GMAMR Chapter 15

24 6 2
                                    

Dahil request ni Mommy na mag beach kami ay tinupad ko na ang hiling niya. Nagplano kasi kami nila Alex, Gab at Nica na mag Outing sa Resort nila Alex. Kasama ang family ko. Syempre sinama na rim namin si Keoh, Ate Cath at si Axell. Basta marami kaming pupunta kaya naman si Sam at Keoh ay Excited simula ng makalabas siya ng hospital at lagi niyang hinahanap ang nanay niya, wala naman kaming magawa kundi ang manahimik. Tatlong Van ang dinala namin. Nauna na sila manang at mommy sa isang van naman ay yung mga kupals maliban kay kuya Math. Habang naghihintay kami sa Labas ng bahay ay dumating na sila Alex at si Calvin na kapatid niya.
Binata na ang kapatid niya, Dati may gusto lang saakin yan. Ang bilis ng panahon talaga.





"Calvin, Ngayon lang kita nakita. Namiss ka na ni ate" sabi ko, niyakap naman ako ni Calvin medyo nahihiya na siya dahil binata na siya.



"Hello Ate, oo nga po eh. Matagal na rin po simula nung pumunta tayo nun sa resort namin" napangiti ako ng maalala ko yun. Yung mga panahong hindi pa ako nag coconfess kay Axell.
Lumapit naman si Axell kay Calvin, at nag usap silang dalawa.



"Dati, nagseselos ka saamin ni Ate Ivy mo ngayon, binatang binata kana. May girlfriend ka na siguro?" Sabi ni Axell.



"Hala! Si Kuya nanliligaw palang, Pihikan kasi nililigawan ko" sabi naman ni Calvin kay Axell. Nagtawanan naman sila dalawa at nagkwentuhan, naagaw ng atensyon ko nang may marinig ko ang pangalan ko.


"Kayo na ni ate Ivy? Kuya?"tanong ni Calvin kay Axell. Nakita ko naman si Axell na nakatingin saakin. Nagtitigan kaming dalawa at tyaka siya nagsalita.
"Dati...." Sabi niya na parang may gusto pa siyang sabihin kay Calvin mabuti nalang ay dumating na agad ang Van. Sumakay naman kami nila Alex,Nica at Gab kasama namin sila Calvin, Axell, Sam,Keoh,Kuya Ice at si Manang flora. Si Manang flora naman ang nagbabantay sa dalawang bata. Habang magkakatabi naman kami ni Nica, Alex at Gab. Halos mag ingay na kaming apat sa loob. Ng mapagod kami ay napunta ang usapan about kung bakit kami naghiwalay ni Axell.




"Bakit nga kayo naghiwalay?" Sabi ni manang saamin. Tumingin ako kila Gab at Alex dahil alam nila ang pangyayari, Samantalang si Nica ay parang gusto na mag kwento.

"Naku! Manang matagal na yun"pag iiwasan ni Axell.




"Manang, nagloko kasi siya nakita ko siyang may kasama iba. So ayun naghiwalay kami" sabi ko kaya naman lumingon naman si Axell saamin dahil nasa harap silang dalawa ni Calvin samantalang si kuya Ice naman ang nag dridrive.



"Wow naman, Sa sinasabi mo parang niloko kita at sinaktan"pag tatanggol niya sa sarili niya, wow ka rin, totoo naman na manloloko ka.



"BAKIT?! HINDI BA TOTOO? NA NILOKO MO AKO?! NA HINAYAAN MO SI MONICA NA PUMATONG SAYO? YUNG TOTOO? MINAHAL MO NGA BA AK—" Hindi ako pinatapos ni Axell.



"OO MINAHAL KITA! AT MAHAL PARIN KITA!!" sigaw niya na gusto niyang patunayan na mahal parin niya ako.



"Kung mahal mo ako, hinding hindi mo ako hahayaan na masaktan." Sabi ko.



"Kaya nga nandito ako para patunayan na mahal parin kita"sabi niya, kaya agad naman ako tumingin sa mata niya ng buong tapang.


