GMAMR Chapter 9

21 6 2
                                    

Mag iisang oras na kaming naghihintay kay axell para makapunta sa location kung saan kami gagawa ng isang coffee shop. Nagulat nalang ako ng nandiyan na pala si Axell. Mukhang nag ayos siya ng mabuti dahil ang kanyang buhok ay sobrang ayos.

"Hayy, Sa wakas nandito na rin" sabi ni Stacey na kanina pa nagbubunganga. Edi nakasama ko si Axell at Ford sa iisang van. Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasan na mapatingin sa dinadaan namin. Samantalang si Axell ay natutulog. Si ford naman ay kausap ang driver. Nilagay ko ang headset sa tenga ko at nagpatugtog habang nakatingin sa kawalan. Sabay kaming napatingin sa isa't isa ng makita ko ang bulaluhan ni marie, na dating naming pinupuntahan ni Axell. Nagising na pala siya, akala ko natutulog. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami agad sa lupang tatayuan.

Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa mismong pinupuntahan namin ni Axell dati ay dito gagawin ang plano namin dapat dati, kaso hindi natuloy. Inumpisahan nilang sukatin ang lupa. Samantalang ako ay nag isip pa ng mas magandang design at plano para sa coffee shop na ito. Habang nag dradrawing na ako ay natigilan ng may mag aya saakin na uminom muna ng kape.

"Kape ka muna" kahit hindi ako lumingon sakanya ay kilala ko parin ang boses na iyon. Akala ko ay mag stay pa siya dito pero hindi. Kinuha ko naman ang kape na binigay niya, pagtingin ko sa kape ay may sulat na nakadikit sa lalagyanan.

"Alam ko na naalala mo ang lahat, ang mga pangakong binigay ko sayo, Kape ka muna. Kahit stress ganda mo parin"

Tumingin ako sakanya na busy uminom ng kape. Napa iling nalang ako sa mga kagaguhan na sinasabi niya ngayon.

"Wala paring pinagbago, maloko parin"

Pinagpatuloy ko ang pagdradrawing. Ginandahan ko as in feeling ko ako yung may ari. Kahit dito manlang matupad yung mga pangarap namin.
Tinapos ko ang loob ng coffee shop kaya labas nalang. Gusto ko meron sa labas para ma feel nila na relaxing ang lugar. Nag aayos na kami ng mga gamit ng biglang bumuhos ang ulan. Agad namang may nag payong saakin, nakita ko si Axell na shinare niya ang payong niya.

"Okay ka lang? Hindi kaba nababasa?"napa kunot ang noo ko sa tanong niya. Kaya nga niya ako pinapayungan para hindi ako mabasa.

"Okay lang"


Okay lang naman ako simula ng lokohin mo ako e. Ang saya saya nga e, pinaniwala mo sa mga gago mong salita. Maya maya nagring ang phone ko. Si yaya nida lang pala.

"Mam, si sir ashe po matutulog muna siya sa bahay ng mama nila, hindi po kasi siya maka uwi malakas ang ulan. Kami lang nila manang flora, At baby Sam ang nandito sa bahay."

"Osige, ingat kayo diyan pauwi na rin ako"

"MOMMMYYYY! DONUT!! I WANT DONUTTT" napangiti naman ako sa gusto ni Sam.

"Sigee baby, para sa baby ko. Behave lang kay yaya nida okay." Sabi ko naman sa anak ko.


"Sigee po! I LOVE YOU PO" ang sweet naman ng anak ko.

Pagbaba ko sa tawag ay huminto na ang ulan.



"Thank you Mr. Vasquez" nakangiti kong sabi at umalis. Maya maya ay nagsi uwian na kami. Bumaba naman kami sa pinagkitaan namin, Doon kasi naiwan yung sasakyan ko at isa pa hindi ko kayang mag drive ng matataas na lugar. Pagpunta ko sa sasakyan ko ay naalala ko na gusto pala ni sam ng donut.



Pagpunta ko sa bakeshop na binibilihan namin nila sam ay nakita ko dun si Axell. Kunwari hindi ko siya napansin, at patuloy lang ako sa paglalakad. Pumunta ako sa counter.




"Goodevening Ma'am" ngumiti naman ako sa babae.



