GMAMR Chapter 3

25 8 6
                                    

Pagdating namin sa bahay ay nakisabay naman si Alex saamin dahil nasa iisang village na lang kami. At Dahil kumpleto kami makiki sleepover ang mga kaibigan ko sa bahay ko. Malaki ang bahay ko dahik incase na umuwi sila mommy, Daddy mga pinsan ko at kuya ko. Sumunod rin ang mga tito at tita ko dun kaya kami lang talaga ni Sam ang nasa pilipinas. Habang nagluluto naman si Nica, Si Alex naman at Gab ay nilalaro si Sam. Samantalang ako eto subsob sa trabaho. Sa mini office ko dito sa bahay. Nagulat nalang ako ng sumigaw si Sam.


"Daddy! Nandito kana YEHEYYY!!" Napangiti naman ako dahil nandiyan na ang Ama ni Sam. Nagsi punta naman ang lahat sa sala samantalang ako tinatapos ko ang project ko. Narinig ko naman na may kumatok sa pinto ko.


"Papakamatay ka ba diyan? Hindi mo manlang ako yayakapin?" Naka busangot niya sabi saakin. Tumayo naman ako at pumunta sakanya na naka open arms akala noya yayakapin ko siya ng kurutin ko ang tagiliran niya.


"Aray ang sakit!!" Pag aaray niya.


"Hoy ASHETON GARCIA!! GINAGAWA KO ITO PARA SA FUTURE NG ANAK MO!"sigaw ko nakita ko naman sila Gab, Alex,Nica,Sam at si Manang Nida na kinikilig saamin.



"Anak NATIN"pag tatama saakin ni Ashe.



Hinalikan naman niya ako noo. At hinila ako palabas ng office ko at pumunta sa sala. Pag labas namin naka pamewang silang lahat.


"Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal"sabi naman ni Alex.



"Bakit kasi hindi nalang ulit kayo?" Sunod naman si Nica.



"Aasa nalang ba kami ulit?" Sabi naman ni Gab.



"Soon" yumakap naman saakin si Asheton.


Siniko ko naman ang tyan niya.


"Anong Soon ka diyan?! Sapakin kita gusto mo?!"



"Joke lang, hindi mabiro" naka pout nanaman siya.



"OSIYAAAA TARA NA KAIN NA TAYOOOO BAKA PATI ULAM LANGGAMIN"ang bitter naman netong alex na to. Hahaha. Kumain na kami para mag pahinga na si Samantha dahil may pasok pa siya bukas. Habang kumakain kami ay nagsalita naman si Gab.


"Alam mo Ivy! Mag pahinga ka naman! Mas mabuting pumasok ka nalang next week" napa isip naman ako dahil buong buhay ko hindi pa ako nakaka pagpahinga ng 4 days.




"Sige na bii pumayag kana huwag mo naman patayin yung sarili mo sa trabaho mo"sabi naman Ashe saakin.




"Okay, Sasamahan nalang kita sa school mag organize sa Reunion"sabi ko nalang kay Gab.





Naging kami ni Asheton dati, dahil pareho kami ng brokenhearted. Pero heto kami ngayon isang pamilya. Bii ang tawa niya saakin at Ashe naman ang tawag ko. Masaya naman ako dito kaya hindi ko na kailangan pang lumayo sa pilipinas.



Matapos kumain ay sinamahan na ni Ashe matulog sa kwarto ni Sam. Samantalang ang mga kaibigan ko ay nag request ng mag movie marathon. Hahaha taray hinanda naman ni Alex yung popcorn at si Nica bumili pa ng junkfood sa labas nagpasama naman siya kay Gab. Nang kumpleto na kami ay nanood kami ng horror, pota kakatakot itong si Nica at Gab nahihilaan ng buhok pag lalabas na ang multo hahaha. Kaming dalawa ni Alex tinatakpan namin ang mata namin haha. Lakas ng trip netong mga to! Matapos namin manood ay nagtimpla naman kami isa isa ng kape dahil kami ay takot parin hahaha. Umupo ulit kami sa sala at nag usap usap.




"Ivy? Paano kung nakita mo si Axell niyan? Napatingin naman ako kay Gab na seryoso na hinihintay ang Sagot ko.


"Well, wala naman akong pake sakanya" sabi ko nalang.




"Hindi ka mag rerevenge sa ginawa niya sayo?" Tanong naman ni Alex saakin.





"Nakakatawa naman, Baka nga makita lang niya ako naka revenge na ako kasi baka maghihinayang pa saakin yun, hahaha" napangiti naman sila saakin.