"Bumalik ka man o hindi, hinding hindi na ako babalik sayo" mga ilang segundo kaming nag titigan. Pero siyang unang umiwas.



"OYYY GUYS EASY! MAY BUKAS PA HAHAHA" Panira ni Alex sa awkward moment namin.



"HINDI MO PALA KAYA SI ATE IVY, KUYA AXELL EH HAHAHA" Pang aasar ni Calvin kay Axell.



"Umiwas na ako dahil ayoko ng makipag talo sa taong mahal ko." Walang alinlangan agad ko siyang sinumbatan. "Ang tanong? Mahal ka rin ba ng taong mahal mo?" Sabi ko tyaka ako nag smirk. Nilagay ko na ang earphone ko sa tenga tyaka ako nakinig sa music. Ang huli ko lang narinig kanina ay yung patulugin na kami ni mahal.


"Osya! Matulog na kayo dahil malayo pa ang pupuntahan natin" sabi ni manang.




AXELL P.O.V.

Hindi ako maka tulog dahil sa iniisip ko parin yung sagutan namin kanina ni Ivy, Alam ko na totoo yung mga pinagsasabi niya. Lumingon ako sa likod kung saan nakita ko ang dalawang bata na nakatulog kasama si Manang Flora. Si Gab naman ay nakayakap kay Nic at si Nic naman nakayakap kay Alex at si Alex ay naka yakap kay Ivy. Dahil boring ay nagpatugtog kaming dalawa ni kuya Ice dahil siya ang nag dridrive. Hindi niya ako kinakausap tulad ng dati, naiinis pa siguro sila saakin. Lumingon agad ako at nagulat ng ang tugtog ay kanta ng parokya ni Edgar, paborito nilang magbabarkada ang parokya.


"Naiinis na ako sayo, bakit mo ba ako ginaganito...." Napatingin naman ako kay Ivy.



"Ikaw ba ay nagugulohan sa aking tunay na nararamdaman sayo ohhh"Gusto ko siyang yakapin at hawakan ang mukha niya ngayon, Nakakamiss rin pala talaga siya.



"Huwag mo na sana akong pahirapan pa, kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na,Huwag mo nasa akong ipaasa sa wala. Oo na, mahal na kung mahal kita" Nagsisi naman ako sa mga pinaggagawa ko dati ayoko ng masaktan pa. Nabigla ako ng kausapin ako ni Kuya Ice.



"Alam mo ba simula ng mawala ka, Halos mabaliw na siya dati? For sure hindi mo alam, kasi gumawa ka ng kalokohan. Alam mo ba na simula ng mawala ka ay si Ashe ang nasa tabi niya. Alam mo bang naging sila,pero dahil mahal ka niya umayaw siya. Alam mo bang nung nakabuntis si Ashe ay ikaw ang naalala ni Ivy, alam mo ba ng simula ng dumating ang mag ama sa buhay ni Ivy, unti unti ka niyang nakakalimutan. Kahit hindi niya anak si Sam tinanggap niya ang bata. Alam mo bang para silang pamilya kaso si Ashe may gusto parin kay Ivy. Ang daming nagbago simula ng mawala ka. Pati tiwala namin sayo sinira mo..." Nagulat ako ng sabihin niya ang lahat, Hindi niya anak si Sam?
Bakit sa dinami dami ng sinabi niya yun ang tumatak saakin ay yung hindi niya tunay na anak si Sam.



"Nagsisisi parin ako hanggang ngayon, pero bakit magkamukha sila ni Sam kung hindi niya tunay na anak si Sam?" Tanong ko.


"Nagulat nga rin kami eh, dahil kamukhang kamukha niya, kaya napalapit rin ang loob namin sa bata" sabi rin siya.



"Mahal parin ba ni Ashe si Ivy?" Tanong ko.



"Siguro, hindi na dahil nakita namin siya nakikipag date sa iba, tyaka mas maganda kung mahalin nalang sana ni Ivy si Ashe dahil dati palang nakikita namin na inaalagaan niya talaga si Ivy." Nakakapanghinayang ang mga pinagsasabi ni Kuya Ice, Dati ako yun. Pero iba na ang pinagmamalaki niya.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now