mga tabi at may fountain sa gitna.

Umupo muna ako sa upuan na malapit sa akin at nagpahinga.

~ Selecta walang lasa pangit pa ang nagtitinda ~

Napatingin ako dun sa mga bata nakumakanta ng selecta habang nakatingin dun sa mag titinda ng ice cream na may tumutunog na selecta at natawa naman ako dahil sa kinakanta nila.

Hindi naman pangit yung nagtitinda. Yung tono lang talaga haha.

~ Selecta walang lasa pangit pa ang nagtitinda ~

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now