"What if sabihin niya na mahal ka niya?"




"Ano kaba?! Tanga nalang maniniwala diyan, tyaka aaminin ko tanga ako DATI" tumawa naman si Gab saakin.





"Taray ni mayora hahaha"





"Ano gagawin mo bukas Nica?"







"Irarampa nila yumg damit na ginawa ko after that susunod ako sa school para tumulong rin ako"



Nagpagdesisyonan na namin matulog sabi ko sa Guest Room sila kaso ang aarte takot parin daw. Kaya heto tabi tabi kami sa kwarto ko natulog.

Gab.Nica. Ako.Alex.



Nagyakapan naman kami habang nakatulog na. Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. Inopen ko ang laptop ko at inopen ko ang Facebook account ko na matagal ko ng hindi nabubuksan sa sobrang busy. Pumunta ako sa mga photos ko naka 'only me' ang mga pictures namin ni Axell. Hindi ko kasi kaya na burahin. Sinabi naman ni Ashe na hindi ko dapat burahin dahil memories ko na yun sakanya. Hanggang ngayon naka blocked parin sila monica saakin.



Tumayo ako at nag jacket lumabas ako ng subdivision namin dahil paglabas mo ay may Starbucks kang makikita gusto ko tumambay dito e. Nakakawala ng pagod, nag order naman ako ng makakain ko. Habang umiinom ako tinignan ko ang orasan 12:33 A.M. na ng madaling araw. Nagfacemask ako dahil ang lamig sa labas. Nag open naman ako ng IG ko, tinignan ko ang mga pinost ko dati yung simula ng maging kami ni Asheton hanggang sa dumating si Baby Samantha yung pictures ko, yung kaming magkakaibigan, yung pictures ko sa magazine. Lahat ng pictures namin ni Axell wala na inalis ko na. Wala rin naman akong mapapala, basta nandiyan ang mga kaibigan ko, si Ashe at si Sam at lalo na ang pamilya ko. Napatigil ako sa pag aalala ng tumatawag ang kuya ko sa Messenger.

"Bakit gising kapa?" Sabi naman ni kuya Ivan, nakita ko naman ang mga kupals na kumakaway sa likod ni kuya.



"Hindi pa ako makatulog, pero okay lang. Kamusta na kayo diyan? Miss ko na kayo"




"Miss ka na rin namin baby sister namin, ingat ka diyan si Samantha alagaan mo kahit alam ko na mabuti kang ina kay samantha." Sabi naman nila saakin.





"Thank you, osiya kuya alis na ako" binaba ko na ang tawag ni kuya at umalis na dahil ubos ko na ang inorder ko. Sinuot ko na ang facemask ko, palabas na ako ng may mabangga akong tao.





"Sorry" sabi ko nalang tyaka ako tumakbo papasok sa loob ng subdivision dahil baka may makakilala pa saakin dito.








AXELL P.O.V.

Nagising ako ng mga 12:03 nag muni muni muna ako nakita ko naman na katabi ko na si Keoh samantalang si Monica nasa kabilang kwarto, bumaba ako at pumunta ng sala. Wala palang kape dito. Nakita ko naman si Ate ko na gising pa at ka tawag niya ang boyfriend niya. Kaya tinanong ko siya kung gusto niya ng kape sabi niya naman ay oo kaya kinuha ko ang susi ng sasakyan ko na ngayon ko lang umit magagamit. Pag pasok ko sa sasakyan ay na alala ko naman siya. Bumaba naman ako saglit at tatanungin ko si ate kung saan malapit ang Starbucks dito.



"Doon sa malapit sa school niyo dati, sa harap ng Subdivion." Nabigla naman ako ng sabihin niya yun kaya excited na ako talaga ako kahit na malabo kitang makita. Nag drive naman ako papunta dun wala pang 10 minuto ay nakarating na ako. Nagpark naman aki sa gilid at tinignan ko ang gate ng village na ito. Sobrang higpit parin pala nila magpapasok. Dahil wala na akong pag asa na makita siya ay pumasok na ako sa Loob at para maka order na rin. Pag pasok ko may naka bunggo saakin. Medyo masakit ang pag tama niya saakin, pero nawala ang sakit ng marinig ko ang boses niya.



"Sorry" nagulat ako dahil hindi ako pwedeng magkamali alam ko na siya yun hahabulin ko sana siya ng tumakbo na siya papasok sa Subdivision.




"Makikita rin kita"





Author's Note

Last na ito hahaha bukas ulit hahaha

Vote and Comment naman susme PANSININ NIYO AKO HUHUHU.


-ASHIE


@AsheGon

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now