"Yung lagi kong binibili"sabi ko naman. Alam ko na tumitingin saakin si Axell.



"Para po kay baby Sam noh" nakakatuwang isipin na kilala si sam dito dahil sa sobrang hyper na bata sa tuwing pagkasama ko siya. Nagbayad naman ako sa counter at kinuha ang donut. Lalabas na sana ako ng harangan ni Axell ang daanan ko.



"Yes?" Yan nalang ang nasagot ko.




"Pwede ba kitang makausap?"




"Tungkol Saan?" Malamig kong sabi.






"Sa Ating dalawa......" Napatingin ako sakanya ng deretsyo sa mata.







"Kung yan ang pag uusapan, tumigil kana may mga pamilya na tayo. Masaya na ako nandiyan si Ashe at Sam sa buhay ko." Kuntento na ako kung anong meron ako.




"Mahal mo pa ba ako?" Nakakabigla na tanungin niya ako ng ganyan.






"Yang salitang yan matagal ko ng tinapon sa puso at isipan ko, Simula ng iwan,lokohin,saktan,gaguhin mo ako. Ngayon gusto mo malaman kung mahal pa kita?"






"Kalimutan nalang nati—"






"KALIMUTAN? WOW, IKAW ANG FIRST LOVE KO! IKAW YUNG UNANG MINAHAL KO! TAPOS SASABIHIN MO NA KALIMUTAN NALANG? HINDI GANUN KABILIS PARA SAAKIN YUN" naglakad na ako papunta sa sasakyan ko. Nagdrive na ako papunta sa village namin. Pagpasok ko sa bahay ay yumakap agad ang anak ko. Hindi ko na napigilan kaya umiyak na ako.







"Mommy bakit ka po umiiyak?"sabay pahid niya sa mga luha ko.






"Anak.....kung magmamahal ka, mahalin mo muna sarili mo ha. Huwag mo gayahin si mommy nasasaktan parin" ewan ko kung bakit yan ang nasabi ko.





"Yes po, mommy." Binigay ko naman ang donut na gusto niya at tumakbo sa kusina. Lumapit naman si yaya flora na dati ko pang yaya, simula ng umalis ng bansa sila mommy si Yaya flora na ang nag aasikaso saamin at si yaya nida na bago.







"Manang nandiyan na pala kayo" nagmano naman ako.






"Iha, may sasabihin sana ako"nagtaka naman ako ngayon lang siya kinabahan ng sobra.





"Ano po yun manang?" Sabi ko nalang.






"Nakausap ko si Axell nun sa kabilang bahay. Alam mo nakita ko siya malungkot nun, alam ko at ramdam ko na mahal ka parin niya"sabi ni manang saakin.







"Manang may pamilya na ho ako, at isa pa, kontento na ako kay Sam. Ayaw ko rin makasira ng pamilya. Isa pa, magagalit pa si Ashe kung babalik pa ako"




"Pag isipan mo iha, nandiyan na siya ulit. Baka maiwan ka nanaman kung iiwasan mo nanaman." Sabay bigay ni manag saakin nung gatas. Ewan ko ba gatas parin binibigay niya saakin.




Umakyat na ako sa taas para makapag hugas ng katawan at magpalit ng damit. Hihiga na sana ako ng tumawag si Alex.





"Hoyyy babae musta yung work mo kasama si Ex. Hahaha" kahit kailan etong babaeng ito ayaw magpahuli sa balita.






"Ayos naman, patuloy parin sa pag sosorry ni Axell. Kanina parang naiilang ako na ewan"





"Hayaan mo na yun, focus ka nalang sa work mo. Tyaka tandaan mo niloko kana makontento kana sa sakit na yun"






"OO NA ANG OA BES!hahaha. Bakit ka nga pala napatawag?"tanong ko.







"Oo nga pala may meeting ang mga parets bukas hapon, punta ka ha"





"Always present kaya ako. Hahaha. Sige na papahinga na ako. Maaga pa bukas e"





"Sigee ingat, i love you bes. Goodluck sa puso mo HAHAHAHA" tignan moto nanloko pa e. Hahahaha




Makapagpahinga na nga at may gagawin pa bukas. At sana hindi na niya ako kulitin pa.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now